17

638 31 2
                                    

Kinain niya ang mga prutas na binalatan ko habang ako naman ang busy sa pagpupunas ng paa niya.

"Frank tigilan mo nga yan. Nakakahiya" binawi niya ang kaliwang paa.

Kinuha ko ulit ito, "Kagagaling mo lang sa laro,madumi o tingnan mo" biro ko sa kaniya habang pinapakita ang basahan.

Sumimangot siya, "Madumi lang dahil sa sapatos pero di naman mabaho ah?"

"Sinabi ko bang mabaho?"

Sumimangot lang siya habang pa darag na sinusubo ang mansanas. Ako naman ay napapailing habang pinagpatuloy ang pag pupunas ng paa niya.

"Bakit pala kayo nagkainitan kanina?" tanong ko sa kaniya pambasag sa katahimikan.

"Ang bobo e! Nagalit ba naman dahil hinarangan ko! Ang bobo!" asik niya habang umiiling.

"Lakas pala nung pagkaka suntok mo ah!"

Tumawa ako.

"Salamat ah"

Tumingin ako sa kaniya.

"Para saan?"

Yumuko siya

"Para dito,sa pagtulong sa 'kin. Pati na rin sa parents mo."

"Wala yun. Di ka na rin iba sa amin. Tsaka ang dami na ring beses na tinulungan mo ako,ganun naman talaga pag magkaibigan diba?"

Ngumiti ako sa kaniya kaya napangiti rin siya.

"Matulog ka na. Dadaan pa tayo sa inyo para kumuha ng mga damit mo"

"Ah oo nga pala,saan ako matutulog sa inyo?"

"Edi sa kwarto ko" sagot ko.

Ngumisi siya, "Okay... Good night Frank"

"good night"

Maaga akong nagising dahil maagang dumating si Papa. Si Third naman ay tulog pa.

"Pupunta muna ako sa Cashier para magbayad. Gisingin mo muna yan para maka kain na. Aalis na tayo" aniya saka lumabas.

Tinignan ko ang mukha niyang mahimbing pa rin sa pagkakatulog.

Ayaw ko mang gisingin pero kailangan dahil hindi pa siya kumakain pasado alas otso na.

"Third...Third" hindi siya natinag sa unang tawag ko pero umungol lang siya sa pangalawa.

"Gising na! Kakain ka pa,tsaka pupunta pa tayo sa inyo diba?" sabi ko habang niyuyugyog siya sa balikat.

Unti unting dumilat ang mata niya kaya agad kong kinuha ang bowl na may lamang sopas,pinagluto siya ni Mama.

"Kumain ka muna" Sabi ko habang hinihipan ang mainit na sopas.

"Ako na" inagaw niya ang kutsara pero agad ko itong kinuha pabalik.

"Ako na para mas mabilis" wala na siyang naggawa kundi ang ngumanga sa bawat subo.

Saktong pagkaubos ng sopas ay siyang pagdating ni Papa.

"Nabayaran ko na ang bill kaya makaka alis na tayo" aniya

Nahihiya namang napatingin sa kaniya si Third.

"Maraming salamat po Tito. Naka abala pa po ako"

"Hindi ka naman abala ijo. Ang mahal ng anak ko ay mahal ko na rin"

Lumaki ang mata ko at sabay kamkng tumingin kay papa..

"Po?/Papa?" sabay naming sambit.

Naguguluhan naman si papang umiling, "Ang ibig kong sabihin,kung sinong kaibigan ng anak ko ay ituturing ko na rin anak." ngumiti siya "Sa bahay ka nalang maligo,may pupuntang nurse dito para tanggalin yang dextorse mo. Sa baba nalang ako mag hihintay,sa entrance na kayo. Kukunin ko lang ang sasakyan" aniya saka umalis.

Waves of Rainbow ( Boys love Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon