HINDI LAHAT NG COMEBACK NAGWO-WORK
---"The reason why I let you guys request a song for 2 hours is; this is the last time I'll sing here."
Maraming nadismaya sa inanunsiyo ko kanina. Isa lang ang ang nagtataka, ang boyfriend kong si Leo.
"Mag-a-abroad na po ako. Ipagpapatuloy ko na po ang negosyo namin doon." I continued in a small voice. I looked at Leo.
"And this would be the last song I'll sing for y'all. Dedicated to my boyfriend." Naghiyawan ang mga tao. Akala siguro nila sweet song ang kakantahin ko.
"Love, masaya ako. I'm happy na nagkabalikan tayo. Akala ko tuluyan ka nang mawawala sa 'kin. But thank God, ibinalik ka niya sa'kin." I paused for a while. "Akala ko tuloy-tuloy na 'to. Akala ko babalik na ang lahat sa dati kapag bumalik ka. Akala ko wala nang wakas. Pero alam nating pareho na may nag-iba."
Pagak akong tumawa.
"Akala ko lang pala..." Nagsinghapan ang mga manonood ng bar. "Akala ko bumalik ka na sa 'kin. Akala ko akin ka na ulit. H-hindi pa rin pala." Ngumiti ako sa kaniya.
"H-hindi ka na pala sa 'kin."
I looked at my bandmate-- Shia. Nakatingin din siya sa boyfriend kong si Leo.
Sumenyas ako na simulan na ang pagtugtog. Parang wala lang sa umpisa subalit ng makarating ako sa koro ay may kung anong bumara na sa dibdib ko.
"Wala na rin naman kahit na balikan
Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan
At sa huling paalam naintindihan
Na sa ating dalawa
May ibang nakalaan...🎶"Unti-unti nang nag-iiba ang ekspresyon ni Leo.
"Patawad kung ikaw ay aking nasaktan
Hindi ko nabigay ang iyong kailangan
At ang huling pangakong maibibigay
Na sa ating dalawa
Ay wala nang sisihan....🎶"Nagtaka ang mga bandmates ko pati ang nga tao sa biglaang pagwalked-out ni Shia.
Bakas ang pag-aalala kay Leo.
"Patawad..." Itinango ko ang ulo ng isang beses. Senyales na inuutusan ko siyang sundan si Shia.
Tinggap ko nang hindi ako ang para sa kaniya. Na si Shia na ang itinitibok ng puso niya.
May pag-aalinlangan man sa mukha ni Leo, isang tunay na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. Saying that I'm okay, even if not. Saka ipinagpatuloy ang pagkanta sa huling liriko.
"Paalam sa ating nakaraan...🎶"
---
Votes, comments (corrections, criticisms, feedbacks) and share are highly appreciated. Thank you!
BINABASA MO ANG
Musika At Kuwento Ni Sinta
Historia Cortaang librong ito'y lipon ng mga maiikling kwento na hango sa ilang kanta. kridito sa may-ari ng larawan. music request is open. pm my account and let's talk about it. thank you.