Kai's POV
Umaga na nang nakarating kami sa building, napagpasiyahan muna naming magdrive-thru para naman hindi kami magutom sa biyahe. Last night was fun! Nagstargazing kami mula 2AM hanggang 4AM pagkatapos ay pinanuod namin ang sunrise habang kumakain. Iba pa rin pala talaga ang pakiramdam kapag malayo ka sa siyudad.. na magulo.
Flashback
"Oh, usog ka pa! Hindi, hindi! Oo, 'yan! Diya'n! Oh ngiti, ngiti ka naman! Ayusin mo, ayan perfect! O isa pa, ako lang 'to kai. 'Wag kang mahiya, do anything you want. Huwag ka lang tumalon diyan sa bangin." sigaw nang sigaw si Ken habang kinukuhaan niya ako ng ritrato bago tuluyang sumikat ang araw. Ayaw niya rin ng solo niya lang, kaya naman nagpicture kaming dalawa.
"Teka, ang pangit ko riyan. Isa pa, isa pa! Dali na, ang damot ha!" habol ko dahil itinataas niya ang camera upang hindi ko 'to mabura ang picture naming dalawa. Naka-akbay siya sa akin habang ako naman ay nakanganga at nakaturo sa may sasakyan. May pumasok kasing ibon sa loob, kaya nagulat ako. "Anong madamot? Sandali, paano buburahin mo eh! Take tayo isa pa." sagot niya habang inaalalayan akong bumalik sa puwesto namin kanina.
"Kai, tara na." aya niya sa akin habang bitbit ang lahat ng gamit. Ayaw niyang may dalhin ako, bukod sa camera at tripod. Mabigat daw kasi at baka hindi ko kayanin, medyo OA nga. Nang makasakay na kami'y imamaneho na niya sana, kinuha ko ang kaniyang kamay at isinenyas na gayahin niya ang ginawa ko.
Itinaas namin ang isa sa aming mga kamay at itinapat ito sa may bintana at doon ko ito kinuhaan ng ritrato gamit ang cellphone ko. Nagtataka naman niya akong nilingon dahil sa ginawa ko kaya naman ngumuso ako at sinabing ipopost ko lang sa instagram.
@ezekielkai - just a random night to morning trip
@crystaldeguzman
Hmm, Ken? hmm? Sana all.@justkath
OMG, that's so sweet! Stay strong!
End of Flashback
Hanggang ngayong nakahiga na ako sa kama, hindi ko mapigilang 'wag mag-isip. Mayroon kasing parte sa akin na nararamdaman ang pagiging sarcastic ni kath. Siya 'yong kasama ni Aye noong hinarana niya ako sa room. They're bestfriends and we're friends. Naging close kami dahil kay Aye, boto siya sa akin before pero hindi ko lang alam ngayon.
Sa sobrang bored ko, napagdesisyunan ko na lang bumaba upang mag-grocery, habang tulak-tulak ko ang cart ay biglang may humawak dito dahil para mapasigaw ako sa gulat, habang si Ken - na siyang salarin ay nagpipigil ng tawa niya. Bwisit talaga 'to.
"Oh, anong ginagawa mo rito?" mataray na tanong ko at nginisihan naman niya ako. "Namimili ako ng pako." sagot niya na agad namang nakapagpakunot sa noo ko. Pako? sa grocery?
"Ohhhhh, patola!" Sagot niya habang tumatawa nang tumatawa. "Nakakatawa 'yon?" pikon na sagot ko, paano ang tanga-tanga ko naman kasing magtanong. Malamang nandito siya dahil mamimili rin siya. "Nandito ako upang-" hindi ko na siya pinatuloy dahil alam ko namang nang-aasar lang siya. "Oo na, oo na. Nandito ka para bumili. Bwisit ka." sagot ko sabay tulak sa cart ko.
"Oo at saka para makita ka uli!" sagot niya kaya naman napatigil ako sa pagkuha ng bacons and hotdogs para lingunin siya. "Alam mo ikaw, kahit kailan ka talaga!" sagot ko sabay silid sa mga nakuha ko sa cart, pag-angat ko ng tingin ay nakita ko naman siyang nakapamewang at masama ang titig sa akin. "Ano nanaman ba, Kennedy?" singhal ko at bigla namang lumaki ang butas ng ilong niya.
"Wow naman, Ezekiel Kai Cruz. Nagsasabi na nga ako ng totoo, nagagalit ka pa." sagot naman niya kaya hinampas ko siya ng nahawakan kong ampalaya. Tawa-tawa naman niya akong inakbayan saglit sabay kuha ng cart sa akin. "Akala ko ba bibili ka?" tanong ko at nagkibit balikat lang siya.
BINABASA MO ANG
Maybe (A SharDon FanFic Story)
FanfictionFor once in your life, did you ever heard about "Love is sweeter the second time around?" because i do and obviously, i am holding on to that. - Ezekiel Kai