Chapter 33

1K 29 0
                                    

Chapter 33

I didn't reply.

Bahala siya.

"So, how's the wedding?" si Mommy habang nag-aalmusal kami. Wala si Daddy dahil maagang pumasok sa trabaho. And I need to start my morning with this. Hindi ko pa napro-proseso sa utak ko ang nangyayari. Nabaliw na nga ako sa Cebu that's why I need to thinks straight here.

"Okay lang. I enjoyed. Maganda ang lugar. It's a good place to unwind..." matamlay ang naging sagot ko.

Natigilan kami pareho nang may biglang tumakbo na batang babae papalapit sa akin kaya agad na naiba yung mood ko. Agad akong tumayo para buhatin siya.

"Ninang! Welcome back!" Iyanna, my six- year-old inaanak hugged me na para bang wala ng bukas. She even kissed me and giggled a bit. Nagmano siya kay Mommy kaya kumalas sa pagkaka-yakap ko.

Ngumisi ako at ipinaghandaan siya ng pagkain. Halos mapunit na ang labi niya sa kakangisi.

"Daddy said you're here!"

"Really? Daddy mo talaga... panira ng surprise."

She chuckled.

"Nakita niya iyong latest post mo."

Agad akong napalingon sa boses na iyon. Ngumisi ako at agad na tumayo para yakapin siya nang mahigpit. Yinakap niya rin naman ako pabalik at kinurot ang tagiliran ko.

"Awww!"

Ngumuso siya. Napaiwas ng tingin sa amin si Mommy. Simula ng magka-anak si Chester kay Maika ay sinuko niya na rin iyong pagshi-ship sa aming dalawa. 3rd year kami noon nang makabuntis siya kaya natigil na rin iyong tungkol sa amin. Well, dahil na rin sa nangyari kaya itinigil na rin nila.

"I missed you, Chester." I held his hand. "Si Maika? Hindi mo kasama?" tanong ko nang mapansing wala ang asawa niya.

"May trabaho."

"Bakit siya nag ta-trabaho?! Bakit hindi ikaw?"

Nakita kong ngumiwi siya at agad akong hinawakan sa leeg at inipit ng kamay niya.

"May business ako! Palibhasa wala kang alam dahil nag-pa New York-New York ka pa tapos wala namang nangyari! Hindi ka pa naman naka move-on!"

"New Jersey kasi! At ano bang sinasabi mong hindi pa naka moved on?! Guilty ka lang eh!" asar ko sa kanya. He glared at me.

"Sino naman kase ang hindi magu-guilty? Hanggang wala akong nakikitang lalaking nagpapasaya sa iyo, nandito pa rin iyong guilt."

"Kalimutan na natin iyon. Ang dami ng nangyari," I said. "Kasalanan natin iyon at alam ng lahat kung gaano natin pinagbayaran iyon. Huwag mo ngang akuin lahat!"

"Still, I wished you the best and happiness, Karol. Hindi na ba talaga kayo magkakabalikan?"

I glared at him. Kung hindi niya lang kasama ang anak niya, sasabunutan ko na talaga siya.

Chester and Iyanna decided to visit Maika kaya umalis na sila. Pagkatapos kong naligo, bumalik ako sa kusina para ihanda ang mga baking ingredients ko kasi naisipan kong gumawa ng cookies para sa merienda mamaya nila Chester.

My phone suddenly beeped because of an unknown message.

Unknown Number:

Hey. Nakauwi ka na?

Kumunot ang noo ko... kahit na may kutob ako kung sino iyon. But no... bakit niya naman gagawin iyon? He won't try. Hindi niya gagawin 'yon kasi kung talagang naisip niya, edi sana ginawa niya na noon. Sana hindi na umabot ng dalawang taon.

Ilang sandali pa akong natulala. I hate the idea of him...chasing me. Kasi imposible. I hate that here I am again, trying to check the chains for me not to hope for. A chain that won't rust.

Kung meron dapat na kumalawang dito, dapat yung pagmamahal ko kay Ferlan! Urgh, there's no hope for me to forget my feelings. Kahit na okay na naman ako sa New Jersey—much better kaysa noon, pero ngayon? I can't fucking think what am I doing!

"Ninang is daydreaming again," someone whispered.

Napatingin ako sa hamba ng pintuan at nakita ang dalawa na nakangising nakatingin sa akin.

"Nababaliw na si Ninang."

I rolled my eyes. "Shut up! Give Iyanna to me! Buti pa ikaw nalang mag-bake para may makain kayo ng anak mo."

Humalakhak si Chester. Kinuha ko si Iyanna sa kanya at palihim na minura siya. Naglaro kami ng anak niya sa sala kaya nang tumawag si Maika para sabihing sunduin siya, agad na silang nagpaalam.

Chester didn't change. Lakas pa rin mambuwesit.

"Karol."

Napalingon ako kay Mommy na kanina pa pala nakatingin sa amin hanggang sa makaalis ang mag-ama. Lumapit ako sa kanya at ngumiti. "Yes, Mom?"

Inayos niya ang buhok ko at humawak sa braso. Ngumisi siya na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano sisimulan.

"I'm so sorry." sabi niya.

Natigilan ako. "For what—"

"For everything..." She smiled. "You know, for all the pressure and unjust decision." halos malungkot niyang sabi. "I know... I was too hard."

Natahimik ako. Sa loob ng ilang taon, sinisi ko siya dahil sa nangyari. But I realized, kung hindi nangyari iyon ay wala akong matututunan. Hindi ako mag go-grow at mananatiling competitive na wala sa lugar. Doon palang, nagpapasalamat pa rin ako sa nangyari.

It was a lesson for me to learn but the guilt feared me with trauma. It makes sense. I deserved it because I did a mistake. I cheated. I lied. I became stubborn. Nagmahal akong paurong.

"I'm so sorry na nadamay ka pa sa lahat. I'm so sorry, sweetheart." At yinakap niya ako nang mahigpit kaya napaiyak ako. We continued to discuss things in the past and both asking for forgiveness. I have decided to clear things with Mom... that we need to move on because I did.

Dad went home and we did it with him too. It made my heart somehow in peace kasi kailangan ko ring pag-usapan ang issues ko sa mga magulang ko.

I wanted to get rid of this guilt. The pain. I wanted to ease it. I wanted to help myself forgetting him for him not to haunt me. Ang unfair lang. Dalawang taon naman kasi akong nagpakahirap na kalimutan siya pero 'di pa rin nangyayari. This time I wanted to be selfish. I want to think ways better for myself. I wanted to love myself. Sana naman mangyari na.

"Ma'am... May mga bisita po kayo."

Kumunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahang bisita.

But...

Sila.

Urgh, fine. Sila nga.

Inayos ko ang sarili ko at nilugay ng tuluyan ang buhok. Alam ko na kung sino sila. I missed them so much and it would be unfair for them na iwasan sila just because of what happened between me and Ferlan. That's too bullshit.

I cleared my mind. Sinabi ko sa sarili ko na haharapin ko sila sa paraang kaya ko. It's been two years... kaya ko na... siguro.

What a clown.

Really.

It almost felt like I'm lying again. Kasi nga akala ko kaya ko. Kasi sa New Jersey pa lang, sinigurado ko na naka-move on na ako.

Natatawa ako sa sarili ko. I thought... this will end well. But two years is just a joke.  Because the moment I saw him, my heart throbbed painfully. Standing proudly, with eyes on me... sobrang gwapo niya pa rin sa paningin ko. The visuals—10/10. His physique would obviously make me wanted to devour him.

God. My heart gone mad. Why did he smile? Why... his eyes were on me?

Why is he bothering me again?

Flames of Stupid Mistake (Squad Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon