🥀Final Chapter

50 16 0
                                    


Ngayong malinaw ng lahat kay Draca at naliwanagan na sya. Hindi nya ngayon alam ang gagawin para lang mapatawad sya ni Euri. Kasalanan nyang lahat dahil ang bilis nyang manghusga.

Umalis sya ng Engkantadya at ngayon ay pabalik na sila lalong nadagdagan ang takot nya na harapin si Euri. Kaya para makaiwas dito hindi sya tumuloy sa palasyo nila Dwarf, nanatili sya sa kaharian ng Umbra kung saan kasa kasama nya sila Alex, Prinsesa Ayana at Heneral Ixeo. Gaya ngayon nasa taniman sila ng prutas sa Fairyland. Abala sila ni Alex sa pagkuha ng mangga habang ang heneral kumuha naman ng tubig at ang dalawang prinsesa na sina Ayana at bunsong kapatid nitong si Alitaptap ay nakamasid lang sa kanila.

"Ano Draca, marami kana bang napipitas dyan? malapit ng mapuno itong lalagyan ko."

Napasimangot si Draca habang tinitingnan ang lalagyan nya.

"Hindi pa nga nangangalahati tong lalagyan ko eh, akyatin ko na kaya tong puno ng mangga Alex, dyan ka lang baka may malaglag ikaw ng bahala."

"Sabi ko naman kasi sayo kanina akyatin na natin eh!"

"Baka kasi mapagalitan tayo ni Mother Golden Fairy!"

"Eh bakit naman ngayon, gusto mo ng akyatin?"

Napangisi pa sya saka kinindatan si Alex bago sumagot.

"Kasi mas madaling mapuno ang lalagyan ko pag nasa taas ako, dun maraming bunga eh!"

"Bahala ka! sige na akyatin mu na para makakain na tayo, kanina pako nagugutom eh."

Agad na lumambitin sa sanga ng mangga si Draca at maliksing tinalon talon ang bawat sanga makaakyat lang sa pinaka itaas ng puno. Hindi na sya makita nila Alex at Ayana sa lago ng mga dahon, boses na lang nya ang pinakikinggan ni Alex kapag sumisigaw ito tuwing may nahuhulog na bunga.

Biglang lumitaw si Dwarf at Euri sa likuran ni Ayana na walang kamalay malay. Kinalabit nya ito at ng lumingon seneyasan nya itong sumama sa kanya. Pagkatapos binalingan ni Dwarf si Euri at sinabihang lapitan nila si Alex na abala kapupulot ng mangga na nahuhulog sa lupa. Sumunod naman ang kaibigan.

"Mahal kong Prinsesa, si Euri pala, kaibigan ko."

Ngumiti naman agad si Ayana " Hello."

Nakangiting bati ni Ayana kay Euri na agad namang sinaway ni Dwarf.

"Huwag mo syang ngitian Mahal kong Prinsesa! dapat sakin ka lang ngumingiti ng ganyan hmp."

Naiinis na sabi ni Dwarf, saka bumaling sa kaibigan na ngayon ay nakangiting yumoyukod kay Ayana. Ng tumuwid ito ng tayo, pinandilatan kaagad ni Dwarf ng mga mata nya.

"Bumati ka na lang, wag mo na syang ngitian."

Naiiling na lang na tinikom ni Euri ang bibig saka binati ng seryoso ang mukha na tumingin sa Prinsesa.

"Maaliwalas na araw Prinsesa Ayana."

Hinampas naman sa balikat ni Ayana ang katipan na tatawa tawa. Napakaloko talaga nito. Bumaling naman si Dwarf kay Alex, saka sinitsitan ito.

"Alexxx.. psssttt.."

Mahinang tawag ni Dwarf kay Alex na lumingon naman agad sa kanila. Senenyasan nya itong lumapit.

"Bakit kayo nandito?"

Nagtatakang tanong ni Alex kay Dwarf. Saka nalipat ang tingin nito kay Euri na nakatingala na ngayon sa puno ng mangga.

"Sssshhhh, nasan ang bruha?"

Tanong ni Dwarf kay Alex na nakataas ang kilay nito sa kanya.

"Nasa taas ng puno nangunguha ng mangga, bakit nga?"

ITINADHANA🥀  ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon