Interview Part I

62 1 0
                                    

 © EynJey 2015

 

Part I

"Hi, pwede po ba kayong ma-interview? Para po kasi 'to sa project namin sa Psychology."

Napalingon ako sa isang lalaking estudyante na mukha pa yatang 1st year. Nasa likuran naman niya 'yung mga kaibigan niya na todo support na akala mo e sumabak sa paligsahan 'yung friend nila.

"Sure, no problem." nginitian ko siya. Tuwang tuwa naman siya at halos hindi na siya napagod sa kakasabi ng thank you sa akin dahil nga daw pumayag ako.

"Thank you po talaga, hindi ko na po alam ang gagawin ko kung hindi po kayo pumayag."

Natawa na lang ako sa kanya. "Ano ka ba, ok lang 'yun, no worries."

Dahil nagbabasa lang naman ako ng book, sinabi ko sa kanya na ngayon na simulan 'yung interview tutal naman ay wala na akong klase.

"Ok lang po ba? Baka po busy kayo ngayong araw?"

"Ok lang, tutal, tapos na ako sa defense namin sa thesis." tapos tumango lang siya at kumuha na nga ng ballpen at notebook. 'Yung mga kaibigan naman niya ay lumapit na rin sa amin at umupo dun sa kabilang bench na katabi lang din ng amin.

"Ano pong name niyo?" una niyang tanong.

"Noreen Joy Delovino."

"Anong year niyo na po?"

"4th year."

"Ano pong student number niyo?"

"Kelangan pa ba 'yan?" natatawa kong tanong sa kanya. Napakamot naman siya ng batok saka naiilang na ngumiti. "Opo eh."

I nodded. "*insert student number here*"

"San po kayo nakatira?"

"Sa *insert address here*"

"Ang layo niyo po pala dito, bakit niyo po naisipan na dito mag-aral? Sa tingin ko naman po eh marami namang school na malapit dun sa inyo." tanong niya habang nakatingin lang dun sa notebook niya at busy magsulat.

Ilang beses na rin akong natanong ng ganyan tuwing nalalaman nila kung saan ako umuuwi. Na bakit dun ko pa daw naisipan mag-aral kung meron namang mga State Universities and Colleges malapit sa amin.

And it always ended up with the same answer. "Wala kasi dun 'yung course na gusto ko."

Interview (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon