Chapter 14.

1.7K 54 11
                                        

JHO

"Hello, yes ofcourse. 30 mins, i'll be there. Okay bye" rinig kong sabi ni Bea mula sa kitchen.

May flight pala siya?

"Where did we go wrong? I know we started out alright" kanta niya, luh kay aga aga ganito yung pinakikinggan niya.

"Goodmorning" sabi ko pero dedma. Naka earphones pala. Kaya nilapitan ko siya sabay kuha ng pares ng earphones niya,

"Goodmorning, Captain" sabi ko. Nagulat naman siya.

"Oy, Jho. H-hi, goodmorning!" sabi niya.

"May flight ka?" tanong ko sabay kuha ng bread at pinalamanan

"Uhm, yes. Hindi na ako nakapag sabi eh, andiyan naman si Jia. Wag mo muna siyang pauwiin. Saka nalang pagbalik ko" tuloy tuloy na sabi niya.

Rapper ka ghorl?

"Sige. Uhm, gusto ko lang sana magpasalamat" sabi ko kaya tumingin naman siya sa akin.

Ay shet. Ang fresh ng papi niyo.

"About?"

"About last night. Thank you sa pagsakay sa plano ni Ate Ells. Actually pwede mo naman sanang dine--"

"It's fine. I just wanted to help. At isa pa, yun yung gusto ni Ate Ella eh, kaya gugustuhin ko nalang sundin" sabi niya.

Ikaw, gusto ko, charot.

"And, Jho. Every time na may check up ka, sabihan mo ako. Para masamahan kita at ma clear ko ang mga schedules ko" pahabol na sabi niya.

"Hey, okay lang naman kahit hindi na" sabi ko pero di siya sumagot, naglalagay kase siya ng sandwich niya sa baunan, favorite niya to eh. Pati rin cookies.

"Kaya ko naman sarili ko, at andiyan naman si Jia. Sasamahan niya naman ako" sabi ko pero hindi pa rin siya sumagot.

Na pipi na yata.

"Huy, naririnig mo ba ako?" sabi ko, pero tumalikod lang siya at kinuha yung cookies na naluto na.

Kaya naman sinundan ko siya, tumayo lang ako sa likuran niya. Busy naman siya sa paglagay ng cookies sa kulay blue na baunan niya. Ngunit bigla na lang siyang humarap kaya napasandal ako sa may counter top. Dikit na dikit ang katawan namin ni Bea, paano ba naman kase nabangga niya ako pagharap niya kaya naman nakahawak siya ngayon sa bewang ko habang ako naman sa balikat niya.

What a nice moves, paps. Nadali mo ako dun.

"Sasama ako kase gusto ko" seryosong sabi niya.

Ay fucking shet, di po uso yung space sa atin? Pero nakaka shookt yung susunod niyang ginawa, ilapit ba naman ang mukha niya sa mukha ko. Kaya napapikit nalang ako, in case na hahalikan niya ako edi parang feel na feel ko rin hehe.

"And girlfriend duties. Kahit fake lang" sabi niya. "You can open your eyes, hindi naman kita hahalikan. Assuming" sabi niya sabay layo sa akin, at naglakad papunta sa bag na dadalhin niya.

Ang assuming mo talaga Jho. Kaya napalunok naman ako dun. Bat ko ba kasi ginawa yon? Hay nako!

"Gotta go, Jhoana. Ingat ka, drink your milk. Wag magpapagutom. Wag din magpapa-pagod" sabi niya habang sinusuot shades niya.

Bon Voyage, Beast.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon