© EynJey 2015
Part III
From: Aljur (Abrenica)
Hi Noreen. Free ka ba bukas? Kita sana tayo sa Mall malapit sa school, 6:00 pm. May sasabihin kasi ako sayo, importante.
See you! ;)
Anong gagawin ko!? Sino ang pupuntahan ko? Grabe ah, ganito na ba kahaba ang hair ko?
Tinanong ako ng mga kaibigan ko kung ano daw 'yung binulong sa akin ni Segundo at sinabi ko naman sa kanila. Lalo tuloy silang kinilig at halos mabugbog 'yung katawan ko sa mga hampas nilat sinabi nilang pumunta daw ako, baka daw dun na umamin si Segundo at may inihandang surprise sa akin.
'Yan din 'yung naisip ko, baka may pinaghandaan si Segundo na surprise sa akin at pag hindi ako pumunta, baka masayang lang lahat ng 'yon, pag pumunta naman ako, pano si Aljur?
Buong magdamag kong pinag-isipan kung sino nga ba ang pupuntahan ko at halos hindi rin ako nakatulog at nagmukha na akong zombie. Nagulat pa nga 'yung mama ko nung makita niya ako.
"Ano ba 'yan Joy, nagpuyat ka ba kagabi at nanlalalim 'yang mga mata mo? Mukha kang aswang" sabi ni mama nung kumakain kami ng tanghalian.
"Ma, may tanong ako sayo. Pano 'pag may dalawang tao ang nag-aya sayo, sino ang pipiliin mo?"
Nagtataka namang tumingin sa akin si mama. "Bakit, may nanliligaw na ba sayo?" ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko.
"Basta ma, sino nga? 'Yung matagal mo ng crush na sinaktan ka tapos ngayon aayain ka o 'yung taong kelan mo lang nagustuhan pero lagi ka namang pinapasaya?"
"E kung ako lang din 'yan, e 'di dun na ako sa matagal ko ng crush. 'Di mo naman kasi malalaman ang meaning ng love kung hindi ka makakaranas ng sakit e. Atsaka, matagal mong nagustuhan, e 'di syempre mas malalim na 'yung nararamdaman mo dun sa taong 'yun. Tsaka 'di ba nga, 'There is always rainbow after the rain', kung nasaktan ka man, panigurado, sasaya ka rin after." grabe, umabot agad kami sa love at rain, e nagtatanong lang naman ako kung sino ang dapat piliin. Pero sa bagay, may point din siya.
"Salamat sa sagot mo mama, malaking tulong." sarcastic na sagot ko sa kanya.
"No problem anak, basta 'pag may problema ka at kailangan mo ng advice? Andito lang ako." proud na sabi niya. I just nodded then nagpatuloy na nga kami sa pagkain.
Hindi na talaga ako nakatulog after naming kumain ng lunch, 'di rin naman kasi ako inaantok e. Ewan ko ba, parang walang balak magpahinga 'yung katawan at utak ko.
Nanood lang ako ng cartoons tapos nagulat na lang ako na 3:00 pm na. Grabe, 3 hours na lang at kailangan ko ng pumili kung sino ba sa kanilang dalawa.
Si Segundo? o si Aljur?
Sino sa kanila?