Knight Morales POVSiguradong nagkaka-gulo na sila. Bagay lang yun sa kanila, masyado silang mapag-mataas.
Lumabas muna ako para magpa-hangin. Mag yoyosi muna ako.
Paakyat na sana ako sa hagdan ng may humarang sa akin na teacher, si Prof.Medina pala.
"Simula ngayon, sa Section Diamante kana papasok" sabi niya sabay alis sa harapan ko, di manlang tinanong kung ano ang sagot ko.
Bahala na nga, makiki chismis lang naman ako don ehh, alam niyo na, aalamin kung ano ba ang nangyari sa kaklase nila.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pag akyat sa hagdan, nakarating na ako sa roof top, dito nalang ako mag yoyosi.
Magsisindi na sana ako kaso may narinig akong kaluskos galing sa likod ko.
Luminga linga ako, wala namang tao. Lumapit ako doon sa bukas na pintuan, may lumabas, siguro nag ditch yon.
Pagka lapit ko sa may pintuan, bigla nalang akong nakaramdam ng hilo, wtf! Naramdaman kong may tumulong likido sa may ulo ko. Nahihilo ako, may pumalo sa akin.
Bago ko ipikit ang aking mga mata, nakita ko ang isang lalaking naka suot ng maskara.
____________________
Nagising nalang ako nang maramdaman kong may umaalog sa akin.
"Lalaki? Hoy dika ba gigising? Ohh god, baka patay kana" sigaw ng isang babae.
Teka? Akala ko ba pinalo ako ng lalaki kanina? Bakit may babae?
Idinilat kona ang aking mga mata at nakita ang babaeng kanina pa sumisigaw, kilala ko siya, taga Diamante.
"Gosh! Akala ko patay kana ehh" bumuntong hininga siya saka tumingin sa akin.
"Ayos ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic? Dami ng dugo sa ulo mo ehh" aniya sabay lapit sa akin ngunit agad akong lumayo.
"Wag na, ayos lang ako, by the way nakita mo ba yung lalaking naka maskara?" Tanong ko, agad na kumunot ang kanyang noo.
"Wala naman, nakita lang kase kita na nakahandusay diyan kaso dika naman gumigising" sabi niya sabay upo sa may upuan.
Umupo din ako, ang sakit ng ulo ko, pero kaya ko naman.
"Im Knight, Knight Morales" sabi ko sabay lahad ng kamay sa kanya.
"Hmm..im Beatrix Romana, Bea nalang for short" sabi niya sabay tanggap sa kamay ko.
Ang lambot naman ng kamay nito, hindi siguro gumagawa ng gawaing bahay, sabagay mayaman naman sila.
Bumitaw na ako sa kamay niya, parehas nalang kaming tumingin sa kalangitan, tanghali na pala, di ako nakapasok sa Math.
Ang awkward naman. Hinihintay ko siyang mag salita, ngunit isang oras na ang itinagal naming naka upo, di parin siya nagsasalita.
"Ahhm, Bea? Dika pa ba uuwi?" Tanong ko dito kaya napa-tingin siya sa akin.
"Wala naman silang pakialam sa akin, kahit di ako umuwi okay lang sa kanila" malungkot nitong saad.
Kung sa bagay, medalya lang naman ang gusto nila.
Tumayo na ako, grabe tuyo na yung dugo sa ulo ko, lilinisan ko nalang mamaya.
"Bea, nice meeting you, alis na ako ahh" paalam ko sa kanya.
"Sige, mamaya nalang ako aalis dito" sabi niya sabay kaway sa akin.
Pababa na sana ako sa hagdanan ng makita ko sa sahig ang isang maskara, ito yung suot ng lalaking pumalo sa akin.
Pinulot ko ito saka sinuri, may dugo, puno ng dugo ang maskara.
Itinago ko nalang sa bag ko, isa itong ebidensya.
Author's Note,
Salamat sa mga sumuporta nito, heheheh
YOU ARE READING
UNMASKED THE KILLER (KILLER SERIES #1)
Mystery / ThrillerIsang pribadong paaralan, ngunit maraming kababalaghan. Matutuklasan kaya nila kung sino ang killer?