Chapter 35

1.2K 33 0
                                    

Chapter 35

Ayoko na nga. Even he declared it on my face that he still loves me.

Pero bakit naman ganito? Takot na takot pa rin ako. Takot akong magkamali ulit. Hell, I'll die if I fail him again.

"I fucking quit, Ferlan. Stop bringing this again." Kasi nakakaumay na 'yong ganito. Hindi biro ang dalawang taon. Hindi rin biro iyong anim na taong halos mabaliw ako sa kanya simula no'ng nangyari sa amin sa college. Walong taon akong naghirap. Walong taon akong nagbayad. That's enough. It's too much.

"Bring me to my room."

"Karol!" tawag niya sa akin kaya iritado akong humarap sa kanya. Ano na naman ba gusto niya? Ang daming tanong gumugulo sa isipan ko kaya naiirita ako sa ginagawa niya ngayon.

"Ano? Ano ba kailangan mo?" seryosong naiinis na ako. Seryosong ayokong nandito siya kasama ko. Ayoko na sa kanya. Tama na iyong taon na nagpa-katanga ako. Okay na sa akin kung hindi niya pa ako napapatawad ng buo... kasi ayoko na talaga.

"Let me hold you—"

"What do you think you're doing?!" sigaw ko at lumayo sa kanya.

Napaatras siya sa gulat. Napapikit siya na parang pagod na pagod siya sa akin.

"Bakit ka ba nandito? What do you want?" Napahilot ako sa noo ko kasi hilong-hilo na ako sa kakasigaw.

"Let us talk."

"Talk about what?"

"Us,' he said. "I told you... I'm fucking ready."

"No," I said. "I'm done, Ferlan. Huwag na nating ipilit 'to. I broke your heart. I cheated. Really... all the pain—it was all worth it." I said bago ako tumingin sa kanya. Kasi alam kong totoong pagod na siya at pagod na rin ako. "We're not bound together."

"I am... for you, Karol." He declared it like he's really cupid stupid.

"Sinaktan mo ako noon. Nasaktan kita. Nasira mo ako. Remember you slammed that fucking door?" Natawa ako. "It's over."

Gusto kong huwag umiyak pero hindi ko napigilan. Kasi nandito pa rin siya at sinasaktan pa ako sa paraang kaya niya. He can still chain me. Kahit anong gawin ko, he can still ruin me.

Is this love? Ganito ba talaga? Pagmamahal pa rin ba ang tawag do'n sa taong kayang-kaya ka pa ring saktan at durugin?

Gusto ko rin siyang sumbatan kasi ang totoo, may kasalanan din siya. He tried his revenge and cheated too. Kaya 'di ko siya maintindihan.

"Alam kong nagkamali ako. Alam kong kasalanan ko and I fucking paid for it! For almost six years, fucking six years, pinagbayaran ko iyon! Kaya nga 'di ba? Pinatulan kita kahit alam kong may girlfriend ka! Sinubukan ko noon! Pero sinabi mong magkaka-anak ka!" My voice cracked a bit. "Tapos dalawang taon pa... sa ibang bansa." I closed my eyes. "Walong taon, Ferlan. Please... I dedicated my eight years... for you to get even. Kasi alam kong kasalanan ko."

His eyes never changed.

"Nawalan ako ng respeto para sa sarili ko... para lang pagbayaran ko iyong kasalanan ko."

His jaw clenched. "Baby—"

"Pero sa loob ng mga taon na iyon, Ferlan, ipinaglaban kita kahit putang ina, kahit galit mo lang ang inintindi mo! Hindi mo ako pinagpaliwanag noon! Hindi mo alam kung gaano ako sising- sisi na nagawa ko iyon! Isang pagkakamali lang pero inubos mo na ang pagmamahal mo sa akin... lahat!" Halos habulin ko na ang hininga ko dahil sa pinaghalong iyak at galit. Ngayon ko lang naisalba iyong sarili ko. Sa loob ng walong taon, ngayon lang!

Flames of Stupid Mistake (Squad Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon