Lihim na Misyon🥀

55 16 0
                                    

'Kaya pala maraming nabubulag sa pagmamahal, masarap kasi sa pakiramdam na may nag-aalala sa 'yo at nagpaparamdam na mahalaga ka sa kanila, may nag papagaan ng pakiramdam mo sa mga oras na malungkot ka. Kaya may mga nilalang na handang mag sakripisyo at sumubok para lang maramdaman nila 'yung bagay na 'yon.'

Natigil sa pag iisip si Draca ng marinig ang boses ni Dwarf at pakaway kaway pang kamay nito sa harap ng mukha nya.

"Hoy! Draca, ayos ka lang ba ha? Wag kana mag alala sa kalagayan ni Euri kasi hindi naman sya napuruhan eh!"

Sinulyapan ni Dwarf si Euri na napapangiwi pa rin dahil sa mga paltos na natamo. Ngumiti ito ng pilit saka umaktong masigla na ikinatawa na lang ni Onyx.

"Syanga naman Draca, wag mo ng alalahanin yang si Euri, mamya magaling na rin yang sugat nya dadalhin ko sya kay Alex para mabilis maghilom ang kanyang sugat."

Napataas ng tingin si Draca mula sa pagkakayuko saka sinulyapan si Euri, sa totoo lang nakokonsensya sya sa nagawa nya, kasi sa sobrang pagsasaya nya may nasaktan pang iba. Binaling nyang paningin sa kawalan ng aksidenteng napatingin din si Euri sa kanya. At nagkatitigan silang dalawa. Para makabawi sa pagkapahiya sa makisig na binata nag asal impakta na naman sya.

"Sinong maysabing nag aalala ako sa kanya, pakialamero kasi sya kaya bagay lang yan sa kanya."

Nagkatitigan ng may kahulugan sila Dwarf at Onyx .. Sabay na napangiti pang dalawa at nagtanguan na nagkaintindihan. Narinig nilang napadaing si Euri kaya agad itong nilapitan ni Onyx para tingnan. Nakita nilang napailing ito at bakas sa mukha ang sobrang pag aalala sa kaibigan. Kinalabit ni Dwarf si Draca para kunin ang pansin nito.

"Bruha! Ikaw ng magdala kay Euri sa pagamutan!"

Nandidilat ang mga mata ni Draca ng tingnan si Dwarf na kay Euri at Onyx naman nakatingin.

"At bakit naman ako, eh hindi ko naman yan kaibigan ah?"

"Kasi, ikaw lang naman ang may gawa kung bakit sya nasasaktan ng ganyan."

Halata ang nerbyos at pagkailang kay Draca ng sulyapan ito ni Dwarf. Kaagad nyang tinawag si Onyx para wala ng rason si Draca para hindi dalhin ang kaibigan nila kay Alex.

"Onyx, hoy! Halika na sa palasyo, siguradong tayo na lang ang hinihintay sa pagpupulong."

"Ha! Wal --."

"Halika na kung ayaw mong maparusahan ng Heneral."

Mabilis nyang tinakbo si Onyx at hinila palabas ng palasyo nila. Naiwan namang nakatanga pa rin si Draca habang nakatunghay kay Euri na dumadaing sa sakit na nararamdaman. Wala na syang pagpipilian kundi ang dalhin ito sa pagamutan.

"Draco!" Tawag nya sa alagang dragon na nasulyapan nya sa labas ng bintana at paikot ikot na lumilipad sa himpapawid. Nilapitan nya si Euri at inalalayang makatayo sana pero masyado itong nanghihina. Dahil sa hindi nya ito kayang buhatin sa laki ng katawan nito. Payakap na hinatak nya ito patungong bintana kung san nakatigil ang kanyang Dragon.

"Draco, tulungan mo akong maisakay sya sa likod mo!"

Yakap yakap pa rin nya sa katawan si Euri na hinang hina na. Nakasilip naman sila Dwarf at Onyx sa pinto na bahagya lang ang pagkakasara. Masyadong abala si Draca kaya hindi nya napansin ang dalawang nagtatawanan at nag apiran pa ng matagumpay na naisakay si Euri sa Dragon. Sumampa na rin si Draca saka mabilis na pinalipad si Draco.

"Ano sa tingin mo Onyx may kinabukasan ba yung dalawa ha?"

"Konting tulak pa at siguradong may pag asa, hahaha."

Napatawa na rin si Dwarf habang pinagmamasdan nila sa bintana sila Draca na patungong pagamutan sa kaharian ng Umbra.

"Sana nga magkatuluyan sila! para maging masaya na si Euri at dina mag isa si Draca."

"At para dika na saktan at parusahan ni Draca kamu Hahaha.!"

"Hahaha yun ang pinaka mahalaga sa lahat." Mapatigil sa pagtawa si Dwarf ng may maalala. "Kaya lang ang kaibigan naman natin ang magiging kawawa."

Tinapik ni Onyx ang balikat ni Dwarf.

"Para namang wala kang bilib sa kaibigan natin kung makapag salita ka ah! Baka nakakalimutan mong wala pang diwata ang hindi nahuhulog sa kakisigan ni Euri."

"Iba si Draca, bato ang puso nun saka wala yun damdamin. Ang alam lang nun ay magsaya at ibig sabihin ng magsaya, nananakit sya para sumaya, ganung klase ang impaktang dragonya na yun."

"Basta magtiwala ka lang kay Euri, makakaya nun baguhin ang pinsan mo, maniwala ka sakin."

Matiim na tinitigan ni Dwarf si Onyx. Ng makuha nya't maintindihan ang nais ipahiwatig ng kaibigan unti unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. At dahil sa kaligayahang nadarama napahiyaw sya sa saya at napatalon talon sa harap ni Onyx na tawa naman ng tawa sa ginawa nya.

"Yohoooo.. Sa wakas makakalaya na rin ako sa impaktang nag ngangalang Dracaaaa hoooo..."

"Wag masyadong magsaya habang dipa tayo nakakatiyak na magkatotoo ang lahat, kailangan nating gumawa ng paraan para ang dalawa ay magka ibigan."

Napahinto bigla si Dwarf sa pagsasaya, kaagad na nilapitan nya si Onyx.

"Anong naiisip mong plano ha? Anong gagawin natin?"

"Basta! Halika na, mag umpisa na tayo sa lihim nating misyon."

Tumalikod na't naglakad palabas ng palasyo si Onyx, nakasunod naman si Dwarf na pasipol sipol pa.

Magtagumpay kayang mga ito gayung batid naman nilang magkaibang magkaiba ng pagkatao at paniniwala sila Euri at Draca?

💃MahikaNiAyana

ITINADHANA🥀  ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon