Paghahanap 🥀

44 15 0
                                    

Sa bawat araw, oras at minuto na pumapasok ka sa isipin ko. Naalala ko lahat ng sakit. Sakit na alam kong matagal pa bago maghilom. Bumabalik lahat ng masasayang araw natin, ngunit hindi ko magawang ngumiti kasi nababalot ako ng kalungkutan sa tuwing mawawaglit ito sa aking isipan, sapagkat alam kong maaaring di na maulit o mangyari pa ang lahat ng iyon. Ngunit sa kabilang banda, binibigyan ako nito ng lakas at ng pag-asa na balang araw baka sakali, baka sakali lang naman bigyan tayo ng pagkakataon na ulitin lahat ng iyon at gumawa pa ng mas masasaya at magagandang alaala.'

Nakatingin na naman si Draca sa kawalan, dalawang araw na syang ganito pero para pa ring kulang, kasi hindi pa rin nababawasan kahit konti ang sakit na kanyang nararamdaman. Nalipat ang pansin nya kay Draco na nakikipaghabulan sa ibang dragon. Napabuntung hininga na lang sya ng maalala si Dwarf, ang pinsan nyang si Dwarf na nagpapasaya sa kanya kapag ganitong malungkot sya. Napangiti sya ng may lungkot ng maalala naman ang katipang si Euri ang taksil na si Euri. Nagngangalit ang mga ngipin nya ng maalala itong may katabing diwata sa higaan at kapwa nakahubad pa ang dalawa.

"Ahhhhhh..."

Sa pinaghalong iba't ibang emosyon napasigaw na lang si Draca na ikinatigil ng lahat ng dragon na naroroon.

🥀🥀

Samantala sa kahariang Umbra aligaga naman si Dwarf kakahanap kay Draca. At sa tuwing uuwi sya ng kanilang palasyo sinasalubong kaagad sya ng Ina nyang si Rion, katulad ngayon, dipa nga sya tuluyang nakakapasok sa hardin nila nakaabang ng Ina sa pagdating nya.

"Dwarf! Nahanap mo na ba si Draca?"

"Dipa Ina, kung saan saan na nga ako nakarating eh!"

Akmang uupo na sya sa pahabang upuan sa hardin nila ng magsalita ulit ang kanyang Ina.

"Anong ginagawa mo dito? Umalis kana at hanapin si Draca, wag na wag kang uuwi dito ng hindi sya kasama, naiintindihan mo bako Dwarf ha?

Naglalambing na lumapit si Dwarf sa Ina saka yumakap dito.

"Ina, baka pwede naman po akong magpahinga kahit ngayong araw lang! Sige na po Ina!"

"Hindi! Hala humayo ka't hanapin mo si Draca!"

Tinulak tulak pa sya ng Ina kaya napilitan na lang si Dwarf na umalis.

"Dwarf, wag kang uuwi dito hanggat dimo kasama si Draca ha! Isusumpa talaga kita!"

"Opo!" San ko naman ngayon hahanapin ang impaktang yun?'

Nammomroblemang napatingala sa kalangitan si Dwarf sakto naman ang pagdaan ng isang dragon na inakala nyang si Draco kasi magkakulay kaya yun ang sinundan nya. Napakalayo ang nilakbay nila na naisipan nyang parang wala namang mapupuntahan ang paglalakbay nya, babalik na sila ng alagad nyang dambuhalang agila ng marinig nyang boses ni Draca.

"Dracaaaa!"

Pinalibot nyang tingin sa napaka gandang lugar na yun na puno ng iba't ibang uri ng dragon.. Ang ipinagtataka nya lang kung bakit nagkakagulo ang mga dragon dun, maiingay din na parang nasasaktan ang iba. Napabaling ang tingin nya sa kanan ng makakita dun ng naglalagablab na apoy. Kaagad na lumipad sila Dwarf patungo doon. Isa pala yung munting bulkan na naglalabas ng apoy.

"Dracaaaa!"

Sigaw ulit ni Dwarf, nakita nya si Draco na paikot ikot sa bulkan na tila di mapakali at parang gusto nitong lumapit pa sa bulkan pero tila nag aalinlangan ito. Iba ang tinig na nanggagaling kay Draco umiingos ito na tila nagmamakaawa. Sinuri nyang maigi ang loob ng bulkan dun lang sa abot ng natatanaw nya.

"Draca! Mahabaging Bathala! Anong nangyayari sayo?"

Nahindik si Dwarf sa nakitang hitsura ng pinsan balot na balot ng laba ang buong katawan nito, ang dating kulay puti nitong buhok ay naging itim, halos hindi na ito makilala pa ni Dwarf dahil sa hitsura nito. Nangilabot siya't nataranta ng sa pagbuga ng apoy ng bulkan ay kasabay nun si Draca, nakaluhod ang isang tuhod nitong bumagsak sa lupang nag aapoy at ang isang paa naman nito ay nakaapak naman sa lupa, at sa pag angat ng ulo nito, tumingala ito sa kinaroroonan ni Dwarf.

ITINADHANA🥀  ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon