Note I

12 1 0
                                    

Chapter I

The Start

I was writing my notes when someone accidentally spilled her drink on me. Nagmantsa ito sa sa aking damit at natapunan din ang notebook na pinagsusulatan ko.

What on earth?!

"What the hell are you--", hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang nakita kung sino ang taong nakatapon sa akin. She immediately get her tissues and gave it to me.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Swear!" Her voice is full of guilt and sincerity.

How could I hate this girl? Damn it!

"No, it's okay. Madali lang naman matanggal itong stain so don't worry." I told her, looking down on my notebook. "Pwede ko rin namang patuyuin nalang ang notebook ko tapos ay ulitin ko nalang ang mga laman."

"But..." Mukha pa rin siyang sising-sisi kahit na ayos lang sa akin. "I can help you with your notes! Ako nalang ang gagawa niyan, please? Para naman ay mapanatag ang loob ko."

"No, it's really fine. Don't bother."

"Pero kasi kasalanan ko naman."

"Hindi naman. Hayaan nalang. Magpapalit muna 'ko ng uniform." sabi ko at tumayo na para pumunta sa locker room at makapagbihis.

Pagkatapos kong magpalit ay kaagad din akong bumalik sa classroom. I saw her still standing beside my chair and looking guilty.

"Hoyyy, sorry talaga. Pasensya na, 'di kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko kanina kaya natalisod ako then boom!"

"It's nothing. Go back to your chair and sit. Ayos na." Sinunod niya naman ang sinabi ko sa kan'ya.

"Class dismissed." I fixed my things and went on my friends.

"Ano, tara na? Uwi na tayo?" pagyayaya ko sa kanila.

"Tara. Nga pala, sinungitan mo kanina si Shine? Grabe, bro, wala kang pinapalampas." ani Ron at tumawa nang malakas. Tsk.

"Pa'nong 'di niya susungitan eh natapunan siya ng iniinom?" pagdepensa naman sa akin ni James.

"Alam niyo? Mas maganda kung tatahimik nalang kayo. Ang iingay niyo eh."

"Walang pinagbago. Kahit kanino masungit." tumawa pa ang dalawa.

Habang naglalakad kami ay nakarinig kami ng hagikhikan mula sa mga babae na nasa likuran namin. Tumingin sa kanila si Ron. Humarap siya sa amin nang nakangisi na.

"Sila Shine." sabi niya.

"Bakit mo naman kasi tinapunan, Mia?" narinig kong tanong ni Sharmaine sa kaibigan niya.

"'Di ko naman kasi sinasadya. Ang sungit niya talaga! Tinanong ko pa siya kung pwede ko siyang tulungan tapos tinanggihan lang ako. Ah, nakaka-guilty." Shine ranted.

"Gano'n na talaga 'yon dati pa. Parang 'di mo alam, ah? If I know, baka sinadya---" 'di ko na narinig ang kasunod sa sinasabi ni Gail dahil hininaan niya ang boses niya. "'Di ba nga---" nakakainis, ano ba 'yong pinag-uusapan nila.

"Dude kung curious ka sa pinag-uusapan nila, sumabay ka nalang sa kanila sa paglalakad. Ang bagal mo eh." James patted my shoulder kasabay ng halakhak.

"Tsk tara na nga."

Simula nung araw na 'yon ay hindi ko maipaliwanag kung bakit parang bigla nalang akong nagka-interes sa kan'ya. I would always find myself listening secretly to their chitchats. Then it struck me. I'm interested in her because I like her.

I wanted to tell her but I chose not to. Kinikilala ko muna siya nang paunti-unti. I'll make a move, sa tamang oras.

"Mia! May chocolate ako, gusto mo?" Sharmaine asked.

"OMG, girl! Thank you, favorite ko 'yan." Sagot niya sa kaibigan. Nahihimigan ng pagka-excite ang boses niya.

So she likes chocolates, huh?

Take note of that, Rence

Take Note Of That, RenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon