Chapter II|2nd Note
Heavenly Bodies
The same thing happened everyday. Hindi naman niya ako natatapunan ng mga iniinom niya pero madalas ko siyang nasusungitan dahil sa pagiging clumsy niya. Noong isang araw nga lang ay nadulas siya mula sa ikalawang baitang ng hagdan habang nasa pinakababa naman ako kaya nadaganan niya ako at dinala pa namin siya sa infirmary dahil sa paa niya.
"Hoy," tawag sa akin ni James.
Lumingon ako sa kan'ya at nagtaas ng kilay, "Oh?"
I saw him smirked before leaning forward to whisper something.
"Kanina ka pa nakatitig kay Shine. Concern much, eh?" Narinig ko pa ang sabay nilang pagtawa ni Ron. Umismid ako sa kanila.
"Corny niyo. Di ako nakatitig sa kan'ya, may iniisip lang ako."
"Ano? Future niyo?" Ron asked before letting out a bark of laughter. Masyadong malakas ang tawa nilang dalawa kaya napatingin sa amin ang mga kaibigan ni Shine. Shine didn't bother to look, though.
"Oh 'wag galit. Kaya ka tumatanda eh."
Bago pa ako mainis sa dalawa ay umalis na agad ako. Baka mamaya kung ano pang masabi ko sa kanila.
Maya-maya lang din ay nagsimula na ang klase namin sa Science.
"Good morning, class. Like what I've told you yesterday, our topic for today is all about astronomy." Ma'am Rodriguez, our Science teacher said. "We are all familiar with it so what's astronomy?"
Kinuha ko ang notebook para sa subject na 'yon kaya bahagya akong napatingin kay Shine. Napansin ko ang malawak niyang ngiti at pagkatuwa na umabot hanggang sa mga mata niya. She stood up when the teacher called her.
"Astronomy is the branch of science which deals with celestial objects such as stars, sun, moon, planets, galaxies, space, and the physical universe as a whole." sagot niya sa tanong ng guro.
"Good. Let's tackle about stars first. What else do you know about stars?"
Nagtuloy-tuloy pa sa pagtatanong ang guro kaya sagot lang din nang sagot si Shine. She's not even giving others a chance to answer some of the teacher's questions. Parang silang dalawa lang ang nasa classroom o 'di kaya'y sila lang ang nakakaalam ng pinag-uusapan. Ang tanging nagawa lang namin ay makinig at magsulat.
"You seem to know much about stars, Miss Alcantara." The teacher then praised her.
"I used to read a lot of books about astronomy, Ma'am. I'm really into such things. Those are all wonderfully made and I have nothing else to say. Just my admiration and how beautiful they are." sagot ni Shine sa kan'ya. Nakita ko ang pagngiti ni Ma'am sa kan'ya at pagtango.
Nang napabaling sa akin si Shine ay agad kong ibinaba ang tingin ko. Kinuha ko ang isang notebook.
STA Secrets.
(Tout ce que je sais d'elle.)
'Yan ang nakasulat pagbukas palang ng cover.
[Shine Thalassemia Alcantara Secrets.
(Everything I know about her.)]
I don't know but I'm really kind of a stalker. Dito ko isinusulat lahat ng mga bagay na nalalaman ko kay Shine. I actually can't understand myself why I've been so obsessed with her. Like I just woke up one morning then I found myself na sobrang interesado na sa kan'ya. We don't have much interactions for me to like her though we were classmates since then, I'm not really fond of girls. I don't like their attentions. I don't like to see someone crushing on me. I don't like to see someone almost throwing theirselves to me.
"Hoy kanina ka pa tulala riyan." Naramdaman ko ang pagkalabit sa'kin ng kung sino. Nang nilingon ko ay muntik na akong mapatalon sa nakita ko. Si Shine!
"Bakit?" Tanong ko agad sa kan'ya para hindi niya mahalata ang pagkabalisa ko.
"Kanina pa nag-dismiss. Pwede na raw umuwi dahil may meeting pa ang faculty. Nagsiuwian na lahat ng kaklase natin, wala ata silang pake sa'yo." Humalakhak siya.
"So does it mean may pake ka sa'kin?" I asked and I saw her blushed. I chuckled. Ang cute niya kasi.
"Ye-No. I mean, no. Ah no, no, no. Of course I do. Magkaklase tayo at kanina ka pa tulala kaya..." She shrugged, hindi pa rin nawawala ang pamumula ng mga pisngi niya.
I smirked at her, nakita ko ang bahagyang pagparte ng mga labi niya.
"Oh my gee! First time kong makita kang nakangiti! Tapos tumawa ka pa kanina. Wow, may sakit ka ba?" She frantically shouted. Natatawa na 'ko sa kan'ya pero pinigilan ko ang sarili kong tumawa.
Inayos ko nalang ang mga gamit ko at tumayo na para umuwi. Nasa pintuan na ko nang lumingon ako sa kan'ya.
"Ano pang ginagawa mo riyan? 'Di ka pa uuwi?" Tanong ko. Nagkukumahog naman siyang sumunod sa akin.
"Sorry. 'Di lang talaga ko makapaniwala."
"Gano'n na ba ko kadalang ngumiti at nagugulat ka pa?" tanong ko ulit.
"Honestly, yes. Kung 'di mo napapansin, palagi kang nagsusungit kaya nasanay kaming gano'n ka. Pero narealize ko lang na..." Tumingin siya sa'kin at ngumiti, "Mas gwapo ka kapag nakangiti."
That made me smile.
"Oh 'di ba? Maniwala ka sa'kin. Mas magandang tingnan kapag gan'yan ka." komento niya pa.
"Ang galing mo kanina." papuri ko sa kan'ya. Ayan na naman ang pulang-pula niyang mga pisngi.
"Thanks. Mahilig lang talaga 'kong magbasa lalo na 'pag tungkol sa astronomy. Tsaka nakakaakit lang talaga sila lalo na kapag gabi. Ang ganda nilang tingnan. Para silang mga sangkap sa salad." sagot niya.
"Why is that?"
"Kasi nagbeblend sila sa bawat isa. Bagay na bagay 'pag pinagsama-sama. Imbis na malamangan ng sino ang ganda nino, pantay-pantay lang talaga 'yung ganda nila. Isa pa, ang galing ng pagpili na ginawa Niya ah. Sa umaga, asul na kalangitan, araw na nagbibigay liwanag at mga ulap na nagkokontrol sa liwanag na ibinibigay ng araw. Sa gabi naman, madilim na kalangitan, buwan na kahit walang sariling liwanag ay nakapagbibigay pa rin naman--galing nga lang sa araw-- at ang mga butuin? Kahit minsan wala namang bituin na nakikita, ang ganda-ganda pa rin nila. Ang galing lang ng combination." Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Naisip niya pa iyon?
"Naisip mo pa 'yang mga gan'yan? Basta maganda silang tingnan, okay na para sa akin. Pero ni minsan ay hindi ako umabot sa puntong nakaisip ako ng mga bagay na katulad ng sinambit mo."
"Bigla ko nalang ding narealize eh." Sagot niya.
"You love them that much?"
"More than you even think, actually." sabi niya bago humiwalay ng daan sa akin.
Take note of that, Rence.
BINABASA MO ANG
Take Note Of That, Rence
RomanceHe's a silent observer-- perhaps, towards the girl he loves. And he only have five words everytime he gets an information about her. "Take Note Of That, Rence"
