Kai's POV
"Baby..."
"Baby, i'm sorry"
Paulit-ulit na rumirehistro sa isip ko ang mga mensaheng sinend ko kay Aye habang nakaupo't nakatitig lang ako sa mga taong naglalakad sa harapan ko, mga taong palabas at papasok ng condo. Nakakainip dahil dalawang oras na rin mula nang dumating ako rito at maghintay. Noong nakita ko kasi ang tweet niyang nasa PH na siya, agad akong pumunta sa condo na lilipatan sana namin noon, sigurado akong dito siya titira. Unti-unting lumilipad ang isip ko ngunit biglang nagising ang aking diwa nang marinig kong tumunog ang cellphone.
Aligaga kong hinahanap at binuksan ang twitter app ko, ngunit agad lang nangunot ang noo ko dahil sa nabasa kong reply niya."Anong ginagawa mo rito?" anong ginagawa ko rito? malamang, hinihintay siya at 'rito' ang ginamit niya, ibig sabihin nasa paligid na lang siya? Agad-agad kong iginala ang paningin ngunit bigo akong makita siya. Kaya napagdesisyunan kong tanungin kung nasaan siya, ngunit ang sagot niya lang ay nakatago siya at ayaw niya akong makita. Nanlulumo man, pinilit kong ngumiti, iniisip ko kasing nasa paligid lang siya at nakikita niya ako. Hindi niya puwedeng makita na pinanghihinaan ako ng loob.
Last na. Bulong ko sa sarili. Nakangiti pa rin akong nagtipa ng mensahe, ang sabi ko'y "baby, isang hug lang, please?" ngunit wala pang isang minuto'y sumagot na siya... Gaya ng inaasahan, masakit ang kaniyang naging tugon, masakit pero hindi sapat para sumuko ako.
"Stop calling me that. Matagal na tayong tapos."
Mapait akong napangiti. Sana gaya niya, tanggap ko na rin na tapos na kami. With a heavy heart, tumayo ako at lumapit kay Kuya Nestor, 'yong guard na nakatoka sa building na 'to. "Kuya, aalis na po ako. Salamat po at hinayaan niyo akong manatili rito." pagpapaalam ko, agad naman siyang tumango, malaki ang pagkakangiti. "Ito naman si Ma'am Kai, parang others! Wala pong anuman, mag-iingat po kayo ma'am ha! Balik na lang po kayo mamaya, baka po nasa biyahe pa lang si Sir." Hindi na lang ako nagpahalata na ayaw akong makita ni aye, nakangiti akong tumango sa kaniya at saka tumalikod at umalis.
Nang makauwi ay magcha-chat sana ako sa kaniya ngunit nakita kong kakatweet niya lang - na alam kong para sa akin dahil punong-puno ng pagka-irita ang iisang pangungusap na ito. He tweeted "Stop messing around." Now, i am a mess, huh? nagugulo ko na ba siya? tanong ko sa sarili. Sa halip na magpadala ng mensahe ay ibinulong ko na lang sa hangin ang nararamdaman ko. Umaasang kahit malabo at malayo siya ay maririnig niya ako.
"I miss you, aye. I miss you." i said as i let my heart cry it out.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa sofa, kaya nama'y bawat galaw ko'y halos mapa-aray ako. Mali yata ang naging posisyon ko sa pagtulog, bwisit. Kamot-ulo akong napaisip. Dati kapag ganitong masakit ang likod ko, hindi papayag si aye na hindi niya ako hilutin. Hindi siya papayag na umaray ako ng ilang beses. Ayaw niyang nasasaktan ako... noon.. ewan ko lang ngayon.
Matapos kong kumain napagpasyahan kong pumasok sa kwarto at magkalkal ng mga gamit. Doon ko nakita ang old phone ko, kung saan puro paborito naming kanta ang nandoon. Walang pagdadalawang-isip ko itong binuksan at pinindot ang music shuffle. Kahit isang kanta lang, isa lang bulong ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
Maybe (A SharDon FanFic Story)
FanficFor once in your life, did you ever heard about "Love is sweeter the second time around?" because i do and obviously, i am holding on to that. - Ezekiel Kai