Jennifer
Napatingin siya kay Xendrick pagkatapos niyang makausap si Wyatt. Gusto niya kasing magpa-imbestiga tungkol sa pagkatao nito kung papaano ito nadamay kay Xyril at kung bakit nito hawak ang bata at kinukulong ito sa isang kwarto.
Posible kayang kinidnapped nito ang bata? Pero kung anak nga ito ni Xedric De Lavego. Dapat pinahanap na nito ang bata noon pa. Maimpluwensya silang mga tao lalo na si Zed De Lavego.
Napabuntong hininga siya bago niya ibinaling ang kanyang paningin sa malayo.
Kung isa ngang De Lavego si Xendrick. Dapat alam ito ni Meadow. Dapat nasa kay Xedric ang bata at wala kay Xyril. Dapat alam ni Zed ang tungkol sa apo nito at ang posibleng pagkawala nito pero wala. Kung anak naman ito ng kung sino mang ninakawan ni Xyril ay malamang pumutok na sana ang balitang nawawala ang batang ito at hinahanap na ngayon pero wala.
"Ate Jen." Tawag sa kanya ni Xendrick dahilan para mapalingon siya ulit dito. Nakaupo lang kasi ito sa pang-isahang couch habang pinapanood si Meadow na may ginagawa sa laptop nito. Hindi pa sila nag-uusap ni Meadow simula ng huli dahil naiinis pa rin siya dito.
Ngumiti siya rito bago naglakad papunta sa sala kung nasaan ang mga ito. Lumabas lang kasi siya saglit sa terasa kanina para kausapin si Wyatt ng tumawag ito sa kanya.
"What's all about?" Naupo siya sa tabi nito total ay malalaki naman ang mga couch kahit pang-isahan lang.
"Are you gonna take me home soon?"
"Yes kung mahahanap natin kaagad ang mga magulang mo."
"But I want my Daddy, Ate."
Napabuntong hininga siya bago bumaba sa couch at umupo sa harapan nito para magpantay sila. Hinawakan niya ang mga kamay nito.
"May mga bagay pa akong dapat malaman katulad ng kung saan natin makikita ang Daddy at Mommy mo."
Nakita niyang lumungkot ang mukha nito.
"I have no Mommy." Mahinang wika nito na agad niyang pinagsisihan kung bakit pa niya binanggit ang tungkol sa bagay na iyon.
Hindi naman niya alam.
"My Mommy's in heaven. Daddy said she's now an angel."
Mas lalo siyang napipi sa narinig dito. Kahit si Meadow na dinig niya ang pagtitipa nito kanina ay biglang natigil.
Matagal bago niya nakuha ang kanyang pakiramdam. She knew how it feels to be left alone by someone you love lalo na ang isang ina. It was incomparable. Ang bata pa nito para lang maulila sa ina. It was painful in his part.
Hindi niya alam ang kanyang gagawin ng makitang pumatak ang luha nito. Tahimik itong umiiyak. Hindi niya alam ang kanyang gagawin kaya pinunasan niya ang mga luha nito bago niyakap.
"Hey." Alo niya rito. "It's ok." Hinagod niya ang likuran nito. "I'm sorry kid."
"And Uncle said Daddy doesnt want me so he took me."
"No dont listen to him ok?" Binuhat niya ito saka ipinasok sa kwarto. Pinaupo niya ito sa gilid ng kama and again, umupo siya sa harapan nito at hinawakan ang mga kamay nito.
"Xendrick." Panimula niya rito.
Kinailangan pa niyang huminga ng malalim. Alam niyang hindi dapat dahil bata pa ito pero kailangan niyang subokan.
"Alam kong bata ka pa. Siguro hindi mo pa ako maiintindihan sa ngayon pero alam ko. May mga alam kang tanging ikaw lang ang pwedeng magsabi ng mga bagay sa akin. Help me Xendrick and I'll help you, too. Ok?"
Magana itong tumango.
"Alam ko naman na kung sino ang kumuha sa iyo pero hindi ko alam kung kanino ka niya kinuha."
"Uncle Xyril's my Uncle. He was my Dad's brother."
Kumabog ang kanyang dibdib dahil sa sinabi nito.
"Who's your Daddy, Xendrick?"
Napangiti ito sa kanya. "Xedric Delvego."
Napaupo siya sa sahig dahil sa kanyang nalaman kasabay non ay napansin niya si Meadow. Walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa bata habang nakatayo sa may bukana ng pintuan.
"He took me long time ago. It was afternoon and I was in the school. He told me Daddy's in a business so he's gonna pick me. Dad forgets about me. He never came to look for me." Malungkot ulit nitong kwento.
Gusto niyang baguhin ang alam nito pero ayaw niyang gulohin ang bata lalo na't maaga pa para dito ang lahat. Hindi rin siya nito maiintindihan kung sakaling magpaliwanag siya.
"Hey." Umayos siya ng upo saka inalo niya ito. "It's ok. Ibabalik kita."
Now, she knew. She doesnt need to investigate further more.
Dahan dahan itong bumaba ng kama saka siya nito niyakap at nagsimulang pumalahaw ng iyak.
"Its ok." Alo niya ritong hinaplos haplos ang likuran nito.
Ilang sandali lang ay tumigil din ito pero suminghot singhot pa rin. Nilabas niya ang kanyang panyo at pinunasan ang mukha nito.
"Kapag umiyak ka. Hindi ka na pogi." Ngiti niya rito pero nanatili lang na nakatitig sa kanya ang bata.
"Sometimes, Uncle forget to feed me."
Natigilan siya rito saka napabuntong hininga. Hayop pala talaga ang Xyril na iyon e. Ano bang ginawa nito sa bata?
"Did he ever hurt you?"
Umiling ito kaya't nakahinga siya ng maluwag. That's good to know-
"But he was hurting girls."
Kamuntikan na siyang matumba dahil sa sinabi nito.
"What do you mean?"
Bumalik ito sa pag-upo sa gilid ng kama kaya tinulongan niya itong makasampa.
"He have this basement. He was letting me watched him peel off of the girls skin."
Napatutop siya sa kanyang bibig at napamura ng tahimik.
"And he was hitting them by a stick." Shit! Bakit nito ginawa ang mga bagay na iyon? Napahilot siya sa kanyang sentido. Bakit parang dumadami ang kanyang trabaho?
"I also see an old woman downstairs. She said she's my grandma."
Magsasalita sana siya ng tabigin siya ni Meadow dahilan para mapaupo siya sa sahig. Bastos talaga ang babaeng ito kahit kailan!
"Whos your grandma?" Tanong nitong nakaupo na sa harapan ng bata. She could see that anticipation in her eyes. Unang beses niya itong makitang ganun.
"She's Melissa."
Unti unting nabitawan ni Meadow ang mga braso ng bata at nanghihinang napaupo.
"Why Xy."