CHAPTER 4: THE HISTORY

5 2 0
                                    


Kin Silvenia's POV

Kasama ko ngayon sila Xhante at Rika, andito kami sa library, hinahanap namin ang history ng school na ito.

"Kin, nakita na namin" agad niyang iniabot sa akin ang lumang libro, History of Santa Monica University, ayun ang pamagat.

Agad silang tumabi sa akin, binuklat kona ang libro, puno ng pictures, mga class pictures.

"Bakit puro class picture ng Section Diamante ang nandyan? I mean yung mga past students ng Diamante?" Tanong ni Rika.

"I dont know, saka bakit kaya puro pictures lang? Akala ko history?" Naguguluhan kong sagot.

Nasa dulo na ako ng pahina ng may nalaglag sa isang piraso ng papel, agad ko itong pinulot.

"What is that?" Tanong ni Xanthe

"Malamang paper, duh?"

Hinayaan ko nalang sila na mag away, tinignan ko ang papel, larawan pala, isang class picture noong 1996.

Sinuri ko ang mga mukha nila hanggang sa mapa dako ang mata ko sa isang babaeng naka ngiti, si...si Prof. Medina.

"Guys, tignan niyo ito" agad silang lumapit sa akin.

Tinuro ko ang mukha ni Prof.

"Ohh my gosh, si Prof. Medina?" Sigaw ni Xanthe kaya napatingin sa amin ang librarian.

"Sabi ko bulong lang tayo" bulong ni Rika.

Tinignan ko ang likuran, may naka sulat.

'Rochelle Medina, the first survivor in Unmasked the killer, the Curse Game' agad akong napa takip ng bibig, siya lang ang nakaligtas? Ibig sabihin, namatay lahat ng mga kaklase niya sa Section Diamante?

Nakakalito, oo nga pala, kami ang 13th batch ng Section Diamante.

Ibig sabihin kami ang maglalaro ng Unmasked the Killer? Ibig sabihin isa sila sa mga kaklase namin?

Agad akong tumakbo sa labas, narinig kong sinisigaw nila ang pangalan ko, kailangan kong manigurado.

Pinuntahan ko ang office ni Prof. Medina, siya lang ang makaka-sagot ng mga tanong sa utak ko.

Nang makita ko ang office niya ay agad ko itong binuksan.

Nakita ko siya, naka tayo lang siya na para bang may hinihintay.

"Sabi ko na nga ba at pupunta ka dito, do you want coffee, or tea?" Alok niya pero diko iyon pinansin.

"Ano ang Unmasked the Killer? At bakit ikaw lang ang naka ligtas?" Tanong ko.

"Sabihin na nating, ako ang naka alam kung sino ang killer, madali lang naman yun, kung sino ang maka kuha ng maskara nito, malalaman niyo na kung sino siya, at kung hindi niyo nalaman, lahat kayo mamamatay, kaya sana hanggat maaga pa, hanapin niyo na, malay mo isa pala siya sa mga kaibigan niyo?"

Nagulat ako ng bigla akong naka-rinig ng sigawan sa labas.

"Wow ang galing naman ang kaklase niyo, may napatay na naman, ang sipag ahh" sabi niya sabay palakpak.

Umalis na ako doon, agad kong tinungo ang pinagkaka-guluhan ng mga estudyante.

Nakita ko sila sa Science Lab.

Pumasok ako doon at nakita si Xander, bumubula ang bibig niya, siguradong nilason siya.

Lalapit sana ako kaso di ako pinayagan, andyan na kase ang mga pulis.

"Cyanide Poisoning" narinig kong sabi ng isang pulis.

Cyanide? Thats one of the dangerous poison na nabasa ko sa internet.

Dalawa na ang nawala, pano na bukas? Kailangan ko nang katulong sa paghahanap.

"Ang sipag ahh hahaha, bilib din ako sa killer na yan, tignan mo, kanina lang pinalo niya ako sa ulo" sabi ng katabi ko.

Knight Morales?

"Ohh ikaw pala Kin Silvenia, the president" bati niya sakin sabay akbay.

"Kung kailangan mo ng tulong, andito lang ako, bukas nga pala, sa Diamante na ako" sabi niya sabay tingin sa akin.

Knight Morales, matagal kona siyang kilala, magka-klase kami noong high school.

"Teka may ipapakita ako sayo bukas, ebidensya, bukas na ha? Wag kang atat"

"Tara na nga, may sugat ka pa, buti nalang dika tinuluyan ng killer" sabi ko kaya sinuntok niya ako sa braso.

"Tae Pare, naka maskara nga ehh"

Napatingin ako sa kanya, naka maskara?

UNMASKED THE KILLER (KILLER SERIES #1)Where stories live. Discover now