CHAPTER 10

811 27 26
                                    

CHAPTER 10
~ Crying out loud

"Ginoo, I want rum please..." Medyo nilakasan ko ang aking boses dahil sa malakas na tugtugan dito sa bar na pag-aari ng kaibigan ko.

Wala akong pakealam kung hanapin nila ako ngayon, kailangan kong mapag isa, kailangan kong umiyak kahit ilang oras lang. Kailangan kong ilabas lahat ng sakit na nararamadaman ko. He lied to me. All of his actions, sweetness, and promises? All of that are fake, pagpapanggap lang pala ang lahat.

"Ang tanga ko, I trusted him."

Napahaplos ako sa buhok at dumungdong sa bar table.

"Oh! Ginaa ba't naparito ka?" lumingon ako at inikutan siya ng mata.

I sighed.

"Hanggang ngayon 'yan parin talaga ang tawag mo sa'kin!" asik ko at masama siyang tiningnan. Humagikgik lang ito habang abala sa paghahalo ng alak.

"Ano namang masama, Ginaa?" mas lalo sigurong tumalim ang tingin ko sa kanya, pinagdiinan niya ang salitang 'ginaa' mismo sa harap ko.

"It's so baduy!" He chuckled.

Kumuha naman siya ng baso at binuksan ang bote ng rum at saka isinalin doon.

He is Clyde Adler Lacson, naging kaibigan siya ng pinsan kong si Kuya Xiann, gwapo rin ang isang 'to at katamtaman lang ang tangkad. Maganda rin ang ukit ng kanyang mukha pati ang hati ng kanyang buhok ay tila nakakadagdag ng presensya niya sa mga babae. Habulin rin siya ng mga babae kaya lahat naman ng napaparito sa bar ay siya lang mismo ang hanap.

Mayaman ang isang 'to ngunit hindi ko alam kung bakit nagtatrabaho pa siya sa mismong bar. He didn't want me to call him 'kuya' because he was older, ayaw niya kasi magmumukha raw siyang matanda.

"Ba't ka nga pala napunta rito? Broken hearted ka kaya nagmumukmok ka rito?"

"Nah! Just give the rum please?" asik ko.

"Scary.."

"Serve me more rum kuya, I want sweet liquor!" hindi naman siya umangal sa pagtawag ko ng Kuya.

"You're so cruel, natatakot ako sayo minsan."

"Such a gay." tiningnan niya naman ako bago hinawakan ang baso na hawak ko.

"Tskk, don't drink too much."

"Kaya ko kahit malasing ako!" saad ko at tinungga ang baso. Nagsalin akong muli at inalog yun sa basong may lamang yelo.

"Remember that, baka mamaya may bigla na lang mangbugbog sakin dito dahil nakikipag-usap ako sayo."

As if naman na meron. Aasa pa ba ako? Fvck him!

"Nahhh...that will not happen Kuya Clyde." hindi ko napigilan na tawagin siyang kuya, ngunit yun talaga ang gusto ko. Hindi naman siya nagreklamo at ginulo na lang ulit ang buhok ko.

Hindi ko rin alam pero may parte na nagsasabi sakin na sana, sana dumating siya sa tabi ko.

I blame myself for believing what he said the night we were in Laguna. I thought to myself how he kissed me and how I kissed him back. I feel so bad for myself. We make love and that's unforgettable night for me. Bumigay ako sa kanya. I always said this to myself for a long time but I became soft when Kiel said such words to me.

Naramdaman ko na lang na may tumulo palang luha sa aking mata. Agad kong pinahid yun at itinuon na lang ang paningin sa mga babaeng sumasayaw sa mini stage ng dance floor.

Echoes of the Past [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon