Chapter 6
Crazy
"So, ano ang naiisip mong idea para sa science fair, Narizz?"
"Maganda kung may theme tayo eh, maybe solar system or universe."
"Wala, bakit ako ang unang tinatanong mo? Idea mo nalang, alam ko naman na meron ka nang naisip eh."
Humalukipkip ako at sumandal sa bench kung nasaan nakaupo kami ngayon. Dumi-kwatro pa ako bago walang gana siyang tinignan, na nakakunot lang ang noo sa akin. Andito kami sa garden ng school na may mga nakatayong lamesa at benches. Tinawag niya ako dito para mag meeting daw tungkol sa science fair.
Umirap ako sakanya. Ayaw ko sanang gawin iyon pero hindi ko mapigilan.
"Narizz kailangan ng idea nating dalawa, hindi 'yung ako lang mag-iisip," he said almost frustrated. Kaninan pa naman siya inis sa akin.
"May idea ako, hindi ko lang masabi."
Hinawakan ko ang pang ibabang labi ko at tumingin pa sa itaas. "Hmmn. May naisip na ako! About science ang gawin natin!" Ani ko na may halong sarkasmo ang boses.
Narizz, be serious! Gusto ko na namang sabunutan ang sarili ko.
Nahilamos niya ang buong mukha niya. He even pinch the bridge of his nose and gave me a death glare.
"Oh, ang gwapo." Natawa ako sa nasabi ko pero sa isip ko nga lang.
"Narizz, seryoso ako. Please be serious too, next week na ito at kailangan na nating umpisahan para masabihan na rin ang ibang mga studyante."
"Solar system or universe nga ang theme!"
"Bakit ba kasi kailangan mo pa ng idea ko? Sa'yo nalang kasi! Ano bang naiisip mo?"
Nagtagal pa ang tingin niya sa akin bago siya huminga ng malalim. "I'm thinking that it should have a theme first para malinis tignan at hindi gulo gulo ang mga booth."
Iyon din naman ang naiisip ko pero hindi ko lang talaga masabi.
Tumango tango ako. "Ayun naman pala, so anong theme ang naiisip mo?"
"You? Ano ba ang naiisip mo? Come on, spill it. Alam kong meron, Narizz."
"Universe nga!"
"Bakit binabalik mo na naman sa akin? Wala nga akong maisip!"
Halos gusto ko nang maiyak, bakit ba ayaw lumabas ng mga gusto kong sabihin sa isip ko? Buwiset naman oh! Ano ba talagang nangyayari sa akin?
"Narizz, alam kong nagsisinungaling ka. You love science, right? Ikaw pa nga ang nag volunteer noon na maging in-charge 'diba? Why now?"
Ewan ko, bakit hindi ko maalala ang dahilan? Bakit nga ba iyon ang lumalabas sa bibig ko?
"Wala ka nang pakialam doon, Vann. Please don't bring back the past. Tapos na eh. Mind your own business, okay?"
"Oo, ayokong manghimasok sa buhay mo Narizz. But I want to care! I want to care about you! I want to know what's going on with your mind! Kung bakit bigla na lang naging ganyan ang pakikitungo mo sa akin!"
Natulala na lang ako sa sinabi niya. Naalala ko ang mga panahon na iyon pero bakit... malabo na?
Mababaliw na yata ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung papaano ba ako ulit magiging normal. Kung paano ako mababalik sa dati na walang nararamdamang ganito.
I want to eat but I can't. I want to say something but I can't.
Gusto kong pumunta sa isang lugar pero hindi ko magawa. And I even want to study but I am doing the other way around.
BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)
Viễn tưởngNarizz Sy is a typical highschool girl, but not a good student. She always do cutting classes, her grades are not higher than what you think and she's also not have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her re...