Jennifer
"Jen!" Yumakap si Risen sa kanya at ganun din siya rito.
"Hey." She greeted.
"Tita Zen!" Tumakbo si Ri'son palapit sa kanya kaya mabilis niya itong binuhat. Humalik ito sa kanyang pisngi.
"Hi Buddy! So how are you? Good boy ka ba?" Ginulo pa niya ang buhok nito dahilan para mapahagikhik ang bata.
"I am Tita Zen! I behave alwayz!"
"That's good."
Kita niyang mataman lang na nakatingin si Risen sa taong nasa likuran niya. Muntik na niyang makalimutang kasama nga pala niya si Meadow.
"Ah Rise. Si Meadow."
Tumango lang si Risen dito. Himala at behave yata ngayon? Pero gaya ng dati. Wala silang narinig kay Meadow.
"Jennifer!"
"Miss Reyes!" Napangiti siya sa dati nilang guro noon. Hindi pa rin ito nagbabago. Maganda pa rin. Karga nito ang pangalawang anak at bunso. Si Jazmine Allison. She had grown bigger than the last time she saw her. Kelan na nga ba ang huling dalaw niya sa mga ito? She had lost track already.
"Please." Nakangiti ito sa kanya. "Allison nalang. Kumain na ba kayo? Kain na tayo. Kakaluto lang ni Risen." Bumaling ito kay Ri'son. "Bumaba ka na anak. You're big already." Mabilis naman itong tumango. Ng makababa ito ay si Jazmine naman ang nag-abot ng mga kamay nito sa kanya. Napatawa siya pero hindi niya ito binigo. Kinuha niya ito kay Miss Reyes saka hinalikan ang noo.
"Hey kiddo."
"Hi Tiza Zen." Napatawa siya dahil sa ka-cutan nito.
"Halika, kain na kayo. Huwag kang mahihiya ha." Baling nito kay Meadow. "I'm Allison, Risen's wife. Huwag mo nalang kaming pansinin." Napangiti ito pero si Meadow. Nanatiling tahimik lang. "Come on." Walang pakundangang hinatak ito ni Miss Allison sa kusina at ang isa ay nagpahatak naman.
"I could say she's quite reserve, Jen." Puna ni Risen kay Meadow habang naglalakad sila papuntang kusina.
"If only you knew about it."
Pinaupo niya si Jazmine sa baby chair nito saka siya naupo sa tabi ni Meadow. Sa tapat niya ay si Risen katabi nito sa kaliwa si Ri'son tapos si Allison bago si Jazmine. Nanalangin muna sila bago nagsimulang kumain.
"Alam mo bang nagtatampo na si Risen sa inyo? Nakalimutan niyo na raw kasi siyang bisitahin." Si Miss Allison bago nito suboan si Jazmine. Si Risen naman ay panaka-nakang kumakain dahil inaalalayan pa rin nito si Rison sa pagsubo para hindi matapon ang pagkain nito.
"Oo nga po. Busy kasi sa trabaho."
Natawa ito. "Pansin ko nga. Daig niyo pa ang asawa ko. Para namang isang dosena ang pinapakain niyo."
She smiled. "Buti po si Risen hindi na kailangang magtrabaho. Ako kasi kailangan pang mag-ipon."
"Mukha mo!" Buska ni Risen sa kanya sabay bato ng isang piraso ng grape na mabilis naman niyang nailagan. Natawa tuloy siya rito. Heto ang Risen na kilala niya.
"Huwag puro trabaho Jen. Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo, besides, delikado ang trabaho mo, kayo nina Amber at Xen. Mabuti talaga at nag-settle down na si Swan. I think it's time for you to quit being in the field and just stay in the office."
Nagpunas siya ng kanyang bibig gamit ang tissue. "I love what I'm doing, Miss Allison. Maraming taong nangangailangan ng serbisyo ko and helping them makes me happy."
"For now. Still, you're not getting any younger."
"But I'm not yet old."
"Soon."