PROLOGUE

63 10 18
                                    

--

"Hey Vy."

"Huy!"

"VENICE YVONNE BUENAVISTA!"

"What?! Bat ka ba sumisigaw?" Gulat kong tanong dahil sa pagsigaw ng pinsan ko. Nagulat naman talaga ako.

"Eh, kasi nga po, kanina ka pa tulala diyan at kanina mo parin hawak ang candy na 'yan."

"Ah, wala." Napatingin ako sa candy na hawak ko. Dati-rati may pinagbibigyan ako ng candy na ganito. Isang candy na may nakasulat na mensahe sa likuran.

"Ano bang meron sa candy na 'yan. Patingin nga — ‘I miss you ’  . Teka — "

"Manahimik ka na muna Anna, pwede ba?" sansala ko sa mga sasabihin pa niya. Mausisa at masyadong 'curious' sa buhay ang pinsan kong si Anna.

"Miss mo na siya? Gusto mo —"

"Hindi na. Hayaan mo na insan."

"Pero. Wag ka mag-alala. Ibibigay ko lang naman ang candy n 'yan, sasabihin kong galing yan sa —"

"Insan, kahit di mo sabihin kung kanino galing 'to. Alam na agad niya. Hayaan mo na kasi."

"Bakit ka ba kasi niya iniiwasan?"

"Hindi ko rin alam insan." Malungkot kong sagot.

"Hays. Alam mo feeling ko, may gusto sayo si —"

"Baka ikaw ang gusto niya insan, ikaw ang nakaramdam eh."

"Gaga! Manhid mo kasi."

"Tsk —"

"Teka Ayon pala si Ethan. Ethan!" Tawag ni insan kay Ethan Brent Fajardo. Ang kaibigan ko noon.

Napatingin ako sa gawi ng lalaking matagal-tagal ko ring di nasilayan. Puno ng pangungulilang tinignan ko ang kanyang kabuohan. Pinagmasdan ko lahat. Kung paano siya kausapin ng pinsan ko. Kung paano siya ngumiti dito. Kung paano niya ito kinausap. At kung paano lumamlam ang kanyang mga mata ng iabot ng pinsan ko ang candy na kanina lang ay ako ang may hawak.

Ilang saglit niyang pinagmasdan ang candy na iyon bago tumingin sa gawi ko. Nilukob ng lungkot ang aking pagkatao nang isang malamig na tingin ang ibinigay niya sa akin. Oo nga at tinanggap niya ang candy na alam kong alam niya na sa akin galing, pero hindi ako makaramdam ng tuwa. Bagkus, ay doble-dobleng lungkot ang aking naramdaman.

'Ano ang nagawa kong mali?  Bakit tila di mo ako kilala kung ako ay iyong tignan? Bakit Brent? Bakit?'

Kumabog ng malakas ang aking dibdib ng unti-unti siyang lumakad palapit sa gawi ko habang nakatingin parin sa akin ng malamig. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at nanatili na lamang nakatingin sa kanya hanggang sa makalapit siya.

Nagulat ako ng kunin niya ang aking kamay at ilagay doon ang candy na kanina lamang ay inabot sa kanya ng aking pinsan.

"Ren." Iyon na lamang ang aking nasambit matapos niyang bitawan ang candy sa aking kamay.

Tuluyan nang tumulo ang kanina ko pa pinipigilang luha ng aking makita ang emosyong gumuhit sa kanyang mga mata, matapos kong banggitin ang kanyang pangalan.

Napaupo na lamang ako ng ako ay kanyang talikuran. Hindi ko maunawaan ang kanyang dahilan. Bakit kailangan niya akong iwasan? Gayong halata naman na siya ang mas nahihirapan?

--

First try.🤦🏻‍♀️😅

FALLING APARTWhere stories live. Discover now