SA ILALIM NG PALAPAG
Chinita Chai
Ang isang kabanata ay tapos na,
Tapos na ngunit,
Nais ko pa rin balikan,
Balikan mula sa unang pahina,
Pihitin hanggang sa dulo ng mga salita.
Nais kong balikan,
Nais kong balikan ang pahina,
At muling pumasok sa pintuan,
Sa pintuan patungo sa mundo ng mga karakter nitong kabanata.
Nais kong maulit ang istorya,
Nais kong balikan,
Bumalik,
At muling maglakad sa bawat palapag,
Nais ko ulit siyang makita.
Sa isang pahina,
May isang karakter akong nakita,
Nakamamangha,
Nakamamangha kung paano sya inilarawan sa istorya.
Tatlong bagay na hindi ko makakalimutan mula sa bahagi ng pahina,
Una, tinig na unang beses ko lang narinig,
Pangalawa, mga matang makislap ang tingin,
Panghuli, ang ngiting kasing liwanag ng bituin.
Lahat ng ito, pwede bang ulitin?
Hindi pa tapos ang kabanata pero,
Iyon na huling beses na sya ay makikita,
Huling ngiti at huling kaway ay nakita,
Masayang naging bahagi ka ng kabanata.
Ang kabanata ay tapos na,
Tapos na ngunit,
Nais ko pa rin balikan,
Balikan mula sa unang pahina,
Pihitin hanggang sa dulo ng mga salita,
At muling maglakad sa kanilang palapag.
Sapagkat hindi ko pa alam kung ano ang pangalan niya.
***
Summer
(2018)
BINABASA MO ANG
Sayo itong Tula
PoésiePoems . . NO SOFT COPY. . . Do not distribute, transmit, publish, and display any content from this work in any form without the permission of the author. Thank you.