Chapter three

0 0 0
                                    

"Lights on or lights off?"

Third.

Natahimik si Dame at Jensen habang si Jade naman ay tawa ng tawa pati na rin ang iba. Lahat kami ay nag-aabang ng isasagot ni Jensen.

"Wala" he simply said pero alam namin na pinag-isipan niya ito ng mabuti.

"Ang daya"

"KJ"

"Shots dapat"

Kanya-kanya kami ng reklamo. Sa huli ay pumayag siya na uminom ng five straight shots. Kumuha si Raf at Joshua ng shotglass at nilagyan ng alak.

Lahat kami ay dismayado, dahil mas gusto namin na marinig ang isasagot niya. Pero hindi na namin pinilit at nagpatuloy sa paglalaro.

Dame's next.

"Dare"

"Sit on the lap of the person on your left for the rest of the game" Joshua said. Nagtilian agad kami dahil ang nasa kaliwa niya ay si Jensen. Pero hindi na kami umasa na gagawin niya iyon, malamang ay iinom lang rin siya ng shots.

"Shots" agad niyang sabi. Hindi man lang nagdalawang-isip.

"Ang daya ng laro na 'to" Claire complained. I agree dahil nawawalan ng thrill ang laro.

"Okay, let's make a new rule. Isang beses lang dapat tumanggi na sumagot o gumawa ng dare. Nawawalan ng thrill ang laro" nagcomplain si Dame pero si Jensen ay tahimik lamang.

"Ano sis? Shots or gagawin mo yung dare?" Jade asked. Nag-isip siya saglit pagkatapos ay bumuntong hininga.

"Shots" dismayado kaming lahat. Nilagyan ni Joshua ng alak ang shotglass pagkatapos ay nilagok ito ni Dame.

"Si Averie na"

She pulled out a block.

"Dare" lahat kami ay naexcite dahil for sure ay gagawin ni Averie ang dare dahil hindi naman ito masiyadong umiinom.

"Let me draw something in your face" Jade suggested. Pumayag si Averie kaya binigay namin ang marker kay Jade. Averie closed her eyes when Jade started to draw things which made Averie look like a devil.

Natawa kami dahil sobrang opposite ng character ni Averie doon. She's like an angel, but because Jade drew a horn on both sodes of her forehead, it feels like she's got a new personality.

I'm the next one. Medyo natatakot ako dahil siguradong puro kabulastugan ang ipapagawa o itatanong sa akin ng mga 'to.

Kumuha ako ng block habang sinisigurado na hindi mahuhulog ang iba.

"Truth"

"Ako" Averie volunteered. Kinabahan agad ako, sa itsura niya ngayon ay parang may masama na siyang binabalak, isama mo pa ang sungay na nilagay ni Jade sa noo niya.

"May na-ghost ka na ba? Kung meron taga-saan?" my eyes widened while they are laughing so hard. Raf even got choked. I don't want to waste my lifeline with this question. Sasagutin ko to.

"Meron" nagulat silang lahat. Halos ilapit na nila ang mga mukha nila saken para lang malaman ang susunod kong sasabihin. Yes, we're friends pero yung mga ganitong bagay ay hindi ko madalas sinasabi sakanila.

"Taga-saan?" Nagmamadaling tanong ni Mia.

"Wait lang 'te!" Halata sa mukha nila ang pagkainip.

"Taga" sinadya kong bitinin ang mga gaga kaya nagsi-irap sila sa akin.

"Adamson"

Gulat silang lahat sa sinagot ko. Bumuhos rin ang sandamakmak na tanong.

"Ha? Kailan?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Few Little CutsWhere stories live. Discover now