Unedited po ito. Tinamad na akong mag-edit. Enjoy reading. Sana maintindihan ninyo kapag binasa ninyo.
Zeforrah
Nagtataka 'man kung bakit ako pinasuot ni Manang Esther ng puting damit, maging ang sapatos ay puti. Sinawalang bahala ko na lang. Paggising ko kasi ay pinaligo agad ako ni Manang Esther. Sinuot din ako ng korona na gawa sa bulaklak. Ang mga katulong ang nagmaka-up sa'kin.
"Manang Esther, ano bang meron?" Tanong ko.
Nagtataka na ako sa kinikilos nila. Parang aligaga sila at nagmamadali. Agang-aga ay hindi na mapakali ang mga katulong, maging ang hasyendero.
"Sumakay na po kayo, senyora. Naghihintay si Senyor sa inyo." May kalesa sa harapan ko na puti ang kulay ng dalawang kabayo.
"Si Genesis? Nasaan siya? Gusto ko siyang makausap." Madami pa kaming dapat pag-usapan. Basta na lang siya umalis ng hindi nagpapaalam. Iniwan ang mag-ina sa puder ko.
"Naghihintay po siya sa inyo, Senyora kaya sumakay na po kayo."
Bumuntong hininga ako. Saka sumakay. Pinausad agad 'yon ng nagpapatakbo ng kabayo. Hinayaan ko na lang siya kung saan 'man ako dalhin.
Huminto ito sa mga taong tila nagtitipon. Mukhang may inihahandang seremonya dito. Hindi pa naman ngayon ang pyesta.
"Nandito na si Senyora," sigaw ng isang hasyendero nang makita niya ako.
May batang nagbigay sa'kin ng bulaklak. Nagtataka man ay malugod ko itong tinanggap. Nagbigay ng daan ang mga tao. May naghila sa'king babae upang ako ay maglakad.
Medyo nagulat pa ako at namangha nang pinapaulanan nila ako ng mga petals na bulaklak kada maglalakad ako.
Ngumingiti na pala ako habang may mga bulaklak na tumatama sa ulunan ko. Napatigil ako nang makita ko si Genesis na nakatalikod sa'kin. Kagaya ko ay puting kasuotan din ang suot nito. May ngiti siya sa labi nang humarap siya sa'kin. Nag-init ang aking mga mata. Gusto kong maiyak. Inaamin ko na namiss ko siya. Ramdam ko ang pangungulila ko sa kanya. Hindi 'yon maitatago.
Tumulo na pala ang aking luha sa mga mata nang naglakad ako palapit sa kanya. Agad niya akong dinaluhan. May pag-aalala sa kanyang mukha.
"Why are you crying?" Nag-aalalang tanong nito.
Hinampas ko siya sa balikat na kinadaing nito. Hindi ko magawang magalit sa kanya ngayon. Nangingibaw ang saya ng aking puso dahil nakita ko siya ngayon. Kahit hindi niya ako mahal ay okay na sa'kin ang makita siya. Hindi ko pala kaya na hindi makita ang gwapong mukha niya kahit isang araw lang. Masakit. Mabigat sa dibdib. Ang rupok ko pagdating sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang?" Naiiyak kong tanong. Hindi ko pinansin ang mga taong nagtatawanan habang nakikinig at nanonood sa'min.
"I'm sorry. May importante lang akong ginawa." Hinawakan niya ako sa baywang upang hapitin palapit sa kanya. "Ngayon na nandito na ako. Hindi na ulit kita iiwan."
Niyakap ko siya. Sumubsob ako sa matipuno niyang dibdib. Ayaw kong makita niya na umiiyak ako. Ang hina. Ang hina-hina ko pagdating sa kanya. Ang dali kong bumigay. Dahil mahal ko siya. Ang hirap kapag wala siya sa tabi ko. Nasanay na ako. Ayaw kong masanay pero hinahanap-hanap ko na siya.
Mahina ko siyang sinuntok sa dibdib. "Ano bang pakulo ito?"
"We're getting married."
Napatingala ako sa sinabi niya. Bahagya akong lumayo. "Kasal?"
"Yeah. Wala tayong proper na kasal. Basta lang tayo nagkapirmahan. So, ngayon, gusto kong magpakasal sa'yo nang hindi ako napipilitan."
"Paano si Isabel? Ang anak n'yo?"
BINABASA MO ANG
SPG 3: PASSIONATE ENCOUNTER
Ficción GeneralWARNING: SPG| R18 | RESTRICTED SYNOPSIS: Dalawang araw bago namatay ang kanyang Lolo nang sabihin ng kanyang ina na nag-asawa itong muli. Noong una ay wala siyang pakialam, ngunit nang nalaman niya na hindi siya ang taga-pagmana kundi ang bago nit...