Oks Lang Ako

7 1 0
                                    


OKAY LANG AKO
---

"Happy 4th anniversarry, love!"

I hugged her but she doesn't hug me back.

"Apat na taon na pala tayo 'no?" Umupo kami sa isa mga benches ng park.

"Naalala ko tuloy nung first time kita ihatid sa bahay niyo. Tapos saktong andun papa mo, nagpaggap pa kong bading na bestfriend mo. Dun ko nadiscover na ang galing ko pala kumembot."

"Tapos nung first time kong mag-dinner sa inyo. Kinain ko 'yung sinigang na hipon ng Mama mo kahit alam kong allergic ako 'ron. Ang yabang ko pang magpa-impress sa mga magulang mo no'n."

"Naalala mo 'yung lagi kitang kinakantahan? Kasi alam kong gusto mo 'yon. Lalo na bago ka matulog,kinakantahan kita through phone calls."

"Kakantahan sana kita, kaso sinira ko na 'yung gitara ko."

"B-bakit mo sinira?" At last, she speaked up.

"Wala naman na 'kong kakantahan. Alam kong pinapunta mo ko rito,hindi para magcelebrate ng anniv natin, kundi para magpaalam sa 'kin." I laughed, a fake one.

"I'm sorry..."

"Bahala na,kakantahan pa din kita kahit wala na 'kong gitara. Okay lang ba? Huli naman na 'to, don't worry."

Hindi ko na hinintay ang pag-sang-ayon niya kaya't nagsimula na kong kumanta.

"Nagbago na'ng lahat sa'yo,
nagbago na'ng lahat pati ang tayo,
nagbago na ang 'yong ngiti
ang 'yong tingin
ang 'yong nararamdaman...🎶"

My tears started to fell on my cheeks.

"A-ang hinihiling k-ko lang naman...🎵"

Nahihirapan na kong kumanta dahil sa naninikip kong dibdib.

"--Ay yakapin mo ako,
kahit hindi na totoo
maiintindihan naman kita
kung talagang sawa ka na
kung mas sasaya ka sa iba,
huwag mo na akong isipan pa,
handa na 'kong...kalimutan ka...🎶"

Tumayo siya at niyakap ako, umiiyak na  din siya.

"I'm sorry, Feng, I'm sorry...."

Kumalas ako sa yakap saka siya hinalikan sa noo.

I wiped my tears and finished the song.

"Oks lang ako..."

---

Votes, comments (corrections, criticisms, feedbacks) and share are highly appreciated. Thank you!

Musika At Kuwento Ni SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon