Chapter 12

846 33 0
                                    

Chapter 12

Ganoon lang ang naging takbo ng relasyon namin ni Ferlan. Usual routine lang hanggang sa matapos ang sem. Sabay kaming nagla-lunch, sabay kaming pumapasok at umuuwi. At kapag may mga sudden meetings naman, salitan lang kami sa paghihintay. It was a good relationship. Para na nga kaming kambal na hindi mapaghiwalay, 'eh. Buti nalang at hindi pa siya nagsasawa sa pagmumukha ko.

"Next week na pala ang Intramurals." rinig kong sabi ni Valerie.

Pumasok na ako sa room at naupo. Huli na nang malaman na hindi papasok si Prof sa Techno namin. Sana tumambay nalang muna kami sa gym. Kaso ang ingay din do'n.

Napatingin ako sa bintana nang mahagip sa labas si Chester kasama ang isang babae. Napakunot ang noo ko dahil naiinis talaga ako sa mukha niya.

Ang bwesit na 'to.

Nakipag-halakhakan siya sa babaeng ang lagkit ng pagkakahawak sa kanya. Hambog na nga, babaero pa. Presko at mayabang na nga, babaero pa. Akala mo naman...

Para hindi tuluyang masira ang hapon ko, bumaling ako sa mga kaklase kong naglalaro lang ng UNO cards.

The next day, we had our meeting para sa isang minor event sa Intramurals na gaganapin next week. Tumayo sa harap ang mayor namin. Katabi nito ang beadle namin na may isinusulat sa white board.

Battle of Wizards. (Elimination Round)

16- Block A vs Block B

17- Block C vs Block D

18- Block (?) vs Block (?) (Final Elimination)

The winning block for final elimination will represent the Engineering Department for the Intramurals.

"So? Ito na nga... Sino ang gusto niyong mag-represent para sa elimination round natin?" tanong ni Mayor.

Nagulat ako nang tumingin sila sa akin! Hala ka!

"Oy teka—"

"Si Montano! Ang taas ng kuha niya sa Calculus quizzes at magaling siya sa analysis! Sige na Karol, ikaw na bahala!"

"Oo nga Karol."

"Montano na!"

Ngumisi si Mayor sa akin. "Ikaw na Karol ha! Keri mo na 'yan. Susuportahan ka naman namin! Manalo o matalo, Block B ay nasa likod mo!"

Natulala ako. They even cheered for me hanggang sa hindi man lang ako nakatanggi.

Kinakabahan ako! Mga gagong 'to! Ni hindi man lang ako nakaangal! Wala na akong nagawa nang ilagay na nila ang pangalan ko. Hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataong tumanggi o magsalita man lang! Talagang diretsong pangalan ko kaagad 'yung sinulat!

Kinabahan ako kasi ang tagal na mula noong huling sali ko sa quiz bowl!

Damn it. Buong araw ko atang inalala iyon. Kahit na nasa harap ko na si Ferlan ay tulala parin ako. Gagi, kinakabahan ako!

"Akin na bag mo," rinig kong sabi niya.

Wala sa sarili kong binigay iyon.

"Love? May problema ba?"

"Ako ang pambato doon sa Battle of Wizards!" Medyo naiiyak ako sabay umbong sa kanya. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

Ilang segundo siyang natahimik at tinagilid ang ulo.

"B-Bakit parang hindi ka masaya?"

"Natatakot ako! Paano kung ang galing ng—" 'di ko natuloy iyong sasabihin dahil sa biglaang naisip. Every block iyong elimination...

Flames of Stupid Mistake (Squad Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon