Chapter 1

14.9K 311 12
                                    

Jennifer

Sinimplehan niya itong tinitigan ng makaharap niya ito sa personal pagkatapos silang ipakilala sa isat isa. She's tall, gorgeous, sexy and hot. Meron ba talagang mga ganitong klase ng tao?

Her name's Meadow De Lavego. At ito ang subject niya ngayon.

Ni sa hinagap ay hindi niya aakalaing isa itong guro dahil sa pagiging perpekto nito sa panlabas na anyo. Mukha itong isang modelo. Well, masungit at mataray na guro.

She had seen the picture of this woman and her feature screams perfection pero kita niya sa mukha ang kaseryosohan at lamig sa mga mata nito. Something's telling her that this woman is dangerous.

Simula ng makapasok siya kanina sa office ni Mr. De Lavego ay wala pa siyang narinig na sinabi nito. Meadow doesnt talk but she would stare at you na parang binabasa nito ang nasa isipan mo. Her eyes were dead and cold. Nagsisimula na nga siyang magtaka kung paano ito naging guro kung ganitong hindi man lang ito nagsasalita. May pipi kayang guro? O sadyang may attitude lang talaga ito?

Ang Daddy nitong si Mr. Zed De Lavego ang nag-hire sa kanya para protektahan ang kaisa isa nitong anak na babae. May dalawa pa itong anak na panganay na lalaki at may mga bodyguards na rin ang dalawang iyon but Mr. De Lavego begged her. Yes, may subject kasi siya ngayon dapat na asikasuhin kaso umeksena naman si Mr. De Lavego kaya ang dapat na t-trabahuin niya ay binigay niya sa ibang agent na nag-t'trabaho rin mismo sa agency nila.

She declined at first pero makulit si Mr. De Lavego. Gusto nito ang serbisyo niya at hindi ang ibang mga agent nila. He was talking about her three more close friends, Swan, Xen and Amber but Amber and Xen have their own mission samantalang si Swan ay hindi pwede dahil nag-asawa na nga ito kay Chantelle. Hindi papayagan ni Chantelle na magtrabaho ito gaya ng ginagawa nilang tatlo. Minsan na rin kasi itong muntikang mamatay and that traumatize Chantelle. Kung pumapasok man si Swan ay sa office nalang kaya wala siyang choice kundi tanggapin ang pakiusap ni Mr. De Lavego dahil wala ng ibang gagawa non.

Nasa loob sila ngayon ng private office ni Mr. De Lavego sa loob ng mansyon nito para pormal na ipakilala ang anak nito at mapag-usapan pa ang ilang mga detalye para sa gusto nitong mangyari.

"As I was saying, Miss Hans." Patuloy ni Mr. Zed. "May nagbabanta sa buhay ko but lately. Nagpapadala na siya ng mga litrato ng anak ko. They're after her para lang makaganti sakin. It's all about business, iyon ang nakikita ko. I want you to protect my daughter." Naipilig niya ang kanyang ulo dahil sa narinig.

She was wearing her black pants, black leather jacket, nakasara iyon matching it with her black leather boots. Nakasuot rin siya ng black shades at nakapusod ng mataas ang may kahabaan niyang buhok. Alam niya, she definitely look like the bad ass she is.

"I will do my best, Mr. De Lavego."

"Can I entrust you my daughters safety?" Gusto niyang mapabuga sa tono nito. Wala ba itong tiwala sa kanya at sa kakayahan niya? "Hindi ako nag-hire ng lalaking bodyguard ng anak ko dahil hindi ako komportableng may umaaligid sa kanya, Miss Hans."

Alam niyang over protective ito sa anak na babae kumpara sa dalawang anak nitong lalaki at nakikita niya iyon ngayon.

"Dont worry Mr. De Lavego. I'm giving you my word. I was trained to protect and kill whenever I need to. I will protect your daughter and I'll bet my life in it." Unang pasok pa lang nila noon sa ganitong trabaho ay alam na nila ang kahihinatnan nila sa huli. It was crazy but yeah, they accepted their fate already. Even welcoming death.

May pilyong ngumiti ang hindi katandaang negosyante sa kanya. Matikas pa rin ang tindig nito at halatang may pagka-tuso.

"So." Umikot ito sa lamesa nito at prenteng naupo. "I will give you half of the payment-"

"I wont accept it, Mr. De Lavego." Putol niya sa sasabihin nito. "It's in our rule. Magkakaroon lang ng bayaran kapag natapos na ang misyon at nagampanan ito ng maayos. We are after the safety of the subject and not the money."

Parang ito naman ang nagulat sa ngayon. Kita niyang tinitigan lang siya ni Meadow ng malamig at parang sinusuri. Nakasandal kasi ito sa lamesa ng Daddy nito at nakasalikop ang mga braso sa dibdib. Good thing ay may suot siyang sunglass. Hindi nakikita ng mga ito kung saan at kung sino ang tinitignan niya.

"When should I start?"

Ngumiti ulit ito sa kanya ng makabawi sa pagkabigla. "Ngayon na. My daughter have a class kaya maaga kitang pinapunta." Tumango siya rito. Mabuti nalang at nakahanda siya parati kapag may pinupuntahan. "But first." May nilabas ito sa drawer nitong papel. Ofcourse she have to sign their deal. "You have to sign this."

Inabot naman niya iyon at pinasadahan ng tingin. So this old man's gonna pay her for five million para sa kaligtasan ng anak nito. Not bad dahil walang wala iyon kumpara sa buhay niya but that's not it. Mahal niya ang trabaho niya at mahalaga ang kaligtasan ng bawat kliyenteng hinahawakan niya. Besides, gusto niyang napapahamak dahil nakakadagdag iyon sa adrenaline niya. Palihim siyang napangisi.

Ng makitang umaayon sa kanya ang mga gusto nitong mangyari ay walang pag-aalangan niya iyong pinirmahan saka ipinatong sa lamesa. Tumayo ito at nakangiting nakipagkamay sa kanya.

"Thank you, Miss Hans." He's genuine. Naipilig niya ulit ang kanyang ulo bago bitawan ang kamay nito. She could see that concern and love he have for his only daughter kaya naiintindihan niya kung bakit ganito ito mag-alala at kasaya ngayon.

"Shall we?" Baling niya kay Meadow. Nakipagsukatan ito ng malalamig na titig bago bumaling sa ama at humalik sa pisngi nito. Nagpatiuna na siya sa paglakad at pinagbuksan ito ng pintuan. She followed her hanggang sa may sala. Akmang bubuhatin nito ang mga libro nito ng unahan niya.

"Ako na." She said pero sinamaan lang siya nito ng tingin. Seriously, ang aga aga pero madilim na ang aura nito. O baka naman pinaglihi sa sama ng loob? Maganda na sana kaso parang masama talaga ang ugali.

Pumasok na ito sa may passenger side at sumunod naman siyang naupo sa may drivers side. Syempre, siya ang magmamaneho. Bodyguard slash driver siya ng masungit na guro. Nilagay niya sa may dashboard ng kotse ang ilang mga libro nito bago paandarin ang sasakyan.

Tumingin siya sa side mirror ng paalis na sila at nakita pa niya si Mr. De Lavego na nakatanaw sa kanila mula sa glass wall nitong opisina. Nakapamulsa ang isang kamay nito at ang isa ay may hawak na isang tasa ng kape.

Nagpokus siya sa pagmamaneho papunta sa pinapasukang eskwelahan ni Meadow. She knew some basic details about Meadow's job but not her personal information. Mga bagay lang na tipikal katulad ng kung saan ito nagtuturo at kung anong schedules nito. Nakita na rin niya sa sarili niyang mapa at na-memorize ang  ginagalawan nitong mga lugar na gustong pinupuntahan. Mr. Zed De Lavego forwarded to her those informations of Meadow's whereabouts. Nothing more, nothing less.

Pero minsan ay hindi iyon ang problema nilang mga agent sa trabaho nila. Magandang kausap ang mga kumukuha ng serbisyo nila pero after that, hindi naman nila nakakasundo ang mga subject nila at mas lalong pinapatagal non ang kanilang mga trabaho dahil walang kooperasyon ang mga iba kagaya nalang sa anak ni Mr. Zed De Lavego ngayon.

Mahina siyang napabuga ng hangin bago hinigpitan ang pagkakahawak sa manibela.

Hindi niya tinitignan si Meadow dahil alam niyang nakatingin lang ito sa labas. Hindi kaya ito napapanisan ng laway? It's ok for her dahil wala naman siyang dapat pakialam doon kahit hindi pa siya nito kausapin pero nababagot naman din siya sa sobrang katahimikang namamayani sa kanila. Parang hindi kasi siya sanay dahil maingay sa agency nila at maingay ang mga kaibigan niya.

Ng makarating sa eskwelahan ay tumigil siya sa may parking lot at mabilis na pinatay ang makina. Kukunin na sana niya ang mga libro nito ng unahan siya nito.

She look at her at malamig ang tingin nitong ipinukol sa kanya.

"Stay away."

Kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang sinundan ito ng tingin ng pabalibag nitong isara ang pintuan ng sasakyan nito. Napatanga na lang siya don. What the! Kabago bago pa lang niya sa trabaho at ganito na ang nangyari.




"What a bitch!"

Destined To Be Yours 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon