CHAPTER ONE

40 7 5
                                    


"Vy! Gising na! Tanghali na! Malalate ka na! Unang araw ng klase ngayon!"

"Venice! Wala ka bang balak bumangon diyan?!"

Sigaw ni mama ang una kong narinig pagmulat palang ng mga mata ko. Ganyan talaga si mama pag school days na.

"Opo mama! Babangon na po!" Sigaw ko rin kay mama. Bumangon na ako, naligo at nag-ayos. Di ako pwedeng ma-late.

Ako nga pala si Venice Yvonne Buenavista. 16 years old, third year high school nag-aaral sa Saint Peregrine High School. I'm a bitch sometimes and an angel everytime haha.

Nang matapos akong mag-ayos, pinagmasdan ko ang aking kabuohan sa salamin. Hindi ako tulad ng ibang babae na kung ano-ano ang inilalagay sa mukha. Konting suklay at pulbos lang  ay sapat na sa isang tulad ko.

"Vy! Bumaba ka na diyan!"

Napabuntong hininga nalang ako ng marinig ko nanaman ang sigaw ng aking mama. Nagmamadali kong kinuha ang aking mga gamit at bumaba. Pero bago pa ako makababa ng tuluyan, may narinig akong mga boses. Napa-iling ako ng mapagtanto kung kaninong boses iyon.

'Ano naman kaya ang ginagawa ng isang 'yon dito? Psh'

Nagtuloy na ako sa pagbaba ng matanaw ako ni mama.

"Buti naman at nakababa ka pang bata ka?"

'Mabagal ba akong kumilos?'

"Ma, maaga pa naman." Sabi ko at naupo sa hapag-kainan.

"Mas maigi naman iyong maaga, ikaw talagang bata ka. Oh Ethan ikaw na ang bahala sa kaibigan mo ha? Bantayan mo siya —"

"Mama! Hindi na ako bata. At isa pa paano naman ako mababantayan ng isang 'yan eh mas pasaway sakin ya —"

"Opo tita, ako na po ang bahala kay Vy." putol ni Ren sa sasabihin ko at tumingin ng nakakaloko sa akin. Tinignan ko na lang siya ng masama.

Lihim akong napangiti ng tignan niya na lang ako ng masama. Sobrang cute talaga niya pag naiinis. She's the only one girl best friend i have. We have a promise to each other since we were a kid. Hindi namin iiwan ang isa't-isa kahit na ano ang mangyari.

Ako nga pala si Ethan Brent Fajardo.

Nandito ako para isabay si Venice sa pagpasok. Unang araw ng klase namin ngayon.

"Kaya ko naman ang sarili ko, Ma. Bakit ba kasi kailangan niyo pa akong pabantayan eh." Nakanguso sabi niya at tumingin nanaman ng masama sakin.

"Bakit ba ganyan ka makatingin sa bestfriend mo ha? Buti nga ay sa kanya kita pababantayan."

"Pero, Mama."

Napailing na lang ako ako sa inaasta ni Vy. Ganyan na talaga siya noon pa. Ayaw niyang masyado siyang pinapakialaman. Pero wala siya magawa pag ang Mama na niya ang nagsalita.

Di ko na napigilan at nakisabat na ako sa usapan.

"Tama na yan, Vy. Babantayan lang naman kita, tara na baka malate na tayo. Tita, salamat po sa agahan, aalis na po kami. Wag po kayong mag-alala babantayan ko ang anak niyo." mahabang sabi ko, saka hinila na palabas ng kabahayan si Vy.

"Teka nga! Kainis ka naman eh. Bakit ka ba nanghihila ha?"

Hindi na ako sumagot at sinuotan ko na lang siya ng helmet. "Sakay na".

Bumuntong hininga siya at tahimik na sumakay sa motor ko. "Kapit ka, baka mahulog ka sakin" Biro ko sa kanya.

"Ang kapal mo! Mag drive ka nalang at baka ma-late na talaga tayo." Sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko.

"Oo na po Ma'am." Sabi ko at nangingiting pinaandar ang motor papuntang school.

Nang makarating kami sa school, sabay kami naglakad papasok. At habang naglalakad kami pinakikiramdaman ko lang siya.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala, may naalala lang ako."

"Naalala? Ano naman 'yon?"  Siya nanaman ba?

"Classmate kaya natin siya?"

"Sino?"

"Si Cyrus." Siya nga..

"Hindi ko alam, at wala akong paki doon" pigil ang inis kong sagot.

"Bat ka ba naiinis sa kanya? Mabait naman 'yon ah."

'Ano naman ang mabait doon? Ang yabang yabang nga'

"Paanong mabait ba?"

"Maniwala ka, mabait naman yo — Hala ayun siya oh!" Excited na turo ni Vy sa kinaroroonan ni Cyrus.

Akmang aalis siya ng pinigilan ko. "Teka san ka pupunta? Malapit na magsimula ang klase —"

"Ren, pwede mauna ka na? Kakausapin ko lang siya sandali. Sige mamaya na lang." sabi niya at tuluyan nang umalis.

Napabuntong hininga na lang ako at nagtuloy na sa paglalakad.

Ano bang meron sa kanya na wala ako?

--
Happy reading! Pagpasensiyahan niyo na. Bago-bago lang ako nagsusulat.😅

-✨

FALLING APARTWhere stories live. Discover now