Chapter 16

833 27 0
                                    

Warning: Rated 18

Chapter 16

Nakarating nga kami sa expensive condo niya. Hindi na naman nakakapagtaka dahil bukod sa trabaho ng mga magulang niya, may mga business din sila at talagang nanggaling sa mayamang angkan. Pagkarating namin sa tapat ng condo niya at nagtipa ng code, binuksan niya ang pintuan ng kwarto bago ako nilingon.

"Stay there," sabay turo niya sa akin.

Umismid ako dahil kanina pa simangot ang mukha niya sa kotse. Wala naman akong ginagawang masama! Siya lang naman 'tong malikot ang isipan.

Ngumuso ako at nagpipigil sa pagtawa. Umupo ako sa sofa at pinaandar ang Smart TV niya. Malinis ang unit at nasa ayos ang mga libro na nasa cabinet. Para siyang babae. Wala kang makikitang kalat na kahit ata alikabok ay nahiyang magpakita sa akin. Sa hiya ko, napahubad ako ng sapatos at yinakap ang mga tuhod ko. I sighed. Hindi ko parin maiwasan isipin ang nangyari. Nalulungkot parin talaga ako sa pagkatalo ko.

Nakakahiya iyon. Ang gusto ko, makagawa ng something remarkable sa college years ko pero... eto pa talaga ang natanggap ko, ang pagkatalo. Ano nalang iisipin ng mga estudyante? Na tama nga sila?

Itinago ko ang mukha ko sa naisip. Gusto kong magwala dahil sa kahihiyan.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at agad na naramdaman ang haplos ni Ferlan galing sa aking likuran.

"Still sad?" tanong niya at naramdaman na hinalikan niya ang buhok ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at parang batang nagpapacute.

May dala na siyang kumot ngayon at dalawang unan. Ngumiti ako at tumayo sa sofa. Tumalon ako at agad na ikinalabit ang braso sa leeg niya para hindi ako mahulog. He was shocked pero hindi naman umangal. Hinayaan niya lang ako ako sa gusto ko lalo na't nang isiksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Para akong batang kumapit sa kaniya. Hinahaplos niya ang likod ko at dahan-dahang umupo sa sofa. Nakaupo na ako sa hita niya nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya.

Dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa kaniya. Hinalikan ko siya nang marahan dahilan para hindi niya na mapigilan ang daing niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil kakaiba ang halikan namin ngayon. It made me weak but... there's a fire on it.

"Naughty." He whispered nang lubayan niya ang labi ko. "Are you still sad? Let's watch movies now." sabi niya kahit alam ko namang nagugustuhan niya ang ginawa ko.

We can kiss you know... hanggang sa magsawa siya. Mamaya nalang iyang Netflix. Wala naman akong mapapala diyan, e!

"Karol," he called me kasi alam niyang nagdadalawang isip na ako sa Netflix plan namin. Ngumuso ako at umalis sa pagkaka-kandong sa kaniya bago hinayaan siyang maghanap ng movie na panonoorin namin.

Iyon na nga, nag-Netflix kami at may mga chips naman siyang tambak sa kusina niya. Kumuha siya no'n at naglagay pa ng ilang drinks at yogurt. Hindi siya fan ng yogurt and cheese pero marami siyang tambak sa ref niya.

"Bakit ka marami nito, e hindi mo naman gusto to?"

He opened the yogurt for me and gave me the spoon.

"Bumili ako dahil alam kong paborito mo iyan," he answered at tumabi na sa akin.

Ngumisi ako at masyadong nagdiwang na masyado niya akong ginagawang spoiled. Pinatong ko ang paa ko sa hita niya. We're watching a zombie movie kaya medyo dumikit ako lalo sa kanya. Totoong natatakot ako! Hindi ako fan ng mga bloody and horror movies kaya hindi ako nagpapanggap na natatakot para mas lalong dumikit sa kaniya.

Nakatuon lang naman sa movie ang atensyon niya kaya parang wala lang sa kaniya ang pag-usog ko. Nang mapansin kong paubos na ang chips ko ay doon ko lang siya siniko.

Flames of Stupid Mistake (Squad Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon