01

215 17 4
                                    

Kai's POV

It's just a normal day. I woke up at 8 in the morning pero ayaw ko pang bumangon kaya naman inabot na ako ng 10AM. Nakatatamad is my everyday mood. Kain, tulog, punta sa shop, kain at tulog uli ang ginagawa ko parati. Ever since he left, para na lang akong robot, gumagalaw nang gumagalaw pero wala naman talagang buhay, simula rin noong umalis siya wala akong ibang ginawa kun'di maghintay sa kaniyang pagbabalik.


I opened my twitter account and saw his tweet, 21 seconds ago. Ngayon na lang siya uli gumamit ng twitter, magmula nang umalis, hindi na siya nag-open ng kahit anong socmed accounts, kahit yung shared account namin o hindi lang talaga siya nagpopost? I tried to call him, nag-iiwan pa ako ng mga messages pero wala, kahit seen. Tapos ngayon, after 6 years, magtu-tweet siya ng isang picture ng bintana ng eroplano with a caption of "after 6 years" . I sighed and tweeted too, "It is still you."


Pagkatapos kong lumangoy saglit sa kalungkutan, agad akong naligo. Akala ko nakaahon na ako sa nilanguyan ko kanina pero bakit parang lumusong akong uli? Habang naliligo ay pinaplano ko na kung paano ko siya susuyuin, kung paano ako uling lalapit matapos nang lahat. Ang pinili kong suotin ang 'yong shirt na niregalo niya noong 1st anniversary namin. Nakaupo ako sa harap ng vanity table habang nakatitig sa cellphone ko, nag-iisip kung tatawagan ko ba ang kaibigan ko o hindi. Bago ko pa man maabot ang cellphone ay narinig ko na itong nagring, si Crystal. Feeling ko tuloy, nakita na rin niya 'yong tweet ni Aye.


"Miss mo na 'no?" bungad niya, nanatili naman akong nakaupo at nakahalumbaba sa vanity. Miss ko na ba? Siyempre, bago pa ba 'yon? tanong ko sa sarili. "Oh, ano? Uuwi na siya, anong balak mo?" dagdag niya, napabuntong hininga naman ako bago sumagot. "Hindi ko alam."


Hindi ko alam? Hindi ko nga ba alam?


"Bes?" panimula ko. "Tingin mo ba dapat ko siyang habulin?" tanong ko sa kaniya, agad ko namang narinig ang sarkastika niyang tawa, gusto kong mapikon. "Duh? tagal mo na yung ginawa, effective ba? hindi naman eh. Huling usap niyo, if not mistaken ah. Nung bago siya umalis, bakit siya pa rin? May kinakapitan ka ba? Bukod sa nararamdaman mong pagmamahal na masyadong nakakamartir, ano pang kinakapitan mo?" deretsong sagot niya. Ano nga ba?


Saglit akong nag-isip nung bigla kong naalala yung mga pangako niya, naming dalawa. Kahit papaano may sumibol na pag-asa sa dibdib ko. "Promises. Yung mga pangako namin sa isa't isa." nakangiting sagot ko sa kaniya, kahit na hindi naman niya makikita 'yon. Akala ko this time susuportahan na ako ng bestfriend ko pero narinig ko nanaman siyang tumawa, baliw talaga. "hala ka? Hindi ka ba aware na promises are meant to be broken?" sagot niya. Ayaw ko man ay bigla kong naalala 'yong minsang ginamit ko 'yan kay aye.


- Flashback -


"Bibilhan nga kita no'n! 'Yong damit na gusto mo, promise!" Nakangiti siya habang marahan akong hinahatak sa paborito niyang fastfood chain, 'yong bubuyog na nakangiti. "Bibili lang ako ng ice cream eh, KJ nito! Promise, babalik tayo sa stall tapos bibilhin natin yung damit na 'yon!" dagdag pa niya.


"Prank lang 'to eh, bwisit ka!" tawa-tawang palo ko sa kamay niyang nakahatak sa akin. "Promise, promise ka pa! Sabi kaya nila, promises are meant to be broken! Kaya don't promise anything!" sagot ko habang ang paningin ay nasa itaas. Agad naman akong bumunggo sa likuran niya dahil bigla siyang huminto. "Aray ko, aye ah! Sisipain kita."


"Mali, promises are meant to be fulfilled. Dapat kapag nangangako ka, ang thinking mo 'tutuparin ko 'to'. Okay? After this, babalik tayo sa stall na 'yon." ngiti niya sabay hatak sa akin para makapila.


-end of flashback.-


"Huy, ano? nandiyan ka pa ba? Sana binaba muna 'di ba? Hahahaha!" dagdag ni crystal. "Hmm, bes, promises are meant to be fulfilled. Dapat tigilan na natin yung thinking na meant to be broken 'yan." sagot ko. "Pero ito ha, feeling ko ayaw na niya." dagdag niya. Agad naman akong natigilan dahil hindi ko inaakalang sasabihin niya sa akin 'yan ng ganoon kaderetso. Napapalunok tuloy akong sumagot. "Paano mo nasabi?"


and her words struck me... "Nakatagal nga sa ibang bansa ng 6 years na 'di ka hinahanap eh, tapos ngayon, nagtataka ka pa? Tsk. Sana okay ka pa, bes." Oo nga, nakatagal nga siya na parang hindi man lang ako hinanap. Baka nga wala na? "Selfish ba ako kung hihilingin kong hindi niya ako iniwan?" tanong ko. "Oo, bes. Selfish ka kapag ganoon, kasi 'di ba sabi ko, dapat marunong ka ring mag-adjust. Kasi hindi lang ikaw ang napapagod, nahihirapan, nasasaktan. Siya rin."


Siguro nga at some point naging selfish ako. Gusto ko puro lang ako. Ako nang ako, hindi ko naisip yung 'siya'.


"Bes, tingin mo ba kasalanan ko?" tanong ko. Hindi na namutawi ang katahimikan dahil agad siyang sumagot, "Oo bes, kasi 'di ba, ikaw may gusto nito eh. Sorry, pero that time, naging makasarili ka talaga." Sagot niya. "Pero bes, mahal ko pa rin siya." pigil luha kong sagot sa kaniya at narinig ko naman ang muli niyang pagbuntonghininga. "Eh, siya? Mahal ka pa rin ba? Ikaw pa rin ba?" malungkot niyang sagot, "sana nga, sana mahal ka pa rin niya. Anyway, baba ko na itong call ha, puntahan ko pa si mommy e. Balitaan mo ako, love you!" dagdag niya sabay end ng call.


Nanlulumo naman akong tumayo at bumalik sa kama. Agad ko namang binuksan ang twitter app ko. There's something inside me na gustong magtweet, so i'll just let it out sa twitter.


@thougthsofkai

Dapat pa nga bang kumapit?


Then i click the off button pero biglang tumunog ang phone ko, lumitaw ang notification ng tweet ni aye. I felt excited about it, kaya pinindot ko kaagad na sana hindi ko na lang pala dapat ginawa.


@aemson

hindi.


Wow! so 'yan ba ang sagot niya sa tweet ko? I just tweeted 2 minutes ago tapos ito may tweet siya kaagad! So up until now galit pa rin siya? I sighed as i felt something inside me... parang lalong lumungkot? Feeling ko tuloy, may iba na. Feeling ko hindi na ako. Nagdadalawang isip man, susubukan kong magtweet ulit, umaasang hindi para sa akin 'yong tweet niya kanina.


@thoughtsofkai

Ako pa rin nga kaya?


Ilang segundo lang, tumunog ulit yung phone ko, it was a notification from him. He re-quoted his tweet kanina with "hindi (1)". Oh, okay. Ngayon, mas safe na sabihin na para talaga sa akin 'yong mga tweet. Hindi ko tuloy alam ngayon kung anong gagawin ko para bumalik siya sa akin, kasi kahit sa twitter lang, ramdam ko pa rin yung galit niya.  Nanlulumo naman akong humiga sa kama ko at pinilit na matulog na lang uli, bitbit ang mabigat na pakiramdam. 


aye, simula pa lang 'to, pinapangako kong ngayon... hindi na ako susuko.

Maybe (A SharDon FanFic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon