UNO

16 4 0
                                    

Maraming nangyayari dito sa mundo na hindi natin alam. Minsan, may isang kaganapan na hindi natin namamalayan. Mapapansin na lamang natin ito kapag naramdaman na natin.

Isang akong babae na kayang makita ang mga namayapa na. Lalo na ang mga kaluluwa na nandito parin sa mundo sa kadahilanang nagnanais sila ng isang bagay.

Iba-iba ang nais nating mga tao ganundin sa kanila.

Kasama ko ang aking kaibigan na si Rayne. Kung ako kay nakakakita, siya naman ay nakakaramdam. Gabi na pero nandito parin kami sa lansangan. Kapag may nagpaparamdam sa amin ay hinahayaan nalang namin sila pero dahil nga nakikita ko sila ay natatakot ako minsan.

Ilan na sa mga nakita ko ay ang mga naabuso, na-rape, pinatay na walang laban, at ang mas ayaw ko nang maulit ay iyong mga pinatay dahil lamang sa pansariling kapakanan. Selfishness can kill also.

"Tulong" isang bulong ang nagpatayo sa balahibo naming dalawa ni Rayne.

Hindi nalang namin iyon pinansin at itinuloy na namin ang paglalakad. Hindi na namin gusto pang madamay sa kahit na anong uri ng ganito. Ang ilan kasi sa kanila'y paghihiganti ang nais.

Nang hindi namin namamalayan na natapat kami sa isang lumang bahay na gawa sa kahoy. Ramdam naming dalawa na may nakatagong lihim doon.

"Marie, last na talaga to." Sabi ni Rayne habang nakatanaw sa lumang bahay na nasa harap namin.

"Tulungan natin siya o sila man"

"Yep. Eto nalang ang magagawa natin para sa kanila."

"Tara"

Katahimikan ang namayani habang papasok kami sa lumang bahay na ito. Nang nakapasok na kami ay hindi na kami masyadong nagulat nang biglang sumara ang pinto ng bahay. May dalawang palapag ang bahay.

Inuna naming libutin ang unang palapag nito. Habang naglilibot kami ay bigla akong napatingin sa isang parte ng bahay: ang kusina. Pero iba ang bumungad sa akin.

"Bakit Marie?" Tanong sakin ni Rayne nang bigla akong napatigil dahil sa gulat. Dalawang nilalang.

"N-nakatingin sila s-sa atin" nanlamig ang kamay na nakahawak sa akin.

"Ilan sila?"

"Dalawa"

"A-anong lagay nila?" Bakas sa tono ng boses niya ang kaba.

"Duguan. Umiiyak. Gusot gusot ang damit." Paglalarawan ko.

Pinagpatuloy namin ang paglilibot dito sa bahay hanggang sa napadpad kami sa ikalawang palapag nito.

Naghiwalay muna kami ng pinuntahan ni Rayne. Nagtungo ako sa isang kwarto at siya naman sa veranda ng bahay.

"Marie!" Sigaw nito kaya dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan niya.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Inilawan nito ang isang parte ng sahig.

"Parang may mali dito." Hinawakan nito ang sahig.

"Parang may nakatago dito." Ginaya ko siya at nay napansin nga ako

"Iba na ang pagkakalapag nitong tiles. Tignan mo" at itinuro ang may bitak na parte nito. Hindi naayon sa pwesto nito ang tiles dahilan upang malaman ko na baliktad ito.

Napayuko kami ni Rayne nang biglang namatay ang ilaw namin.

"Sino kayo?!" Isang galit na boses ang gumulat sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito sa pamamahay ko?!" Nasinagan ng buwan ang kabuuan ng lalaki kaya naman nasilayan ko ang mukha nito.

"R-Rayne"

"Bakit?"

"Bakit kayo nandito?!" Hindi ko siya sinagot sa halip ay ibinalik ko sa kanya ang tanong

"Ikaw, bakit ka nandito? Bakit mo sila pinatay?" Nagulat ito sa tanong ko.

"Bahay ko to kaya nandito ako bata at anong sinasabi mong pinatay? Nagpapatawa ka ba bata?"

Galit ako sa mga taong namamatay tao lalo na kapag para sa kanilang pansariling kapakanan. The real enemy in this world is human.

"Bakit mo sila pinatay?"

I Can See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon