Genesis
"Alam mo na ang balita?" Bungad na wika sa'kin ni William pagpasok ko sa private bar namin.
Naabutan ko siya na nagsasalin ng alak sa baso habang nakaupo sa bar stool sina Andrew, Jude at Darius.
Hindi ko siya sinagot. Napako ang atensyon ko kay Andrew na ngayon ko lang ulit nakita matapos ang dalawang taon na pananatili nito sa England.
"Andrew Villania." Hindi niya pinansin ang pagtawag ko sa kanya. Umupo ako sa kanyang tabi. Inabutan ako ni William ng isang basong alak. Inisang lagok ko ito. "Ngayon lang ulit kita nakita. Saang lupalop ka ba nakarating?"
"Bad mood 'yan," bulong sa'kin ni William. "Ikaw ba bad mood ka din ba sa nalaman mo?"
"Fuck you!"
Natawa siya. "Bad mood ka nga din. Maging ako ay magagalit kapag nalaman ko na ang taong mahal ko na akala ko ay patay na. Biglang mong makikita na humihinga at naglalakad pa." Umiling-iling siya. "Tatlo kayong nandito ngayon dahil sa babae. Malaki talagang problema ang babae."
Gusto kong matawa sa sinabi niya na akala mo'y walang problema sa pag-ibig. Ningisihan ko siya. "Sa pagkakaalam ko'y matagal ka ng may problema sa babae."
"Hindi babae ang problema ko." Naupo siya habang bagsak ang balikat. Hindi ko magawang maawa sa kanya, dahil matagal na siyang nakakaawa. "Isa siyang tomboy. Tomboy ang problema ko."
Natawa ako ng malakas. Sinamaan niya ako ng tingin. "Sorry. Matagal mo na nga palang problema 'yon. Ilan taon ka na nga bang inlabo sa bestfriend mong lesbian?"
"Kung gaano kalaki ang problema ko, gan'on din kalaki ang problema mo." Ngumisi siya na hindi ko nagustuhan. "Ayaw niyang malaman mo na buhay pa siya kaya nilihim niya sa'yo. Kung sakali 'man na ang magulang niya ang nagtago tungkol sa kanya ay dapat pinuntahan ka na niya at sinabi niyang buhay pa siya. Pero hindi niya ginawa dahil ayaw na niya sa'yo."
Mabilis niyang nailag ang naibato kong baso sa kanya. Humalakhak siya na tila nasisiya na ako'y napipikon.
"Anong problema din ng isang 'to?" Tukoy ko kay Jude na tahimik umiinom ng alak.
"Babae din. Ayaw na din ng girlfriend niya sa kanya kagaya mo din. Ayaw na rin niya sa'yo," sagot ni William.
"Alam ko. Paulit-ulit?!" Masakit na nga. "Anong nangyari?" Balik na usapan ko tungkol kay Jude.
"Dinala niya sa isla 'yung babae."
"Kinidnap mo?" Seryuso?!
Tumango si William. "Ayaw pakinggan ni Daisy ang paliwanag niya kaya kinidnap niya at dinala sa isla. Iniwan niya doon. Sigurado ako galit na galit ngayon so Daisy."
"Daisy pala ang pangalan niya." Tumango-tango ako.
"Kaya ikaw pre. Kapag ayaw niya sa'yo at ayaw ka niyang kausapin. Kidnapin mo din at dalhin sa isla, para magkasama silang dalawa. Mga matitigas ang ulo."
"Bakit kaya hindi mo gawin 'yon sa bestfriend mo? Para tapos ang problema mo. Buntisin mo para hindi siya makawala." Ang galing magsalita ng Lamares na ito. Hindi naman niya magawa sa kanyang sarili.
"May sa bulkan ang babaeng 'yon. Para siyang lalaki. Ang galing sumipa, ang galing manuntok, ang galing manampal. Talo pa ako." Bumuntong hininga siya. "Hindi pa nga kami mag-asawa, bugbog sarado na agad ako."
Umiling-iling ako. "Itong isa sa tabi ko? Babae din?"
"Yes. Babae din. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi niya mahal ito." Nilagay ni William ang isang magazine sa harapan ko. Tinuro niya ang isang babaeng katabi ni Zeffy sa larawan. "Her name is Amethyst Del Real. Anak ng babaeng pumatay sa magulang niya."
![](https://img.wattpad.com/cover/179972865-288-k238498.jpg)
BINABASA MO ANG
SPG 3: PASSIONATE ENCOUNTER
Художественная прозаWARNING: SPG| R18 | RESTRICTED SYNOPSIS: Dalawang araw bago namatay ang kanyang Lolo nang sabihin ng kanyang ina na nag-asawa itong muli. Noong una ay wala siyang pakialam, ngunit nang nalaman niya na hindi siya ang taga-pagmana kundi ang bago nit...