2

972 50 1
                                    

Kinabukasan ay puyat akong pumasok sa school..

Umupo agad ako sa upuan at pumangalumbaba. Inaantok ako!

Habang nag aantay sa teacher namin ay may nag bagsak ng bag sa tabi ko kaya agad akong napalingon.

Umirap sa kawalan si Third "Famous" panunuya niya nang hindi ako tinitignan

"ha?"

"ha?hakdog! Anong pinag uusapan niyo?" sabat nang hindi ko napansin na si Sam.

"Wala! Bumalik ka nalang sa upuan mo" sabay sabi ni Third nang hindi tinatanggal ang tingin sa libro

"opo mukhang paa"  natatawang sabi ni Sam habang pabalik sa upuan niya. Hahaha lt talaga tong babaeng to

"Anong itinatawa mo?" maangas niyang tanong,napailing nalang ako.

"Ano nga pa lang sinabi mo kanina?"

"nothing" sagot niya. Kukulitin ko pa sana kaso dumating na si Maam Del Rosario kaya di na natuloy.

.

.

.

.

Pag tunog ng bell na hudyat na tapos na ang morning class ay nag kanya kanyang sibat na ang mga kaklase namin.

"Frank Canteen ba ulit?" Samantha habang pinapasok niya ang mga libro sa ilalim ng mesa

"Crispy king nalang siguro?" suggest ko

"Franky unhealthy yun e,you know oil,colesterol,duh" sabi niya sabay paikot ng mata. Arte!

"Sisigan tayo,my treat" Nagulat kami pareho ni Sam nang sumabat si Third. Nauna siyang maglakad at naka sunod lang kami ni Sam.

"Third saan yun?sasakay ba?" tanong ni Sam

"Nope,walking distance lang" nauna na siyang maglakad. Si Sam naman ay panay kalikot sa bag niya

"Asan na ba yung payong?tsk ang init pa naman" reklamo niya

"E kung sumakay ka nalang kaya?antayin mo nalang kami dun" suggest ko

"neknek mo Franky! Para ano masolo mo si Third the mukhang paa? Ikaw ahhhh yeeiii" tingnan mo 'tong bulok na 'to nang asar pa

"Nag suggest lang ako,kung maka pang asar ka! Tsaka bakit mo'ko inaasar sa kaniya? Sayo na yun" at nauna na akong maglakad. Asarin ba naman ako!

"Babe wait for me!!!" sigaw ng baliw na Sam kaya nag si lingunan ang mga tumatawid sa Kalsada pati na rin si Third napalingon. Papansin talaga 'tong bulok na 'to!

No choice ako kundi hintayin siya at baka sumigaw ulit,mapagkamalan pa kami.

"Ang sweet ka inggit"

"Ang pogi naman ni Kuya kahit ang liit ang cute cute pa rin ang swerte ni Ate"

Narinig kong bulungan ng mga high school sa likod ko. Nilingon ko sila baka nag aassume lang ako pero nag iwas sila ng tingin sabay alis. So kami talaga yung pinag tsitsismisan ni Sam. Pahamak talaga 'tong bulok na 'to!

"Sam tumahimik ka nga,napagkakamalan tayo" sabi ko sa kaniya nang maka lapit siya sakin.

"Hayaan mo na,atleast iniisip nila na may boyfriend akong pogi no. Hahahaha kainggitan nila ako. Bakit ba kasi ang pogi at ang-- nevermind ang liit mo nga pala pero ang gwapo at ang cute mo hihihi" sabi niya habang pinipisil ang braso ko,ikinawit niya ang braso niya sa braso ko at bumulong,"kung wala ka lang talagang dugong berde,ako pa nanligaw sayo" sasawayin ko pa sana siya pero sumigaw si Third na halatang irita na. "Ang bagal niyo,nagugutom na ako!" binilisan namin ni Sam yung mga lakad namin para maabutan siya.

Ilang hakbang ay narating na rin namin ang sisigan at di ko inaasahan na ang dami palang estudyante galing sa school namin na dito kumakain.

"Ang daming tao" Ani Sam.

"Nakikita namin" pambara ni Third saka naghanap ng mauupan. Natatawa kong nilingon si Sam.

"Konti nalang talaga Frank" nanliliit mata niyang sabi.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko

"Hahalikan ko na siya hihihi nakaka attract talaga pag masungit medyo barumbado nga lang sumagot tch!" natawa nalang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga.

Suminyas si Third na lumapit kami sa kaniya nang may nahanap na siyang upuan.

Pagkaupo namin ay tinawag agad ni Third yung serbidora, "Tatlong order nga ng sisig ate tsaka softdrinks" tumingin siya sa amin, "Anong softdrinks niyo?" si samantha ang sumagot, "Di kami nag sosoftdrinks Third,ako bawal 'coz I'm on a diet. Si Frank bawal sa malamig dahil vocalist yan" pagkatapos sumagot ni Sam ay sumulyap si Third sa akin at tumingin sa Serbidora "Sprite at tubig manang yung di malamig" umalis na ang serbidora upang ihanda ang order.

Habang nag hihintay na dumating yung order ay nagsalita si Third, "Kumakanta ka pala?" Tanong niya sakin habang nakatingin. Di ko siya magawang titigan dahil naiilang ako sa tingin niya. Sasagot na sana ako kaao inunahan ako ni Sam.

"Oo vocalist yan ng banda ng School natin,gusto niya talagang humawak ng Microphone,diba Frank?gustong gusto mong humawak ng MICROPHONE"

idinutdot pa niya sa mukha ko yung mukha niya habang sinasabi yung MICROPHONE. Itinulak ko ang mukha niya saka tinignan ang naka kunot noong mukha ni Third. "Wag mo nang pansinin yan,di pa yan nakakain" sabi ko

Habang hinihintay ang pagkain ay nakapagkwentuhan kami. Nagkukwento rin si Third sa buhay niya. Actually,hindi naman pala siya cold person. Sabi niya,ganun lang daw siya pag unang pagkikita. Si Sam panay tanong sa kaniya kaya marami na rin kaming nalalaman tungkol sa kaniya. Una, hindi siya mahilig sa maaanghang. Pangalawa, mahilig siyang maglaro ng basketball. At yung mga personal na tanong ay hindi niya sinasagot. Naiintindihan ko naman,si Sam lang talaga yung panay tanong.

Maya maya lang ay dumating na ang order namin. Habang kumakain kami ay panay puri si Sam sa pagkain parang nag fo-food review lang. "Hmmmm ang sarap Third! Shit bakit di na'tin to na discover Frank? Ang sarap at unli rice pa!  nakooo sira diet ko" Tama si Sam,masarap nga ang Sisig dito.

Nauna akong natapos sa pag kain sunod si Third habang itong si Sam ay nakaka tatlong unli Rice na. "Ang sarap talaga!!!" sabi niya habang puno pa ang bibig.  Inilabas ko ang wallet para magbayad pero di ko pala alam kung magkano. "Ah Third magkano pala?" tanong ko sa kaniya,kunot noo niya naman akong binalingan. "Sabi ko my treat diba? I have money,dont insult me bro" sabi niya tayo at nagbayad. Ibinalik ko nalang ang wallet sa bulsa ko.

"Ouch bro-zoned hahahhaa huk-"  ayan buti nga nabilaukan. "F-frank t-tubig...huk" sabi niya habang hinahampas ang dibdib niya. Kinuha ko ang tubig,"ito?" ipinakita ko sa kaniya at mabilis naman siyang tumango. Ininom ko ito sa harap niya at inubos. Saktong bumalik si Third  kaya sa kaniya siya humingi ng tubig. Nag dirty finger pa si Sam sakin habang umiinom. Buti nga sayo!

Naglakad ulit kami pabalik sa school at sakto namang pagkarating namin sa room ay dumating na yung prof.

Habang nagtuturo si Sir sa harap ay may isinulat si Third sa papel at ipinasa sa akin

Accept. Friend req. Output

Yan yung nakalagay sa papel

Sumulat din ako sa likod ng papel ng " okay" at ipinasa sa kaniya. Di na siya nagsulat at sa halip ay tumingin na sa harap.

Natapos ang afternoon class namin at as usual nag mall na naman si Sam upang dun daw kumain. Si Third naman,ewan kung saan nagpunta di naman nag paalam kung aalis na. Ako naman ay dumiretso na pauwi.

Habang nakahilata sa kama ay naalala ko yung friend request ni Third kaya kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang facebook upang iaccept siya. Kinlick ko yung profile niya para istalk siya.  Pinindot ko yung profile picture niya. Naka suot siya ng white T-shirt na may nakalagay na "Bill & AL's EXCELLENT" at may suot din siyang sunglasses habang naka taas ang kilay sa Camera. Walang Caption yung profile picture pero may 972 reacts at 154 comments may dalawa pang nag share. Sino sa'ting dalawa yung famous ngayon ha?
Puro tungkol sa basketball at kaonting memes lang ang nasa tl niya. Habang nang sstalk ay biglang nag pop up yung messenger at lumabas yung icon niya. Binuksan ko ito.

Third Sebastian Fattadon is waving at you

Waves of Rainbow ( Boys love Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon