16

672 28 1
                                    

Nasa kalagitnaan pa lang kami ay naubos na ang isang box ng pizza habang ang isa ay nasa ref nilagay. Si Sam nakatulog dahil masakit pa rin daw ang ulo niya dahil kagabi. Ako naman ay tutok sa pinapanood.

Natapos ang palabas pero nakatulala pa rin ako habang tinitignan ang mga pangalan ng mga character ng palabas.

"Ang panget,nakakabitin. E kung inamin nalang kaya nung babae yung nararamdaman niya para mas humaba yung estorya at hindi na siya nasaktan pa" biglang sabat ni Third.

Tiningnan ko siya, "Hindi niya inamin kasi natatakot siya. Natatakot siya sa sasabihin ng ibang tao. Natatakot siya dahil baka mag iba ang tingin nung mga tao sa lalake. Kaya niyang mahalin ng palihim ang lalake di lang ito mahusgahan ng ibang tao" sagot ko. Sa palabas kasi isang proste ang babae habang anak naman sa kilalang pamilya ang lalake. Naging magkaibigan sila at binigyan siya ng maganda at disenteng trabaho nung lalake. Naging magkaibigan sila hanggang sa nahulog ang loob ng babae sa lalake,kaya nga lang ayaw niyang sabihin dahil alam niyang hinding hindi siya mamahalin pabalik ng lalake. Iniwasan niya ito dahil nahuhusgahan na ang lalake dahil sa pagiging malapit nila. Hindi niya rin masabi ang kaniyang nararamdaman. Pero sa huli,nasabi niya rin ito at doon natapos ang palabas.

"Bakit ba kasi siya nagpadala sa takot? E ano naman kung ano ang sasabihin ng iba? Ang importante nasabi niya yung nararamdaman niya. Bakit ba kasi pinapangunahan ang mga mangyayari? Pano kung mahal rin pala siya ng lalake? Hays ka badtrip" Aniya saka tumayo at kumuha ng tubig.

Napatulala ako sa sinabi niya.

Hindi mo kasi naiintindihan Third. Hindi mo naiintintindihan...

Pagkauwi ay agad agad akong natulog.
Maaga din akong naggising dahil ayun kay Sam maraming manood ngayon dahil finals na kaya kailangan naming maging maaga para makahanap ng upuan.

Pagkatapos maligo ay nag suot ako ng white mermaid printed over sized shirt na pinaresan ko ng maong shorts na above the knee at padded strap sandals. Nagsuot rin ako ng black cap at saka umalis ng bahay.

9:00 nasa school na ako at hinihintay si Sam sa labas ng gym.

Ilang sandali pa ay dumating na rin si Sam na suot pa ang T-Shirt ng strand namin at high waist short habang naka white sneakers. May dala dala pa siyang dalawang gatorade at isang box ng donut.

Kinuha ko ito at pumasok na kami ng gym. Pagpasok ay kaunti pa lang ang tao at ang mga player naman ay nag wawarm up pa lang. Nahanap namin ang upuan na may pinaka magandang view. Hindi kalayuan at hindi rin masyadong malapit sa court.

Agad naming namataan si Third na nakatali pa ang buhok. Napatawa ako sa hitsura niya ganun din si Sam.

Nang namataan niya kami ay agad agad siyang lumapit sa amin..

"Oh" ibinigay ko ang isang gatorade sa kaniya.

Agad naman niya itong tinanggap,"Salamat"

"Ah pinapasabi nga pala nila Mama na Goodluck at sorry dahil hindi sila makakapunta dahil may urgent meeting" sabi ko

"Ayos lang,salamat."

Hindi siya nagtagal at bumalik ulit sa pag wawarm up. Matinding laban ito dahil dito kukuha ng mga players para ilaban sa ibang school para sa Siglaro. Makikita mo sa bawat kupunan na determinado talaga silang manalo.

Sana manalo kami....

Maya maya lang ay dumagsa na ang mga tao at napuno agad ang mga bakanteng upuan kanina.

Limang minuto at nagsimula na ang laro.

Agad agad silang pumwesto para sa jumpball at nag hihintay ng hudyat ng referee.
Agad na tapik ni Third ang bola at napunta sa kupunan nila.

Waves of Rainbow ( Boys love Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon