Emmarie Guides' POV: STABBED
"Nagmahal tayo, minahal tayo, pero di naging sa atin."
Uy!
Nagising ako nang tila pakiramdam koy lumulubog ang katawan ko sa hinihigaan.
Maganda ang sikat ng araw, nakakamulat, hindi masakit o mapaso. Sakto lang pangpasigasig sa balat na namumutla at mga nakatindig na mga balahibo.
Simula sa pagkagising ko ay walong oras na walang ginawang maayos. Palipat-lipat ng posisyon, mula sa kama, sa silya malapit sa salamin, sa ibabaw ng mesa, sa loob ng cabinet, sa CR, sa ilalim ng mesa at balik sa kama. Hilong-hilo na si Mrs. Ervings, kulang nalang isuka niya ang kanyang mga itlog na naitakda niyang iluwal ngayong katapusan ng Agusto.
Pinapanood ko ang mga ibong masisiglang naglalaaro sa ilalim ng sikat araw.
Wala silang inisip kundi ang kanilang bagwis.
Wala silang takot.
Wala silang pangamba.
Hindi sila naguguluhan.
Wala silang mga katanungan sa kung ano ang pagkatao nila.
Ang alam nila ay may pakpak sila, kaya lumilipad sila.
Noong bata pa ako, maladas akong mahuli ni mamang nangungupya. Hindi alam nang teacher ko pero alam ni mama. Binibili nila noon ang mga perfect scores ko. Mahilig ako sa mga assignments noon kasi napiperfect ko at binabayaran ako nila ni mama at papa, pero ang mga quiz hindi. Pinipikit ko ang aking mga mata sa tuwing magpapasulit, kaya minsan itlog-itlogan ang peg.
Malayo man ay kita nang aking mata. Yun lang ang problema ko noon ngunit nang maghigh-school naman ako'y nawala kasi hindi na rin lang inisip. Ngunit di rin nagtaggal ay nagsimula itong bumalik at lumubha pa.
Habang pinagmamasdan ko ang mga maliliit na ibon ay lalo pa akong nabighani nang sumali ang iba pang malalaking pang ibon, nag ikot-ikot ang mga ito at masayang naghahabulan.
Tila lumakas ang nakakasilaw na sikat ng araw na bumulag sa aking paningin. Kumunot ang aking noo sa pagsusumikap na maibuka ang aking mga takip mata habang sinusubukan kong harangin ang sikat ng aking mga kamay. Hanggang sa tila biglang bumalik sa aking isipan ang nangyari noong aking kaarawan.
Akala ko mamamatay na ako nun.
Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo kung kaya't nahimatay ako nang hindi ko na kinaya dahil sa sumabay na din ang ulo ko. Halos mabiak ito sa sakit. Hindi ko maigalaw ang aking katawan na parang iniipit ako ng isang toniladang semento. Akala ko nga nasa sa kabaong na ako.
Paggising ko ay nasa apartment na ako. Pinadala na pala ako ni Mrs. Riffins at inakala na nalang nila na baka may alcohol intolerance ako, lalo na't napakatanda na nang wine na ininom namin ni Chance.
Pagbangon ko'y parang basagin ang aking dala-dalang katawan. Di ko halos maigalaw ang aking mga kamay at ang tiyan ko ay parang may mga basag na bote na tila napakasakit kung aking iyuko. Dumiretso ako sa aking salamin.
Dahan-dahan akong lumalakad habang iniingatan ang lahat. Eksakto lang na makita ko ang aking sarili ay halos mahulog ang baba ko.
Anong ibig sabihin nito? Ba't ako hubad? Oo hubad ako ngunit may damit akong nahahawakan. Kinulikot ko ang aking mga mata ngunit wala parin. Nagpunta ako sa CR at linakasan ko talaga ang buhos ng shower upang ako ay mabasa. Nabasa nga ako! Ngunit hindi ko parin makita ang aking mga damit. Iniisip ko nang panahong iyon na baka mahiwaga ang damit kong sinusuot kaya't hinubad ko. Pero ganon pa din hubad pa din. Nagbasa ako uli at bumalik sa salamin ngunit wala at wala akong napala.
BINABASA MO ANG
BRIGHTLIGHTS
FantasyA romantic fantasy story of the future and its mystery. West Bridge has never been the same since a piece of time was taken away that it almost made the city lost itself. A young lady named Emmarie Guides is destined to find it. But will she risk w...