13

643 30 0
                                    

Pagkaupo ko ay siyang pag pito ng referee. He's true to his words. Pumasok na nga siya ng court.

Nasa kabila ang bola.. Ipapasa na sana nung may hawak nang biglang tinapik ni Jude yung bola at agad na nagdribol. Ipinasa niya ito kay Erikson na agad ipinasa kay Third na malapit sa ring at agad nag dunk.

Naghiyawan ang mga tao at sinisigaw ang pangalan ni Third.

"Famous na ang lolo mo" bulong ni Sam na agad nalunod ng sigawan.

Nasa kabila ulit ang bola at naghahanap ng tyempo para makalusot sa nagbabantay na si Erikson.  Ipapasa na sana niya ito nang maagaw ni Adrian ang bola na hindi nila napansin na nakalapit. Agad niyang itinakbo ang bola at pinasa kay Third na agad ishinoot.

3 points

Naghiyawan na naman ang mga tao habang si Coach ay napatayo.

"Ay ganun? Pagkatapos mag galit galitan kanina ngayon magpapasikat?" rinig kong bulong ni Sam

Hindi ko siya pinansin dahil naka focus ako sa laro. Aaminin ko,bilib ako sa galing niyang maglaro.

Gusto ko mang manatiling kumalma ay hindi ko naggawa dahil napapatayo rin ako kasama si Sam sa tuwing nakaka shoot o naaagaw ni Third ang bola.

Mabilis ang naging takbo ng laro.

Pagdating ng Fourth quarter ay mas lalo itong uminit. Kitang kita sa mga kilos ng kalaban na gustong gusto nilang manalo,pero pinantayan din ng kupunan namin ang kanilang determinasyon.

Maraming beses na nag time-out. May na foul out pa nga pero sa huli kami pa rin ang nag wagi.

89-101

Ang naging score,panalo kami. At halos siguro ng  puntos ay galing kay Third.

Di ko maiwasang mapangiti..

Nakangiti naman siyang tumingin sa gawi namin.

Binigyan ko siya ng thumbs up habang si Mama at Sam ay nagyakapan pa habang tumatalon at nagsisisigaw.

Bumaba kami at sinalubong siya.

"Third!!!! Ang galing mo!!!!!!!" sinalubong siya ng yakap at halik sa pisnge ni Sam.

"Sam pawisan ako" reklamo niya kaya agad bumitaw si Sam.

"Ito naman"

Ginulo niya ang buhok ni Sam saka tumingin kila Mama.

"Thank you po sa pagpunta" nakangiti niyang sambit.

"No worries ijo. Gusto rin talaga naming mapanood ka. Ang galing galing mo" nakangiti pang sabi ni Mama.

"Nag galing mo kuya Third. Turuan mo ako next time ha?" Fred

Tumawa at tumango si Third, "sge next time"

"You are really good. I'm impressed." nakangiting papuri ni papa.

Napangiti ako habang nakangiting napayuko naman si Third. Nahihiya.

"Thank you po"

" O siya siya,let's go. Mag early lunch nalang tayo then we'll buy snacks para di kayo gutomin mamaya.  Tutugtog pa sila Frank,kain muna tayo. Sam,Third, Sumama na kayo" Anyaya ni Mama na di naman nila tinanggihan.

"Ma I need to be here  wala pang 1. Mag seset up pa kami" sabi ko habang hinihintay si Third na matapos magbihis.

"Okay,sisiguraduhin naming nandito na wala pang one,okay? For now kailangan na 'ting mag celebrate dahil nanalo kayo sa game 1" excited niyang sabi.

Waves of Rainbow ( Boys love Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon