CHAPTER 8
Pagod na pagod kaming apat na naupo sa pahingahan pagkatapos naming magpakain ng kabayo at maglinis ng mga dumit nila. Napangisi ako ng makitang hingal na hingal ang tatlo at pawisan ang mga mukha. Hinubad ni Jude ang suot na itim na buta habang napasandal sa upuan.
"Kung alam ko lang na paglilinisin mo ako ng mga alaga mo dito. Hindi na sana ako nagpunta."
Tumawa lang ako. "Pumayag naman kayo. Sabi n'yo bored na bored na kayo dito. Ayaw n'yo pang umuwi, kaya 'yan para may gawin naman kayo dito. Pakain ko na nga kayo at libre room pa with aircon."
"Uuwi na talaga ako mamaya, baka utusan mo pa akong magpakain ng baboy n'yo," wika ni Maru habang pinapaypay ang sarili gamit ang sumbrerong abaniko.
"Ayaw n'yo 'yon. Sikat na ulit tayo sa TV," sabat ni Darius habang nagpopose sa harap ng camera. Inutusan kasi niya ang isang trabahador na kuhunan sila ng video at picture tapos ipapabalita ni Maru sa channel niya. "Dapat gwapo ako diyan."
Naiiling-iling lang ako. Bakit ko ba naging kaibigan ang kumag na 'to? "Kamusta na nga pala si Nyke?" Tanong ko sa kanila.
"Kakaalis lang galing hospital. Hindi pa nga magaling ang sugat niya, hinampas na agad siya ni Prime ng latigo," sagot ni Jude.
"Punishment 'yon kasi nilabag niya ang rule natin," wika ni Maru. "Rule number 1. Don't fall in love with anyone while you're still the member of SPG."
"If you fall in love, there's a punishment na nakahanda sa'yo," pagpapatuloy ni Darius. "Katulad ng nangyari kay Aleck nang pinili niya si Nathalia."
Si Nathalia ay asawa ni Aleck at si Aleck ang unang nakaranas ng punishment sa'ming lahat dahil sa biglaang pag-aasawa niya.
"Kaya ikaw, alam mo na ang mangyayari sa'yo," sabi sa'kin ni Jude. "Ihanda mo na 'yang likod mo."
"Ako lang ba ang maghahanda?" Nakangising kong tanong. "Ako ang unang tatawa at magpa-party pa ako 'pag tinamaan ka ni kupido."
"Wala kang ihahandang party, dude," confident na wika niya. "Ako ang hindi mag-aasawa sa grupo natin. Hindi ko mamaranasan ang latigo ni Prime."
"Hihintayin ko ang araw na 'yon," wika ko. Magpapafire-works pa ako 'pag nalaman kong ikakasal 'tong gago na ito.
"Wala kang hihintayin na araw, bro. Dahil hindi mangyayari ang iniisip mo," mayabang niyang wika.
"Sino kayang next na malalatigo ni Prime?" Curious na tanong ni Darius." Hula ko si William."
"Bakit mo nasabi?" Tanong ni Maru.
"Patay na patay 'yon sa bestfriend niyang tomboy," sagot ni Darius.
"Naunang nagpakasal sa'tin si Calden pero hindi siya nakatikim ng hampas ni Prime," ani Jude.
Una ngang kinasal si Calden sa kanila tatlong taon na ang nakaraan. Isa 'yong sekretong kasal, tanging kaming mga kaibigan niya at magulang nila ang nakakaalam na kasal na si Calden. Hindi niya pinaalam sa publiko.
"Ang sabi sa rule, don't fall in love. Walang sinabi na huwag kang magpakasal, saka walang namagitan sa mag-asawa. It's fixed marriage, anyway," wika ni Darius. "Saka palangiti lang 'yang si Calden pero malihim ang gagong 'yon. Ni hindi mo malaman kung anong pumapasok sa utak niya. Marami siyang sikreto na hindi sinasabi sa'tin."
"Lahat naman tayo may mga sikreto," Ani Maru. "May mga sikretong nakabaon."
"Parang hindi ko ata gusto 'yung sinabi mo, Sevilla?" Ani Jude.
"Ang alin? Iyong nakabaon?" Kunot noong tanong ni Maru. "Fuck, man! Pagdating talaga sa bagay na 'yon. Ang sigla mo."
Natawa lang si Jude.
BINABASA MO ANG
SPG 3: PASSIONATE ENCOUNTER
Ficción GeneralWARNING: SPG| R18 | RESTRICTED SYNOPSIS: Dalawang araw bago namatay ang kanyang Lolo nang sabihin ng kanyang ina na nag-asawa itong muli. Noong una ay wala siyang pakialam, ngunit nang nalaman niya na hindi siya ang taga-pagmana kundi ang bago nit...