Interview Part II

34 1 0
                                    

 © EynJey 2015

Part II

'Di ko na lang pinahalata na nagulat ako ng makita ko 'yung iinterview-hin ng kaibigan kong si Devon, or in other words, 'yung crush niya.

"Ikaw pala 'yun, by the way, sinamahan ko siya ngayon dito at balak ko rin sanang mag interview ng isa sa inyo guys." nakita kong nagulat si Devon sa sinabi ko kaya naman nginitian ko siya. I think I owe her an explanation after this.

Then after the short introduction, Devon started asking question to Aljur. Yeah, that's his name, Aljur, and he's also hot like the actor Aljur Abrenica, chos.

I'm just there, listening while staring at Aljur. I don't care it he sees me staring at him, because I'm enjoying the view.

'Yung matangos niyang ilong, mahahabang pilik mata, mapupulang labi na parang sa babae then yung moreno niyang kulay. Ang lakas ngang maka-Jacob ng twilight e at bagay sa kanya 'yung skin tone niya na 'yun. 'Yung mata niya rin e nangungusap na sa tingin ko, pag tinignan ako ng mga 'yun e baka malusaw ako sa sobrang kilig. Ang ganda rin ng katawan niya, 'di mataba, 'di rin mapayat, sakto lang.

Medyo naging mahaba din 'yung naging interview ni Devon and it's not boring kasi kasama 'yung mga kaibigan ni Aljur na ang hilig din mag joke kaya naman tawa kami ng tawa at halos manakit na nga 'yung tiyan ko' at 'di na ako halos makahinga. Feeling ko tuloy e balak akong patayin ng mga 'to eh, sa kakatawa.

After the interview, may nalaman akong nagpalungkot sa akin.

Taken na pala si Aljur, meaning, may girlfriend na siya and 1 year na daw sila. Sad noh? I'm not being a contra-bida here pero nakakalungkot lang na taken na pala 'yung puso niya, and I think serious talaga siya sa girl to think na umabot sila ng 1 year? Ang haba na rin ng panahon na 'yun

May napili na rin pala akong iinterview-hin, pumayag naman siya kaya 'di na ako nagkaproblema. Tatanungin ko na lang siya next time at magkasama na kami ni Devon dahil tatanungin daw niya ulit si Aljur.

Hanggang sa pag-uwi ko, 'di ko na nakalimutan si Aljur. Nalaman ko rin na alam na rin pala 'yun ni Devon, na taken na nga daw si Aljur at na-hurt din daw siya. Kahit naman sino e, pag nalaman mong may ibang gusto na 'yung gusto mo e talaga namang masasaktan ka.

Hindi ko na rin sinabi kay Devon na gusto ko na rin si Aljur, ayoko. Natatakot ako sa mga pwedeng maging resulta kaya hangga't maaari, sasarilinin ko na lang 'to kesa sa may maka-alam na iba at maka-abot pa kay Devon.

Umabot ng ilang days 'yung nakakasama na namin 'yung barkada ni Aljur. Nakakatuwa naman silang kasama and no dull moments, as in. Kahit papano, naging close na kami sa kanila. Tapos ko na rin pala 'yung questionnaire na sinagutan ni Paolo at nagawa ko na rin 'yung project ko, ang kailangan na lang e 'yung si Sir na mismo ang mag-iinterview dun sa mga tao na nakalagay sa project namin.

Si Segundo? Nagpaparamdam na siya. 'Di naman sa sinasabi ko na multo siya, what I mean is, minsan, dadaan siya sa harapan mismo namin. Tapos pag kinakalabit ako nila Maxine at ituturo nila si Segundo, makikita ko na nakatingin siya sa akin tapos biglang ngingiti at mag iiwas ng tingin.

Interview (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon