Kin Silvenia's POVDi ako maka-tulog, iniisip ko padin ang sinabi ni Prof.
Ano kayang laro iyon? Bakit curse?
Arghh! May test pa kami bukas, nagbasa nalang ako since di naman ako makatulog.
____________________
Nagising ako sa pagpalo ni Mama sa pwet ko.
"Kin, gising na baka ma late ka" sigaw niya kaya bumangon na ako.
Agad akong naligo at kumain, mga 15 minutes nalang, magsisimula na ang klase kaya tumakbo na ako.
Kaka-pasok ko palang sa gate ng may nakita akong kumpulan ng mga estudyante.
"Ohh my god, nasusuka ako"
"Ewww! Sino kaya iyan? Ohh my ang kadiri ng ulo"
Nakipag siksikan ako, ano kaya ang nangyayari?
Nakapunta na ako sa harapan, nakita ko ang pugot na ulo, nakapako ito sa pinto ng guidance office.
Nakikilala ko siya, si si Gal Estrellas, kaklase namin siya, alam kong suki na siya sa guidance dahil lagi siyang nakikipag away sa loob o sa labas man ng university.
Parang alam kona kung bakit nakapako ang ulo niya diyan.
Agad na binakuran ng SOCO ang crime scene, naguguluhan ako sa mga nangyayari, ito ba ang sinasabi ni Prof? Eto na ba ang simula?
Nakapasok na ako sa classroom namin, nakatulala lamang sila, alam kong nalulungkot sila sa pagkawala ni Gal, kahit na mukha siyang adik, madami pa din siyang kaibigan.
Pumunta nalang ako sa harapan, tinignan ko sila, lalo na si Xanthe, alam kong gusto niya si Gal, matagal ko nang napapansin.
"Guys, anong oras nakita ang bangkay ni Gal?" Sabi ko, parang wala silang narinig.
"Guys?" Tawag ko ulit sa kanila.
Agad silang tumingin sa akin, naiyak sila.
"Wala na si Gal, kung sino man ang gumawa non, mapapatay ko siya" sigaw ni Theo.
Naiintindihan ko siya, kaya aalamin ko kung ano ba talaga ang nangyari.
"Ito ba ang sinasabi ni Prof? Ito na ba ang Curse Game?" Sigaw naman ni Kez.
"What if, ito na nga? Huhu mahal kopa ang buhay ko" sabi naman ni Gabriella.
"Kailangan ko ng tulong niyo, aalamin natin kung ano ba ang Curse Game na iyan, diko rin kinaya ang nangyari kay Gal, pugot ang ulo niya, sino naman ang pwedeng gumawa ng ganon?" Sigaw ko, sumasakit ang ulo ko.
"Tutulong kami, hahanapin natin kung sino ang hayop na yon" sigaw nila, napangiti na lang ako.
Nagawi ang mata ko sa may dulo, nakita ko si Xander, naka tulala lang, parang malalim ang iniisip, pupuntahan ko sana siya kaso dumating na si Prof.Medina.
"This is the start, maghanda kayo sa mga susunod na mangyayari" aniya sabay tingin sa aming lahat.
Ako naman nasa harapan parin.
"Ano ba yung Curse Game na yan? Namatay si Gal, ano ang ibig sabihin nito?" Sigaw ko, humarap siya sa akin saka ngumisi.
"Its for you to find out"
Author's Note:
Nakaka antok pero eto pa din ako, nag update hahaha btw, eat your foods and have a good day...
YOU ARE READING
UNMASKED THE KILLER (KILLER SERIES #1)
Mystery / ThrillerIsang pribadong paaralan, ngunit maraming kababalaghan. Matutuklasan kaya nila kung sino ang killer?