Emmarie Guides' POV: BLUR
"Ipagdasal mo ang sarili mo
Nagmahal ka nang hindi sayo.
Patawarin mo'ng sarili
Pinagpatuloy mo kahit malabo.
Akala mo mali ka
Pinaasa ka, kasi alam nila."
Pinukaw ako ng maliwanag at preskong sikat ng araw ngunit binawi naman ito, nang mabahong amoy ng kalsada na pumasok sa aking nakabukas na bintana sa gilid lamang ng aking higaan na siyang kinasungot ng mukha ko. Sinasadya kung iwanang bukas ang aking bintana para naman maibsan ang init sa aking kwarto. Nasa ika-pitumpot-apat kasi ako na papalapag ng gusali kung kaya't ganon na lamang ka-init ang aking nasasagap, dagdag pa nang walang aircon. Yung nga eh, ang mahal nang bayad, bawal pa maglagay ng aircon. Meron namang isang ceiling fan na ewan ko, parang ginawa pa noong huling kaarawan ng ika-dalawampu't limang presidenti ng Pilipinas. Anyways, mukhang magsisimula naman ang tag lamig, so okay lang, bahala na.
Mula sa kamang aking hinihigaan nakikita ko ang mga ibong masisisigasig na naglalaro sa hangin. Matapang isinasagwan ang kanilang mga pakpak, sinusulit ang araw habang di pa nakakarating ginaw na bibit ng buwan ng taglamig. Ang gaganda ng umaga nila.
As usual din, hindi magara ang woke up like this ko. Nanaginip na naman ako. Ewan ko ba! Ang dami-dami kong problema dumadagdag pa sa problema ko pati tong mga pesteng panaginip nato! Meron pang instructor sa major na hindi pa nga nakakapagbigay ng mga objectives niya, magpapa-long quiz na. Ulol yata! Napakamot na lamang ako sa ulo at napatingin sa ceiling. Sumimangot ang aking mukha sa aking nakita.
Nako! Huy, madam! Ang eskwater mo ha! Sabay turo ko kay Mrs. Ervings, ang gagamba. Kakawalis ko lang kasi sa ceiling nga mga lumang supot at tira-tira niya at bumalik na naman. Wow ah ang tigas din. Parang ka uri lang ng arts instructor ko
"Madam! Ibinigay ko na sayo ang likuran ng pintuan ko ah. Kung ayaw mong umalis diyan ikaw ang pagbabayarin ko ng renta! Tandaan mo!" I took a very deep deep breath. Diyos ko po! Just to exhale the stress that was suffocating me. Ibinaba ko ang mga paa ko at inabot ang ballpen at sticky notes na nakalatag sa ibabaw ng aking mesa.
"August 24, 2109 TO DO
Una pupunta ako sa shop ni Mr. Hermington, kailangan ko na kasi ng bagong jacket para sa winter.
Pangalawa, sa library. Kailangan kung mga bukas-bukas ng mga kakaunting libro baka naman may mapulot ako at maisagot ko sa bonggang pa long quiz ni Professor Elm Hedgehogs.
Pangatlo, uhm , Cafeteria. Oo, Cafeteria ng mga Marckels. In short, trabaho.
Pang-apat, date ko. Siyempre may date ako."
Linugay ko ang aking tuyo at patay kong buhok at lumakad patungo sa pintuan ng banyo.
"Teka maliligo ba ako ngayon o hindi, kase naligo ako noong isang araw, nag half-bath ako kahapon so equals..." kinakagat ko ang kuko ng aking gitnang daliri habang nag-iisip at nakikipag-usap sa sarili.
Ah okay bukas nalang... aww maliligo nalang pala ... ay ano ba.! At inikot ko ang gripo ng shower at nagsimulang bumuhos ang tubig mula sa malilit na mga butas ng shower head.
Ay na apog! Ang ginaw! Napasigaw ako sa aking banyo.
BANG! BANG! BANG!
Ang malakas na tunog ng katok mula sa aking pintuan.
Hoy! Emarita! Ang ingay mo! Bilisan mo't mas marami ka pang pupuntahan. Madadamay na naman ako!
Pagrereklamo ni Chance, ang madaldal at papansin kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
BRIGHTLIGHTS
FantasyA romantic fantasy story of the future and its mystery. West Bridge has never been the same since a piece of time was taken away that it almost made the city lost itself. A young lady named Emmarie Guides is destined to find it. But will she risk w...