Dragonya 🥀

42 15 0
                                    

"Minsan ka lang magmamahal eh. Lubusin mo na. Wag ka matakot masaktan. Ibigay mo lahat. Hindi dapat makasarili sa pag-ibig."

Pinapayuhan nila Dwarf at Onyx si Euri, nagmamagaling yung dalawa kala mo naman mga eksperto sa pag ibig eh sa kanilang tatlo si Euri pa lang naman ang unang nagkarun ng kasintahan.

"Pag mahal mo at may salita siyang iniwan sayo na hindi siya mawawala. Panghawakan mo yun. Kasi kung mahal ka niya? Gagawin niya yun at hindi ka niya hahayaang mag-isa. Mahirap sa una kapag medyo nag-aaway o kaya naman ay may dumating na problema, pero kapag naging ok ang lahat? Sobrang saya."

"Tumpak ka dyan sayong tinuran kaibigang Onyx..hmmm siguro may tinatangi kana ano?"

"Hindi pa ipinapanganak ang diwatang iibigin ko Dwarf o baka ipinanganak na kaya maghanda kana baka maging magkaribal pa tayong dalawa hahaha."

Yung biglang tayo ni Dwarf para sana suntokin si Onyx ay nauwi sa pagmumura dahil mabilis na itong nakatakbo palayo sa kanila.

"Alam mo kayong dalawa dina natigil kakaasaran sa isa't isa. Pansin ko rin na mukhang magkatulad kayo ng tipo pagdating sa pagpili ng diwatang itatangi.."

Napaismid si Dwarf saka inayos ang espadang nakasabit sa likod nito.

"Subukan lang nyang agawin ang prinsesa ko kakalimutan kong pagkakaibigan namin."

Natatawang sinakal ni Euri ng balikat nya si Dwarf saka binuhat pataas, napatawa na rin ito dahil sa kalokohan nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natatawang sinakal ni Euri ng balikat nya si Dwarf saka binuhat pataas, napatawa na rin ito dahil sa kalokohan nya. Maya maya nagpaalam na syang uuwi dahil masama talaga ang kanyang pakiramdam.

Nagpasya naman si Dwarf na maglakad lakad muna sa kaparangan, pumulot sya ng maliliit na bato saka hinagis hagis sa nadadaanang mga ibon sa halamanang nakahilera sa gilid ng daan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagpasya naman si Dwarf na maglakad lakad muna sa kaparangan, pumulot sya ng maliliit na bato saka hinagis hagis sa nadadaanang mga ibon sa halamanang nakahilera sa gilid ng daan. Nahagip ng mga mata nya si Draca na may kausap, nagtaka sya ng makilala ang engkantong kausap nito..

'Magkakilala sila ni Nada? Kelan pa? At mukhang magkalapit silang dalawa!'

Nanatili syang nakamasid sa dalawa at sinikap na marinig ang usapan ng dalawa kaya lang malabo ang dating ng mga boses. Akma na nyang lalapitan ang dalawang nag uusap ng maglaho na si Nada.

ITINADHANA🥀  ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon