CHAPTER TWO

39 7 8
                                    

--
Palapit na ako kay Cyrus nang nilingon ko si Ren. Para kasing may hindi tama sa kanya. Parang may kakaiba, parang ang bigat ng dinadala niya. At nang lingunin ko siya.. Tama nga ako. Kilalang-kilala ko na siya mula pa ng mga bata kami. Alam ko pag may dinaramdam siya. At base sa nakikita ko. Mukang meron nga. Para siyang nalugi na ewan habang naglalakad.

Hindi ko alam pero parang may pumipigil sa akin na pumunta kay Cyrus. Kahit gusto ng mga paa ko na puntahan si Cyrus, hindi ko naman mapigilan na lingunin ang papalayo kong kaibigan.

"Nakakakonsensya ang baliw na iyon. Parang nalugi kasi" kausap ko sa sarili ko at tumakbo papunta sa direksyon ni Brent.

"Hoy! Brent! Hintay!" sigaw ko habang tumatakbo parin.


-

"Kasalanan mo 'to eh! Ang sakit sakit parin!" inis na sabi ko kay Brent. Kung nilingon niya ako agad, kung hindi lang sana may pagkabingi ang kingina edi sana narinig niya ako.  Hindi sana ako madadapa!

Sobrang nakakahiya grrrr.

"Vy. Bat naman kasi aalis-aalis ka pa, tapos babalik ka rin naman pala. Ang sabihin mo di mo ko matiis —"

"Paano naman ako makakatiis ha?! Nung nilingon kita para kang nalugi. Kawawa ka naman kaya — Aray! Bat ka ba namimitik ha?!"

"Di ako nakapagfocus kanina sa klase dahil diyan sa sugat mo. Pinag-alala mo ako. Ikaw naman kasi antanga mo."

Di ko na siya pinansin at inayos ko na ang mga gamit ko. Malapit na mag-uwian. Napatingin ako sa tuhod kong nasugatan sanhi ng katangahan. Nakakahiya talaga.

"Vy, tara na. Kaya mo ba?"

"Masakit eh."

Napabuntong hininga siya at sineniyasan niya akong sumakay sa likod niya. Kaya't sumakay na ako. Aarte pa ba ako?

Habang nasa daan kami, palabas ng University. Inenterview ko siya. Oo interview.

"Bakit di ka pa nagkakagirlfriend?"

"Bakit?"

"Nagtatanong lang."

"May mahal na akong iba. Bat pa ako mag-gigirlfriend?"

Wehhh? Meron na? Bat di ko alam 'yon?

"Sino? Bat di ko alam yan? Bestfriend mo ko eh. Bat di ko alam yan —"

"Bestfriend."

"Hmm?"

"Wala."

"Sino nga kasi ang —"

"Kyaahhhh Ethan ang gwapo mo!!"

"Ethan akin ka na lang!!"

"Ethan waaahhhh"

"Ethan Brent Fajardo waaahhhh marry me!!'

"Hanggang ngayon ba naman sikat ka parin?"
Akalain mong di nagsasawang magsisigaw ang mga babae sa kanya? Grabe.

"Hayaan mo sila, di naman sila ikaw"

"Ha? Alam mo parang ang weird mong lalaki ka, may pabulong-bulong ka na rin ang creepy mo." mahabang sabi ko at bumaba sa pagkakapasan sa kanya.

"Kaya mo na ba maglakad? Sabi niya habang inaalalayan ako.

Tumango ako. " Oo kaya ko na."

Ilang minutong wala kaming kibuan nang makarating kami sa sasakyan niya. Alam kong pag ganito. May gusto siyang pag-usapan.

At di nga ako nagkamali, nagsalita na siya. "Classmate natin siya."

Napatingin ako sa kanya. " Oo nga, kaya lang mukhang snob na." wala sa sariling sabi ko.

"Snob? Palagi ka nga niya tinitignan."

"At paano mo naman nalaman? Tinitignan mo siya? Ikaw ah baka naman si Cy ang gusto mo kaya wala kang girlfriend hahaha."

"Baliw hindi. Binabantayan kita diba? Ganoon ang pagbabantay." pagdadahilan niya.

"Oo na lang." Sabi ko nang natatawa parin.

Napatingin ako sa bulsa ng bag ko. Hmmm candy.  "Ren."

"Hmmm?"

"Wala, halika na umuwi na tayo." sabi ko, at inagaw ang helmet niya.

Napangiti naman siya. "Tsh. Weird ka rin eh. Tara na."

-

"Salamat sa paghatid" tinapik ko ang balikat niya at ngumiti.

"Wala 'yon. Bukas agahan mo na, para di ka na sigawan ni tita hahaha."

"Opo, Sir."

"Sige una na ako." akmang aalis siya ng pigilan ko.

"Wait!" pigil ko sa kanya, at kumuha ng candy sa bag ko saka inilagay sa bulsa niya.

"Mamaya mo na tignan. Sige na alis na. Ingat ka." sabi ko sabay takbo sa loob ng bahay namin.

---

Katatapos ko lang maligo at nakahiga na ako sa kama ko. Inaantok na ko yownNakapikit na ako ng tumunog ang phone ko. Tinatamad kong kinuha iyon at tinignan kung sino ang nagtext.

From: Brent

'Thank you din.'

Napangiti ako sa text niya. Yung binigay kong candy sa kanya kanina. May nakalagay na message doon. At thank you ang nakalagay.

To: Brent

'Thank you parin. Sige na matutulog na ako. Good night Ren.'

Pagkasent ko ng message na 'yon,binitawan ko na ang phone ko at pumikit na. Antok na antok na talaga ako. Pero bago pa ako tuluyang makatulog, tumunog nanaman ang phone ko. Biglang nawala ang antok ko sa aking nabasa. At napaupo sa aking pagkakahiga.




From: Brent

'I love you Venice Yvonne Buenavista.'




-

FALLING APARTWhere stories live. Discover now