CHANGESAndy's POV
Naglakad akong pumunta sa school para maka exercise kahit papaano.
Inilagay ko ang earphone sa tenga ko habang nagpapatugtog.
Nabigla ako nang makita ang sumasabay na kotse habang naglalakad ako sa daan.
Binilisan ko nalang ang paglakad ko.
Tinignan ko ang gilid ng daan ay puro palayan at mga puno kaya ang sarap ng hangin na sumasalubong sa mukha ko.
BEEP BEEP
Binaba ng nakakotse ang salamin nito sa tabi ko habang naglalakad ako sa daan.
Si..
"kung minamalas ka nga naman", pabulong kong sabi.
"Sabay ka na Ms. Mendez" ,ani niya na may ngiti sa mukha niya.
Tinignan ko yung oras 7:32 na
WHAAAAAT!!!!!!?
7:32????
LATE NA AKOOOOOOOOO!
Tumakbo ako pero malayo pala talaga.
"Sumakay ka na. Late na! Isipin mo nalang na apologize gift ko to" napangisi niyang sabi.
Wala akong choice kundi sumakay nalang sa kotse ni Harold.
"Arte arte ka pa sasakay ka din pala. Btw. Hindi ako nakapagpakilala sayo ng husto. I'm Harold Ace Reyes" ,pagpapakilala niya sa sarili niya.
Nagdadoubt ako kung sasabihin ko.
"I'm Andy Mendez" with matching rolled eyes.
Pagkaraan kong sabihin agad akong tumahimik."Andy? Such a familliar name" ani niya.
Andito na kami. Bababa na sana ako ng pinagbuksan ako ni Harold.
Pinagtitignan tuloy kami sa parking lot ng mga estudyanteng late din.
Agad akong pumunta sa late line. Malapit ng matapos ang Flag Ceremony ng may sumagi sa akin.
Sinagi ako ni Victoria kasama niya ang grupo niya. Inirapan nila ako at may mga nakapansin niyon.
Agad akong naglakad papunta sa room ng matapos ang Ceremony. Nakita ko si Tyron pero nag wave lang siya.
"Akala ko ba close na kami?"
Nabigla ako nang may magsalita sa tabi ko.
"Mukhang may sasabihin ka sa akin". ani ni Gracell. Sa tunog ng boses niya parang nagsusungit siya.
Anong gusto mong malaman gurl?
Napamewang si Gracell habang tinitignan ako. Naalala ko baka si Harold yung gusto niya malaman.
"Si Harold ba yung gusto mong malaman?" ani ko.
Sa pagkakataong to parang wala parin siyang reaksyon .
"Ah, Nagkita lang kami sa daan, ako naman no choice kundi sumakay nalang kasi late na pala ako. Walang dahilan yun", Depensa ko sa kaniya.
Napangiti naman si Gracell nang masabi ko yung dahilan.
"May tiwala naman ako sayo gurl. I will support you naman eh. Sige bye Andy, See you around",
Pagka sabi niya yun naghiwalay na kami ng dinaanan.Saktong parating na rin yung teacher nung makapasok ako sa room.
Business math pala namin ngayon.
Puros numbers yung mga tumatakbo sa isip mo. Pag study, study lang lalo na sa subject na isang lutang lang maaring lahat lahat di na magets. Haysst.
YOU ARE READING
MISSING RING
Teen FictionFound a love unexpectedly. Owning Mr./Ms. Right depends on your own effort. Let's find out who will catch Andy "the girl who give her important identity ring".