GENESIS
Makalipas ang isang taon...
Kamusta ka na? Isang taon na pala. Isang taon na ang lumipas iwan mo ako. Isang taon na din akong nangungulila sa'yo. I miss you, babe. I really miss you. Kung pagbibigyan 'man ako ng pagkakataon na humiling. Isang hiling lang. Isang hiling na alam kong hindi matutupad ay ang makasama ka. Pero kahit malabo, kahit impossible, gusto ko pa din hilingin sa dyos na ibalik ka niya sa'kin.
I'm really really sorry. I know sorry is not enough. Dahil hindi na muling maibabalik ang buhay mo sa isang sorry lang o kahit paulit-ulit akong humingi ng tawad. I'm sorry, at habang buhay kong dadalhin ang pagsisisi sa puso ko. Wala ng magagawa ang sana... ang sana kapiling pa kita. Kundi dahil sa kagaguhan ko, sana'y nandito ka pa. Sana nandito ka pa sa tabi ko.
I love you. Mahal na mahal kita, at habang buhay kitang mamahalin kahit wala ka na, Zeforrah.
"Mommy."
Tipid akong napangiti sa binanggit ng aking anak. Nakangiti ako ngunit malungkot ang mga mata. Alam kong miss ng anak ko ang ina niyang si Isabel.
"Miss ka na rin ng mommy mo." Niyakap ko siya ng mahigpit. Pinipigilan ang mapaluha. "Miss ko na rin siya."
Araw-araw kong dinadalaw ang puntod ni Isabel para kay Balerrina. Nangungulila sa ina si Balerrina. Wala akong magawa bilang ama, kundi ang yakapin siya. Hindi ko masabi sa isang tatlong taong gulang ang sitwasyon ngayon dahil hindi pa niya maiintindihan na si Isabel ay hindi babalik.
"Dadalawin ulit natin si mommy, bukas."
Tumayo ako ng tuwid saka hinawakan ang maliit niyang kamay upang alalayin siyang maglakad.
"Ta'n ti mommy?" Inosenteng tanong niya.
Mapait akong ngumiti. "Nasa heaven kasama ng Tita Zeforrah mo."
"Kailan lik ti mommy?" (Kailan balik si mommy?)
"Malapit na." Hindi ko gustong umasa ang bata pero hindi ko kayang ipaliwanag sa kanya. Hindi ko kayang makitang nasasaktan siya. Binuhat ko siya. "Kain na lang tayo ng ice cream. Do you want ice cream, sweety?"
"Ite ceam."
Natawa ako sa kanya. Ang cute niya kung magsalita. Bulol.
"Yes, sweety. Ice cream."
Naghihintay sa'min ang Yaya niyang si Manang Esther. Si Manang ang Esther ang kinuha kong mag-aalaga kay Balerrina. Naging malapit ang bata kay Manang noong panahong hindi ko siya kayang alagaan.
Binigay ko kay Manang Esther si Balerrina nang makarating kami sa paradahan kung nasaan ang kotse ko. Naunang sumakay ang dalawa sa back seat, habang naghihintay sila sa'kin.
Sinagot ko muna ang tawag ni Jude dahil kanina pang tumutunog ang aking cellphone.
Hindi muna ako pumasok sa sasakyan. "What's your fucking problem, Esquivar?"
"I have something to tell you. Dapat mo itong malaman. Bumalik ka ngayon din dito sa Maynila. I'll wait you."
"Bakit hindi mo ngayon sabihin? Huwag mo akong pinag-iintay, Esquivar."
"This is important. Sigurado ako na kapag nalaman mo ay magbabago ang buhay mo."
"Kung tungkol 'yan sa paghahanap sa bagong mommy ni Balerrina. I don't fucking care! Hindi kailangan ni Balerrina ng bagong nommy. Understand, Esquivar." Simula kasi ng namatay si Isabel ay nagsimula na rin ang mga gago kong kaibigan sa paghahanap ng magiging ina ni Balerrina. Hindi daw kuno kumpleto ang bata kapag walang ina.
BINABASA MO ANG
SPG 3: PASSIONATE ENCOUNTER
Ficción GeneralWARNING: SPG| R18 | RESTRICTED SYNOPSIS: Dalawang araw bago namatay ang kanyang Lolo nang sabihin ng kanyang ina na nag-asawa itong muli. Noong una ay wala siyang pakialam, ngunit nang nalaman niya na hindi siya ang taga-pagmana kundi ang bago nit...