Chapter 3
I woke up because of the sunlight hitting my eyes. Bumangon ako kahit nakakaramdam ako nang sakit ng ulo . Parang binibiyak ang aking ulo dahil sa sobrang sakit. Maybe it's because of the wine I drank last night. This is not my first time drinking wine or any kind of alcohol. Maybe my alcohol tolerance is just low.
I just went to the bathroom and took a shower. After I got dressed I left the room and headed to the kitchen. Nagsaing ako at nagprito na nang scrambled eggs at bacon. Nang maluto na ang agahan ko ay kumain na ako kaagad. Saktong natapos na ako at nililigpit na ang aking pinagkainan, when suddenly the telephone on top of my mini bookshelf rang. Inilagay ko muna ang aking mga pinagkainan sa lababo bago tinungo ang telepono at sinagot ang nasa kabilang linya.
"Hello."
"Good morning Ysabella!" bati nang nasa kabilang linya.
Tinaasan ko naman nang kilay ang nasa kabilang kawad na para bang makikita nito ang ginawa ko.
"Bakit ka napatawag?" walang gana kong tanong.
"Para kamustahin ka. Didn't you miss your so very handsome cousin?"
Umirap nalang ako sa hangin dahil sa kaniyang sinabi. Sobrang taas naman talaga ng self confidence ng isang ito. Puring-puri ang mismong sarili.
"Hindi ka man lang tinamaan nang kidlat sa mga sinabi mo no."
"Psh. Ako pa ba Ysabella. Sa sobrang kagwapuhan ko pati kidlat tataob." pagmamalaki pa nito.
Kung nasa harap ko lang ito ngayon paniguradong binatukan ko na. Sa sobrang kapal ba naman nang mukha. Abot langit pa ang kompiyansa sa sarili.
"Sana hindi ka nalang tumawag kung ipagmamalaki mo lang naman din ang iyong kagwapuhan. Isaksak mo 'yan sa bagá mo." saad ko sa kaniya at tiningnan ang orasan.
Malapit na palang mag alas otso.
"Ito naman ang aga-aga beast mode kaagad. May dalaw ka ba ngayon?"
"Ibababa ko na ang tawag Leviticus. Wala kang kuwenta kausap."
"Teka lang! I heard Brel is coming home today."
"Ano naman ngayon kung umuwi siya. Why? Are you coming home too?"
"Maybe next week." sagot niya.
"Ewan ko sayo. Kahit huwag kanang umuwi. Bye na, may trabaho pa ako." bigla ko namang ibinaba ang tawag at hindi na siya hinintay na sumagot pa para magpaalam.
Bago ako umalis ay hinugasan ko muna ang aking pinagkainan. Pagkatapos ay uminom ng gamot na makakatulong maibsan ang sakit ng aking ulo. Nagka-hangover yata ako. I left the apartment and took the elevator. Just a few seconds later the elevator opened. I hurried out and headed the parking lot. I got in my car and maneuvered it. I was in the middle of the road when my phone suddenly vibrated. I reached for it on the dashboard. Kaya pala hindi ko ito mahanap kagabi dahil naiwan ko pala ito dito. I sighed when I remembered what happened last night.
Ang kapal naman talaga nang mukha ng lalaking iyon! I'm not the kind of person who hold on to grudges, pero sinisigurado kong may araw din siya sa'kin. Hindi ko nalang muna inisip iyon. Mas lalo lang sasakit ang ulo ko kapag inisip ko pa iyon. I just opened the message from my cousin and read it.
Levi:
Don't stress yourself too much. Uuwi din ako diyan. May tinatapos lang akong trabaho.
Mas mabuti pang mag-text lang ang isang ito kesa naman kausapin mo. Mas may sense pa kasi pag nagti-text hindi katulad pag-kausap mo siya wala ka talagang mapapala. Nagtipa nalang ako ng maire-reply hindi pa naman kasi umuusad ang traffic.
YOU ARE READING
Autumn and Sunset
RomanceConspectus May mga taong gusto nang mamatay. Gusto nang mawala at lisanin ang mundo. Pero ako? I am fighting for my life. Fighting to survive. I am one of those people who has been a survivor of the unusual cancer disease. Maybe life is full of surp...