Chapter two

2 0 0
                                    

"I never changed, tanga pa rin"

Second

Masamang tingin ang ipinukol ni Jensen sakanya habang ako ay nakatingin lang sa lupa. I don't know what to say, did he recognize me or not?

"Okay lang kami, tara" Jensen tried to ignore his presence. Inantay ako ni Jensen makasakay pero bago pa siya makapunta sa kabilang side ng van ay nakita kong nag-usap pa sila.

I don't know what they are talking about, I just want to rest.

Jensen knocked on the window beside me, ibinaba ko iyon.

"Kilala mo siya?" He asked. My eyes widened and my heart rate doubled. What should I say? Oo? Hindi?

In the end, I nod. Hindi ko rin alam kung bakit. Tumalikod ulit si Jensen at muli silang nag-usap. Nagulat ako ng biglang pumasok si Jensen sa likod at pumasok siya sa driver's seat. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. The next thing I knew, he was driving.

I'm glad that he's not saying anything. I let my eyes be satisfied with the nice view from the outside while trying to process the situation. I don't know how did he convince Jensen with his plan. Jensen’s the kind of person who calculates everything.

Tahimik kaming tatlo sa biyahe pero sumisigaw ang isang lasing sa likod.

"May lindol! Guys!" Jade unconsciously said.

"Mama!" Pahabol pa niya sabay iyak na walang luha.

I heard Jensen laugh but I can't seem to laugh too. Mas nangingibabaw ang kaba sa akin. Ilang saglit rin lang ay lumiko siya papunta sa parking area ng hotel na tinutuluyan namin. He stopped the engine when he's done parking the van. Tinulungan niya kaming alalayan ang mga kaibigan namin hanggang sa mailapag namin silang lahat sa kama.

I went to the mini table and drink some water. Si Jensen naman ay nagpaalam na maliligo. Umupo siya sa katapat kong upuan at uminom din ng tubig.

Hanggang sa makalabas si Jensen ay walang nagsasalita. This is a good thing dahil ayaw ko rin na mag-usap pa kami.

His phone rang, tumayo siya at bahagyang lumayo para sagutin ang tawag.

"I need to go" he told Jensen after the phone call. Tumango lang ito.

"Paige, hatid mo sa parking" dagdag pa niya.

"No need" he refused.

"Ihahatid ka ni Paige sa parking" pamimilit ni Jensen. I have no choice but to do it. Nauna ako sa paglabas, narinig ko na nagpasalamat si Jensen.

Nang makapasok sa elevator ay inunahan niya na ako sa pagpindot. Hindi siya sa parking bababa kundi sa lobby.

Tahimik lang rin kami hanggang sa makalabas. He's busy typing on his phone.

"You can go, my friend's on the way" nagulat pa ako pero napatango nalang rin. Pagkatapos ay tumalikod na at pumunta sa may elevator.

Friend or more like a girlfriend?

Ano bang pakialam ko? I shouldn't mind whatever is his business. I need to convince Jensen to make everything that happened tonight, a secret. Ayokong mahotseat bukas.

Nagmamadali ako sa pagpasok sa room namin pero nakita kong tulog na si Jensen. Gusto ko man siyang gisingin pero mukhang pagod na pagod talaga siya. Dismayado akong kumuha ng pamalit at naligo.

Pagkatapos ay pumwesto na sa kama. Paikot-ikot lang ako sa higaan pero hindi pa rin ako makatulog.

This is the first time we saw each other in person.

A Few Little CutsWhere stories live. Discover now