Lets be friends?

7 0 0
                                    

' LET'S BE FRIENDS'

Ayan ang keme ng mga mag ex di na matanggap na wala na sila.

Or.. Yung isa hindi pa nakaka get over, kaya nag decide na kaibiganin na lang si ex para kahit papano may communication pa din sila. In short UMAASA!

Pak na pak diba? XD

sus mga kembot niyo, alam na alam ko na yan, gawain ko yan eh! Hahaha! Ok, enough. Lets get serious. :D

Madami ang nag sasabe na kapag naging mag kaibigan ang mag past lover, maaaring mahal pa nila ang isa't isa or maybe hindi talaga sila nagmahalan.

Yan tayo eh, di natin matanggap na wala na talaga. Sinasabi natin na naka move on na tayo kya natin sila kinakaibigan..

Pero ang totoo, may kapirangot parin sa parte ng puso natin na umaasang magkakabalikan kayo pag naging mag kaibigan kayo. Kase inaakala mo na pag naging magkaibigan kayo eh may posibilidad na madevelop ulit yung feelings niyo.

Pero ang totoo mas pinapalala niyo lang yung sitwasyon, mas pinahihirapan niyo sarili niyo. Imbis na nag momove on kana eh ayan, nag aaksaya ka pa ng oras sa pakikipag kaibigan sakanya.. Alam mo na ngang di na kayo magkakabalikan, pinipilit mo pa din.

Ganito lang yan eh. Para kang nasa lugar ng napakaraming tao, masikip pero pinipilit mo pa din sumiksik sa napaka daming tao makadaan kalang.. Kase inaakala mo na kapag nakalusot ka eh magiging masaya ka.

Pero nag kakamali ka, Kasi pagkalabas mo sa pinagsiksikan mo ay may nag aantay na pader.

Gets mo ba? Sumisiksik ka sa friendship kuno na sinasabi mo kase you're expecting na may chance pa na makahinga ka ng maluwag (magkabalikan) pero pag na push mo na yung pinaghirapan mong friendship na yun magugulat ka na lang may iba na siyang mahal.

Oh ano ngayon teh?! Sayang paghihirap diba? Tungangers tayo. Pinawisan na kili-kili mo saka singit pero nabalewala lang lahat ng pagod mo.

Hollo?! May GF na oh? Anong eksena mo, asong sumusunod sa amo?! Aba matinde. Tanga ka na naman niyan.

Tama na, Nakakapagod na.. Ikaw di ka ba napapagod magpaka tanga sakanya. Iniwan ka na niya, sa tingin mo ba solusyon ang pagkakaibigan sa pagkakabalikan?! Hell no.

So.. If i were you umusod usod ka na. Marami ka pang kaibigan jan. Di siya kawalan. Kahit naman di iparamdam sayo ng iba mong kaibigan na nakikiramay sila sa bigo mong puso.. Na fe-feel mo naman na andyan sila para patawanin ka. Sa ganung paraan.. you feel better.

Wag na masyadong madrama, feel na feel mo naman ang malatelenovela mong lovelife. Bigwasan kita jan eh XD labyu!

So ayun.. Just move forward.. Kase mahihirapan ka kapag pinush mo talaga yang desisyon mo na pagkakaibigan.

Ikaw din.. Mahirap mag mahal ng patago. Masakit na kaibigan nga lang talaga turing sayo ni ex. :3 di ka nagwagi na paiibigin ulit siya. Hahaha!

Kaya tama na keme chuva chuchu ah? Aja fight. Tuloy ang ikot ng mundo!

Ang ganda ganda/ pogi pogi mo pa naman, sinasayang mo lang :3

I hope nakatulong labyu! :*

****

HeartAches.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon