Chapter 5. Heart beat

10 3 3
                                    

Andy's POV

Papalapit siya ng papalapit

Hanggang sa nakita ko kung sino siya.

Nagring yung phone niya. At nakita kong tinigan niya yung phone niya.

"Haysst Pogi niya nemens.", buntong hininga kong sabi.

"I'll just call you later", dinig kong sabi niya at saktong baba ng phone niya.

Akmang titignan na niya ako pero hindi ko alam bigla kong tinignan yung phone ko na parang may ka chat.

Ngiiii! Wala akong machat huhu

"Can I sit here with you Miss?", pa angas niyang sabi.

Maang maangan ka pang kupal ka ha? Sabi ko sa utak ko na medyo nag iinit pa ata ang mukha ko.

"Yeah sure", pataray kong sabi.

Hindi ko alam kung nakikita niya yung pagkaputla ng mga mukha ko pero sana hindi medyo madilim naman pero may ilaw din naman.

Napakagat labi nalang ako

"Looks like kinikilig ka sa kachat mo", pakialam niyang sabi.

"Ano naman ngayon Mr. Harold?", sabi kong medyo pagkawirdooo.

"AHAHA!" angas niyang tawa.

As in naman wag ka tatawa ng ganyan! Utak ko wag kang mag isip ng ganyan!!!

"Naalala mo pala ako? Miss Andy" tanong niya.

"Sino ba namang hindi makakaalala  sayo eh madami kang atraso sakin?"

Huhu wag ka na magsalita baka madulas dila ko at iba masabi koooo

Takteee bakit iba yung sinasabi ng puso ko? Traydor pero buti nakokontrol din ng utak at pananalita ko.

"Can we be friends nalang", saad niya

"Friends na tayo sa fb", konti kong sagot.

"May linya ako" ani niya.

"Joke ba yan?", sagot ko pero nawiwirduhan na kasi ako.

"Sagutin mo na lang ako", sabi niya parang sarcastically.

"Ang landi mo naman ! May Victoria ka na nga tapos lalandi ka pang kupal ka", sagot ko dahilan para mapatawa siya.

"Ring ka ba?" pagtutuloy niyang tanong.

"Bakit naman?", tanong kong sabi.

"Kasi I love you"

DUGDUG
DUGDUG
DUGDUG

Rinig ko ba puso ko?

Rinig koooo. Parang maririnig na rin niya dahil sobrang tahimik.

"Nasaan yung Ring don", maang maangan effect kong sabi.

"Parang ayoko ituloy!" pag iiba ng mukha niya sinabi.

antahimik ata. Mga 5 seconds din na tahimik

"ChaRINGGGGG!" , pambabasag niya ng katahimikan.

"Malandi ka ngaa!" ani ko sa kanya.

"Eheeem",  nagulat ako ng madinig ko ang boses ni Marco.

"Eheem, Eheem", pangiti kong nakita si Marco.

"Princess told me na andito ka raw kaya pumunta ako dito"sabi ni Marco sa akin.

"Siya nga pala Harold, Can we talk about sa performance natin mamaya ?" ani ni Marco kay Harold.

"We'll be back at magsisimula na din naman Andy",  ani ni Marco dahilan para ma confuse ako sa tono ni Marco.

MISSING RINGWhere stories live. Discover now