Chapter 9

3.8K 205 6
                                    

Jennifer

Wala silang imikan habang kumakain ngayon. Ng matapos ito ay nauna ng tumayo at inilagay ang pinagkainan nito sa sink bago iyon hugasan. Hindi niya ito nililingon at nagpokus sa kanyang pagkain.

A man with two faces? Ano namang ibig sabihin non?

Napabuntong hininga siya pero natigil din ng mapansing nakatayo pa rin si Meadow habang nakasandal sa may lababo. Nakakrus ang mga braso nito sa dibdib at walang emosyon ang mukha nitong nakatitig sa kanya. Problema na naman kaya ng babaeng ito?

Hindi niya namamalayang naubos na pala niya ang hinanda nito para sa kanya. Dahan dahan itong lumapit sa kanya. Halos bumara sa kanyang lalamunan ang huling kinain niya.

Bakit ganun? Parang natatanga siya kapag kaharap niya ito. O dahil lang sa nakaka-intimidate nitong mga tingin? Pero hindi, palagay niya kapag kaharap niya ito ay ang bobo bobo niya. She's smart at kita niya iyon sa mga mata nito.

Inilapag nito sa kanyang harapan ang isang bottled water at gamot. Saan iyon nanggaling?

Walang imik nitong kinuha ang pinagkainan niya at hinugasan nito iyon bago umalis sa kitchen. Naiwan siyang nakanganga. Sa palagay niya'y hindi niya ito matatagalan kung sakali kaya nararapat lang na matapos na niya ang kanyang misyon. Mas mahirap pa ito kesa sa totoong trabaho niya dahil hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isipan nito. Atleast sa hawak niya ngayong misyon, may mga kaunti pa siyang alam.

Ininom niya ang kanyang gamot bago tumayo. Dadaanan sana niya si Meadow sa may couch na nanonood ng ewan niya sa netflix pero ng maisip ang isang bagay na tama lang na gawin niya ay tumigil siya ng mapatapat rito. Nag-aalanganin siyang kausapin ito dahil alam din naman niyang wala siyang mapapala pero hindi naman siya katulad nito kaya kakapalan nalang niya ang kanyang mukha kahit papaano.

"Salamat." Simpleng wika niya pero tinignan lang siya nito na parang wala lang bago ibinalik ang atensyon sa pinapanood nito.

See? Manhid, pipi, bingi at masama talaga ang ugali ng babaeng ito but who is she to judge her right? Ngayon lang naman niya ito nakasama. Hindi rin niya alam kung bakit ganito ito. Kung may nangyari ba rito noon o kung may ibang dahilan pa ito. O pwede rin trip lang talaga nito ang maging tahimik at magbigay ng masamang tingin.

She shrugged bago niya ipinagpatuloy ang paglalakad at ng makapasok sa kanyang kwarto ay binuksan niya ang data ng kanyang phone saka nag-search.

Last night, one of the twins behavior was odd. Hindi nga lang niya matukoy kung sino ang De Lavego na iyon. Iniisip pa niya kung sino ang tumawag sa kanya kanina lang. Para kasing may alam ito sa mga nangyari noon. Bakit hindi ito lumantad sa kanya?

Naupo siya sa gilid ng kama at tinignan ang lumabas sa kanyang phone.

Xedric is a well known businessman. Xyril's a painter and psychologist pero hanggang doon lang ang nilalaman non. May picture naman ang dalawa pero dahil magkamukha ang mga ito. Hindi niya kayang idefine kung sino sa dalawa ang nakita niya kagabi.

She have another plan. Susundan niya ang dalawang ito. Kung sa yaman ang pinag-aagawan at ito ang isyu. Then kasama ang dalawang ito sa mga suspect niya. Nasa sirkulo din ng pamilya ng mga ito ang kalaban or maybe mga kalaban din sa industriya ng negosyo.

Meadow's a Professor at dahil malaki ang share nitong mamanahin. Ito ang isa sa mga target.

Napahilot siya sa kanyang sentido. Theres so many possibilities that will happen and might happen. Paano kung hindi pala ganun ang sa inaakala niya? What if ang tatlong tagapagmana ng mga De Lavego ay gustong patayin at nagkataong si Meadow ang gustong unahin?

Napabuntong hininga siya bago tumayo. She doesnt know where to start. Sa ilang sandaling mga oras ay naging abala siya sa pag-iisip ng mga posibilidad na maging sangkot sa pangyayaring ito.

Pagpatak ng alas singko ay naisipan niyang linisin muna ang kanyang sugat. Namamaga nga ito pero hindi ito ang dahilan para magpahinga siya sa kanyang trabaho. Babalik siya mamayang gabi para ulit magmanman at gagamitin niya ang kanyang motor na naka-suppressor. Papatayin na lang niya ang ilaw non at gagamit siya ng shade na may night vision.

Pagkatanggal niya sa balot ng kanyang sugat ay dahan dahan niyang inalis ang bandage na dumikit na doon.

"Darn! Masakit." Aniya ng tuloyang matanggal at nagdugo na naman iyon. Kumuha siya ng malambot at malinis na pamunas at pinunasan ang dugo roon sa kanyang sugat.

"Idiot." Napalingon siya kay Meadow ng makitang nakasandal ito sa hamba ng kanyang pintuan. Nagsalubong ang mga kilay niya rito.

"Sinong nagsabing pwede kang pumasok?"

"Did I?" Sarkastikong tanong nito. Oh she's a real bitch pero tama naman ito. Hindi naman nakapasok at nasa bukana lang ng pinto.

"Usong kumatok."

Walang emosyon ang mukha nito. "It was open."

Did she left it open kanina? Hindi niya matandaan pero oo nga at uso sa kanya ang hindi nagsasara ng pintuan.

"Stupid." Wika ulit nito.

Nai-stress siyang kasama ito. Kahit nagpapanting na ang kanyang mga tenga ay hindi pa rin niya ito papatulan. Meadow's still her client.

"Just leave me alone kung wala kang matinong sasabihin." Aniya at ibinalik ang kanyang atensyon sa paglilinis ng kanyang sugat.

Narinig niya ang mga yabag nito pero hindi naman paalis kundi para lumapit sa kanya. Naupo ito sa kanyang harapan at walang sabi sabing kinuha sa kanya ang hawak niyang pamunas. Ito na mismo ang nagpunas sa kanyang sugat. She was in awe and all she could do is to stare at her beautiful face. Sa sobrang lapit nila ay ngayon niya lang ito natitigan ng husto. Hindi ito basta basta lang maganda kundi parang diyosa. Her eyebrows were thick pero maayos ang pagkakaarko non. Her pointed nose-

No!

This woman is a bad ass. Masungit at mataray. Masama palagi ang timpla. But she couldnt help herself not to notice and compliment her.

Ng matapos nito iyong linisan ay ito na ang kumuha sa antibiotic cream na neosporin at maingat nitong inapplyan ang kanyang sugat. Ng matapos iyon ay ito na rin ang naglagay ng benda doon.

Ok. She's a bad woman pero hindi ibig sabihin ay wala na itong awa. Nagluluto ito para sa kanila. Naghuhugas at ngayon. Tinutulongan siyang gamutin ang kanyang sugat. Siguro may tupak lang talaga ang babaeng ito. Ibig sabihin ay may natitira pa rin itong puso sa kabila ng ipinapakita nitong kalamigan sa kanya.

"Salamat." Pasasalamat niya ulit rito pero hindi na siya nito tinapunan pa ng tingin at basta nalang tumayo saka naglakad. "Bingi." She whispered pero nagtaka siya ng tumigil ito.

"I'm not. You stupid." Saka na ito nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makaalis sa kanyang kwarto. Ni hindi man lang ito lumingon.

"Sungit!" Gigil niyang sigaw rito.

Destined To Be Yours 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon