Wheels On The Bus

6 1 0
                                    

WHEEL ON THE BUS
---

"The wheels on the bus go round and round,round and round,round and round..."

'Di ko naiwasang sumabay sa kanta ng Cocomelon na 'Wheels On The Bus' habang nakatingin sa harapang bahagi ng bus.

Field trip namin ngayon. Hindi ko alam bat' 'yon ang tugtog.

"The wheels on the bus go round and round,all through the town..." bigla akong kinalabit ni Zia.

"Huy! 'Di ka ba nahihiya? Nasa likod mo lang crush mo tapos ang lakas ng boses mong kumakanta ng nursery rhyme."

"Aba, bakit naman ako mahihiya?" Inirapan ko siya. Saka mas lalong nilaksan ang pagkanta.

" The wipers on the bus go swish, swish, swish;
Swish, swish, swish;
Swish, swish, swish;
The wipers on the bus go swish, swish, swish,
All through the town..."

Maya-maya pa'y sumabay rin si Manong driver na ikinagulat ko. Hanggang sa unti-unti nang halos lahat ng classmates kong nasa loob ng bus ay sumasabay na sa kanta.

Inilibot ko ang mata ko, nahagip ko si crush ay si president pala, hehe.

Nakasimangot at siya na lang ang hindi sumasabay. Maski si Zia'y nakisabay na rin.

"Huy! Nagagaalit na yata si Pres.!" Sigaw ng pabibo kong classmate. Inirapan ko siya at mas nilaksan pa ang pagkanta.

" The mommies on the bus go "Shh, shh, shh;
Shh, shh, shh.
Shh, shh, shh.
The mommies on the bus go "Shh, shh, shh;
All through the town..."

Tumayo pa ko saglit at pumikit para mas dama ang pagkanta. Patapos na yung kanta si crush 'di pa rin nasabay. Si Ma'am nga sumabay na ih!

Handa na  sana akong kantahin ang susunod na linya nang biglang tumayo si crush na siyang nagpatahimik sa mga classmates ko.

Akala ko sisigaw pero hindi.

Dahan-dahan akong humarap sa upuan niya.

At itinuloy niya 'yung lyrics---with a twist!

"The Man at your back say 'I love you'

---
Votes, comments (corrections, criticisms, feedbacks) and share are highly appreciated. Thank you!

Musika At Kuwento Ni SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon